OUR STRINGS- 30

2150 Words
Simula ng malaman ni Riley na si Raj ang papa niya and we both confirmed it to him. Halos araw araw na kasama ni Raj ang anak namin. Palagi siyang tinatawagan at kinukulit ni Riley. Even though ganun ang nangyari ay pinagbibigyan siya ni Raj. Iniiwan ni Raj ang ginagawa just to be with our son. Minsan nga ay sinasabi ni Raj na wala na siyang oras sa akin. Hindi ko iyon minamasama, ang importante sa akin ay maligaya si Riley. Maayos ang naging klase ko nung mga nakaaran linggo. Tinutulungan pa nga ako ni Raj sa mga task ko o siya mismo ang gumagawa para mapadali ang trabaho ko. But then, I kept on watching how he do it. Gusto ko din naman may matutunan. He even asked me to stop working at Ibanez at pag aaralin niya nalang ako sa mga magagandang university dito. Tinanggihan ko iyon. Mas gusto ko na makuha ko ang gusto na ako ang naghirap at gumawa. It's more fulfilling. Ayoko kase masira ung goal ko just because he's back. I need to stand on my own like I've always wanted. To be a succesful woman and independent. A girl he can be proud to show to everyone. His world is big and scary. Ayokong pumasok sa mundo niya dahil pinasok niya ako. I want to earn the credits. I want to do it myself. I want to be deserving for everything I will have. "How are you?" Nawala ako sa lahat ng iniimagine ko ng lumitaw si Sir Brent sa harap ko. Napakagat ako sa kuko ko dala ng kahihiya. Nahuli pa yata ako na nag deday dreaming. Ni hindi ko nga namalayan na nasa harap ko na pala siya. "Uh, okay naman po sir." Sagot ko. Hindi ko pa siya matignan dahil nahihiya ako. Tumango siya at ngumiti sa akin. "I can see that. Okay na kayo ni Raj? He knows about your son, right?" Tanong niya ulit. Nagulat ako ng bahagya sa sinabi ni sir Brent. Alam kong alam niya na may anak kami ni Raj pero hindi ko alam kung paano niya nalaman or paano siya nagka-thoughs na alam na ni Raj. "Things nowadays were not hard to figure out." Sagot niya ng natulala ako sa harap niya. Kumindat pa siya sa akin bago ako tinalikuran at tuluyan ng pumasok sa opisina niya. Napabuga ako sa hangin at tumayo. Hindi pwedeng lutang ako palagi dahil okay ang pakiamdam ko. I need to focus on the things I have still. Pumunta ako sa pantry at pinagtimpla ng kape si  sir Brent. Busy kase siya palagi ngaun dahil wala si sir Anton. Mas pinili ni sir Anton na i-manage ang resort nila at doon sila manirahan ni Bree. Pag labas ko ng pantry ay halos mabitawan ko ang kape na hawak ko. Nandito ngaun si Lakan wearing a stunning dress and big aviators. "Gotica!" She greeted me. Binaba ko ang kape at patakbong pumunta sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngaun sa harap ko. She is indeed a goddess! "Maam-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko. "Anong maam? Hindi naman kita empleyado. Call me Lakan. We are friends remember?" Nankangiting sabi niya. Nanatili pa din akong nakatunganga sa harap niya dahil hndi ako makapaniwala na nandito talaga siya. "Pero kase," sagot ko. Napayuko pa din ako kase ang ganda ganda niya talaga. Para siyang barbie na laruan at nabuhay sa mundo. "Chill, okay lang yan." Kinindatan pa niya ako. Luminga linga si Lakan sa paligid tila ba may hinahanap. "Ano pala-" tatanungin ko sana kung bakit siya nandito ng biglang lumabas si sir Brent sa kwarto niya. Kita ko kung paano ngumisi si Lakan sa kanya habang si sir Brent naman ay nag iigting ang panga. "This way," malamig na salita niya kay  Lakan. Yung ngisi ni Lakan ay naging mahinang hagikgik. "Okay, relax, Brent. Ako lang to." Kumindat siya sa akin sabay lakad palapit sa kwarto ni sir Brent. Nagpakawala ng mura si sir Brent na lalong kinatawa ni Lakan. Masyado akong nawiwindang sa nangyari kaya pinili ko nalang umupo muna. What was that? At bakit magkakilala sila? Inalis ko sa isip ko iyon. Buhay nila yon at wala na akong pakialam kung ano man ang meron silang dalawa. Mag aalas singko na ng hapon pero hindi pa din sila lumalabas