Tacenda's POV “Nandito na po tayo,” anunsyo ni Ruwan dahilan upang mapabalik ako sa reyalidad na naging rason din para magising si Mr. Augusto. Nilingon ko ulit siya sabay na nginitian kahit pa hindi siya nakatingin sa gawi ko. “We’re here, Sir.” Pagkatapos nun, bumaba ako at umikot upang pagbuksan si Mr. Augusto na bumaba rin kaagad. Ginala nito ang paningin sa paligid habang ako naman ay chineck kung naroon ba ang van na kasama namin kung saan ay naroon ang mga pinabili ni Mr. Augusto na napagtanto ko namang naroon. Iginaya ko si Mr. Augusto patungo sa loob ng isang malaking bahay. May malawak din itong garden sa unahan kung saan ay doon namin nasalubong ang isang babae. Kung susuriin siya, sa tingin ko ay nasa late 40’s na ito. Binati nito kaming dalawa ni Mr. Augusto na nala