ng silid. Malapit na ako mag out pero wala akong naririnig sa kanila. Tumunog ang wall clock tanda na alas singko na. Hindi ko alam kung aalis ako o paano ako magpapaalam sa kanila. Mukang wala pa silang plano lumabas sa silid. Napatingin ako sa elevator ng bumakas ang lift. Nanlake ang mga mata ko ng makita si Riley na kasama si Rajan. "Mama!" Sigaw ni Riley. Ngumiti ako sa anak. Hindi nga ako sigurado kung maayos ang muka ko o ano pero sigurado ako na nandito sila. Tumingin ako kay Raj na puno ng pagtataka. Hindi ko kase masyado ine-expose si Riley sa tao kaya bakit siya nandito ngaun. "It's fine. We will have our dinner." Sagot ni Raj. Wala naman ako sinabi pero tila nababasa niya na ang nasa isip ko. "Wow!" Sagot ni Riley ng makita ang mga designs ng eroplano sa gilid kung saan nakalagay ang mga ito. "This is also like your company papa?" Tanong ni Riley sa ama. Ngumiti si Raj at ginulo ang buhok ng anak. "Umh, kinda." Sagot nito. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng office ni sir Brent ng bumukas ito. "Riley!" Si Lakan ang unang lumabas at si Riley ang una niyang napansin. Nakita ko kung paano nagulat ang anak at patakbong tumungo kay Lakan. "Tita Lakan! Why are you here?" Tanong ni Riley at tsaka yumakap kay Lakan. Nakatingin lang si sir Brent sa anak ko at kay Lakan na magkayakap. "Umh, I arrived last night and maybe will stay here for good. Bigboy kana!" Pinindot pa ni Lakan ang ilong ni Riley. "Really? We can go some other time! Right mama?" Tanong ni Riley sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. "Ofcourse," sagot ko. Tumayo si Lakan at umayos ng tindig. Napatingin siya kay Raj sabay baling ulit kay Riley." OMG! Is he.." tanong niya. Ang mga mata niya ay sa akin na ngaun nakatingin. Nahihiya akong tumango sa kanya. "He's Rajan Duke Esquivel. Girl! Bakit hindi mo sinabi na siya ang daddy ni Riley?" Salita niya na tunog nagtatampo. Natahimik kami ng tumikhim si sir Brent. "And how did you know him?" Tanong niya kay Lakan na tila naiirita. Tumawa ng malakas si Lakan. "You forgot na vlogger ako? I know people Brent, Duh!" Sagot niya. Hindi na ako nagsalita. Halata pa din ang iritasyon sa mukha ni sir Brent. "Can we go now?" Pag putol ni Raj sa katahimikan. Tumango si sir Brent sa amin. Hinawakan ni Raj ang kamay ni Riley at isang kamay niya ay humawak sa beywang ko. Nahihiya pa ako sa kanila dahil bawat galaw namin ay pinagmamasdan nilang dalawa lalo na ni Lakan. "Take care! Lets set our catch up Gotica!" Sigaw ni Lakan ng malapit na kami sa lift. Bumaling ako sa kanya at tumango. Struggle na naman sa akin ang paglabas sa building na ito. Bukod sa kasama ni Raj si Riley ay pareho niya pa kaming hawak ng anak ko. Nang bumukas ang lift sa ground floor at tahimik akong nakamasid. Nanjan na naman yung receptionist na talagang nakaktutok sa amin. May iba din kaming nakakasalubong na naagaw namin ang atensyon. "Why did you bring Riley here?" Pabulong kong tanong kay Raj. Medyo galit ang mga mata niyang bumaling sa akin. "Why not?" He said coldly. Minsan talaga ay natitrigger ko si Raj kapag lumilitaw kami in public na magkasama. Palagi siyang nagagalit sa akin kapag concern ko ay nakikita kami ng mga tao in public na magkasama. Pag sakay namin ng sasakyan ay daldal ng daldal si Riley. Pinanuod ko silang mag ama na nag uusap about sa designs at pangalan ng airplanes na gagawin nila. "Papa, where will we eat?" Tanong ni Riley ng makaramdam siguro ng pagod at gutom. Tumahimik siya sa backseat habang nakanguso. Medyo malapit na siya kay Raj. And Raj seems enjoying his company with our son. "Where do you want to eat?" Tanong ni Raj sa anak. Tumingin pa siya sa akin at pinasiklop ang daliri namin dalawa. Nakita ko kung paano ngumisi si Riley ng makita niya ito. " Papa!" Sagot ng anak. Binalewala ang tanong ni Raj. "Why?" Tanong ni Raj. He even looked at Riley on rear view mirror. "Do you love mama?" Tanong niya. Nanalake ang mga mata ko at napabitaw sa kamay ni Raj. Humalakhak si Raj sa sinalita ng anak at sa naging reaksyon ko. "Riley!" I warned him. Ngumuso si Riley at sumimangot tsaka bumalik sa pagkakaupo sa likod. Tumikhim si Raj. "Yes I love your mama as much as I love you Riley." He said. Walang halong biro o ano. He is so serious. "I love you too, papa." Sagot ni Riley. Napangiti ako sa kanila. Raj also smiled genuinely. Panay ang tunog ng cellphone ni Raj ng nasa daan kami. Wala na sa amin nagsalita marahil sa pagod at gutom na rin. Bahagya nang nag aagaw ang liwanag at dilim. Medyo traffic na din dahil rush hour. "Sino tumatawag?" Tanong ko sa kanya. Patuloy pa din kase ang pagtunog ng cellphone niya. "Mama," sagot niya dahilan para matahimik ako. "Bakit ayaw mo sagutin?" Sagot ko. Patuloy pa din kase ang pag tunog ng cellphone niya. Hindi na siya sumagot. Lumiko siya sa entrance Marriot hotel at mabilis na pumarada sa entrance. Lumabas siya ng sasakyan at binigay ang susi ng sasakyan niya sa valet. "Yehey! I'm gonna eat steak." Sagot ni Riley ng makababa ng sasakyan. Hinawakan ulit ni Raj ang kamay ni Riley  at ganun din sa akin. Gaya ng dati ay madami na naman ang bumabati sa kanya. Mayroon pang pagkatapos niyang batiin ay nagbubulungan pa sila. "Is it okay--" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Raj. "I told you, don't mind them." Sagot niya. Ngumuso nalang ako at hindi na nagsalita pa. Pinanuod ko si Riley na palundag lundag na tumakbo papunta sa restaurant ng hotel. Kumawala na din siya mula sa pagkakahawak ng ama. Bumitaw ako kay Raj a sumunod kay Riley. Natigilan lang ako ng may tumawag kay Raj. "Iho," malumay na salita. Nagulat ako ng makita ang mama ni Raj na nakalapit na sa kanya kasama ang isang babae na halos kasing edad ko lang. Pinakilala ng mama niya ang babae kay Raj at nakipag kamay sa kanya. The girl is at mid 20's it's pretty obvious that she is educated and expensive. Lumalabas ang dimples niya sa bawat pagbukas ng bibig niya. Nanaliit ako napatingin sa sarili. Ganyan klase ng tao ang nababagay sa kanya. Para akong sinampal ng katotohanan na malayo talaga ang agwat namin dalawa. He's already on top. Ako? Ano naman ang laban ko sa kanila? Maliban sa katotohanan na ako lang ang nanay ni Riley ay wala na. There is nothing to be proud of me. Nanlulumo ako sa naiisip. Nakakababa ng kumpyansa sa sarili. "Papa!" Nawala ako sa iniisip ng sumigaw si Riley at patakbong tumungo kay Raj. He seemed normal pero kita ko ang pag kawindang ng mama niya at gulat sa babaeng pinakilala sa kanya. "Papa? You must be mistaken lil boy." Sagot ng mama ni Raj na titig na titig sa anak ko. Doon na ako natauhan at sumunod kay Riley papalapit sa kanila. "Riley!" Tawag ko. Kumapit ang anak ko kay Raj at hinawakan din siya ni Raj. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ng mama ni Raj habang nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang namutla. "This is wrong," halos pasigaw na sabi ng mama niya. Nakita ko kung paano nagulat si Riley at napakapit kay Raj. "You know the truth Raj! How could you!" Sigaw ng mama niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tumango lang si Raj sa mama niya. "Yes and I'm willing to lose everything for them ma. Don't try to be a hindrance now kase lalabanan na kita." Sagot ni Raj. Nagtagis ang bagang ng kanyang mama ang malupit akong tinignan. "Isa kang anay na sumisira ng mga pamilya!"she shouted at me. Napapikit ako ng mariin madami na din ang nakikinood sa eksena namin. "Stop it ma, wag mo hayaang mawala respeto ko sayo. I've done everything for you for years. Tama na." Pagod na salita ni Raj sa ina. "No! You owe me everything Raj!" Sigaw ng mama niya. "Really Camille? Or you owe everything to my daughter?" Napatingin kami sa nagsalita. Nanlake ang mga mata ko ng makita ko si mama sa harap ko at papalapit sa amin. "Hi Gotica, it's been a while." Sagot niya sa akin. "Mom," sagot ko na gulat na gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD