Walang bakas ng kahit anong biro ang mga mata ni Raj. His eyes is determined to know everything.
Nagtitigan kami. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula. I don't know where to start at natatakot ako na marinig ni Riley ang lahat.
Dumating ang order namin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. This will buy me some time para maka pag isip kung paano ako magsisimula.
"Wow! This is so yummy, mama try it!" Salita ni Riley sa akin. Hindi ko alam ang itsura ng mukha ko nang magtama ang mata namin ng anak. Ni hindi ako makapagsalita o makagalaw. Literal na tumunganga ako sa harap niya.
"May I taste it?" Singit ni Raj ng hindi ako makasagot sa anak. Pakiramdam ko ay natanga ako sa harap ng anak. Na kahit simpleng tango ay hindi ko na nagawa.
Alanganin tumango si Riley. Humiwa siya ng steak at saka isinubo kay Raj. Nakita ko pa kung paano nag alangan si Raj pero sa huli ay isinubo niya ito.
"How was it?" Tanong ni Riley kay Raj. Kitang kita ko ang kuryusidad sa muka ni Riley. Pero may parte sa anak ko na alam kong naguguluhan.
Ngumiti ng pagak si Raj at tumango sa anak. "Delicious indeed." Sagot niya. Ngumiti si Riley at tuluyan ng linantakan ang pagkain. Ako naman dito ay hindi makasubo. Nilaro laro ko lang ang karne na nasa plato ko.
Tahimik kaming kumain. Wala nang nagsalita sa amin. Nakakailang lang dahil sa bawat tingin ko sa kanila ay nagtatama ang mga mata namin ni Raj. Ngaun, ang mga mata niya ay punong puno ng panunumbat.
"I want to eat here again mama. Can we?" Masiglang salita ni Riley. Kitang kita ko ang saya sa mga niya. Parang nawawasak ang puso ko sa kainosentihan niya.
"Of course, baby." Sagot ko at tipid na ngumiti. Nahuli ko si Raj kung paano niya kami pinagmamasdan ni Riley. Bawat galaw at bawat bukas ng bibig namin ay wala siyang pinapalampas.
Dumating ang waitress at binigay ang bill. May sasabihin pa sana si Raj pero pinili nalang niya manahimik. Dinukot ko ang wallet ko ng makita ang babayaran. Medyo mahal pero may pera naman akong naitabi.
"Ako na, keep that." Salita ni Raj sabay kuha ng bill at lapag ng credit card niya. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Hinayaan ko nalang siya ang magbayad.
"Are we going to the mall na mama?" Tanong ulit ni Riley. Hindi ako makasagot sa anak. Alam kong hindi pa tapos sa akin si Raj at tanging nagpipigil lang sa kanya ay ang presensya ni Riley.
"Are you not tired?" Tanong ko. Sunod sunod ang pag iling ni Riley sa akin.
"I'm not mama. We didn't do anything to make me tired yet." Sagot niya sabay balik ng mata sa Ipad niya. Napatingin din ako doon. Pati si Raj ay napanganga sa ginuhit ni Riley.
"You love planes?" Tanong ni Raj sa anak ko. Tinignan siya ni Riley at mayabang na pinakita ang ginuhit niyang eroplano. "Yes sir. I love planes." Pakita ng anak at mukang proud na proud siya sa ginawa.
Nakita kung paano ngumisi si Raj. Makikita mo sa mga mata niya ang pagkamangha at hindi maipaliwanag na feelings. It was like he is eating his own emotions.
"And you are good at drawing at your age. Wow!" Salita ni Raj. Tumayo pa si Riley para maipakita ng maayos ang ginuhit.
"I have many designs sir, you wanna see?" Pagyayabang ulit ni Riley.
"Sure!" Sagot ni Raj. Pinapanood ko lang ang bawat galaw nila. Tumayo pa si Riley para tumabi kay Raj at isa isang pinakita ang mga designs niya kay Raj.
"You made this all?" Hindi makapaniwala si Raj. Manghang mangha siya habang iniiscroll ang Ipad ni Riley na puro drawing niya.
"Yes sir." Pagyayabang ni Riley.
Anyhow, may parte sa akin ang natutuwa na makita sila na ganyan. This is what I always dreamt about to have for a long time. Yung makilala ni Raj si Riley at maging ama siya kay Riley.
Aminin ko man o hindi, kahit kaya kong maging magulang sa anak ko ay iba pa din kapag dalawa kami. Dalawa kaming mag susupporta at magpapalaki sa anak. But then, kapag naiisip ko ang tao sa paligid ni Raj ay nawawala lahat ng iyon.
Siguro.. matatanggap ni Raj si Riley pero hindi ang taong nakapaligid sa kanya. Lalong lalo na ang mama niya.
"You are good at it. Did you know that I also love and make planes?" Sagot ni Rajan kay Riley. Nakita ko kung paano napanganga si Riley at humanga kay Raj.
"Really sir? You also draw planes?" Tanong ng anak ko. Ngumiti si Raj at ginulo ang buhok ni Riley.
"I didn't just draw. I have real planes."sagot naman ni Raj. Para silang matandang mag usap at sila lang nag nagkakaintindihan. Lalong namangha si Riley sa kanya. Napatalon talon pa nga siya dahil sa narinig.
"Can you take me there? I love to see real planes." Salita nang anak.
"Riley." I warned him. He is crossing the line. Ayoko naman makulitan si Raj sa kanya.
Tumingin sa akin si Raj. Sa sobrang lamig ng titig niya ay napayuko ako.
"Of course. We will set that."
"Yehey!" Sagot ni Riley habang nagtatalon pa. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa. Alam kong alam na ni Raj ang totoo. He just want me to confirm it.
"Can I talk to your mama? Tell your tita Alice to take you to the mall?" Biglang sabi ni Raj kay Riley.
Saglit na natigilan si Riley at napatingin sa akin. " Is that fine with you mama?" Tanong ng anak. Tumingin ako kay Raj na nakatitig na naman sa amin. Hinaplos ko ang buhok ni Riley at saka siya hinalikan sa noo.
"Yes baby. Mama Alice is outside. You can go to her. Tell her I will follow after this." Sabi ko.
Kumunot ang noo ni Riley na tila ba nag aalangan pa na iwan ako. "Okay. Yabyu!" Sagot niya.
"Iloveyou more, Riley."
"Thank you for the food sir. And please take care of my mama." Riley said politely to Raj. Yumuko ako ng nakaramdam ng hiya. How could he said that?
Sa unang pagkakataon ngaun araw. I saw Raj genuinely smiled." I will. Don't worry. Take care and enjoy. I will see you more often."
Pinanood ko si Riley tumakbo papunta sa pinto. Nang bumukas ito ay bumungad si Alice. Kinuha niya si Riley at tumingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti hanggang sa isara na ulit niya ang pinto.
Nang maisara na ang pinto ay doon na ako nakaramdam ng totoong kaba. There's is no Riley anymore that stops Raj from questioning me. Dinig na dinig ko ang buntong hininga ni Raj.
"He's a smart boy." Salita ni Raj. Napatingin ako sa kanya at tumango.
"You never had experience of having parents but still, you became a good parent."he said. Hindi ko alam kung papuri ba niya ito o ano pero may parte sa akin na naging proud sa sarili ko. It's not easy to be a single parent pero ginawa ko ang best ko para mapalaki si Riley ng maayos. Hearing those words from him somehow gives myself extra credit.
"Now. Tell me everything." Umayos ng upo si Raj at pinag-krus ang braso niya.
Huminga ako ng malalim st tumango sa kanya."Saan ako magsisimula?" Sagot ko.
"Is he my son?" Tanong ni Raj na walang preno. Literal na nakatitig siya sa akin kaya pilit kong nilaban ang mga titig niya.
"Yes." Sagot ko. Kahit alam kong alam niya iyon. Iba pa din na galing sa akin. I saw how his jaw dropped and eyes widened. Medyo namula pa nga ito at nagpakawala siya ng mahinang mura.
"Bakit hindi mo sinabi?" He said. Dama ko ang pagkabasag ng boses niya.
"Kase nawala ka bigla?" Sagot ko. Sa unang pagkakataon simula kanina ay ngaun lang siya nag iwas ng tingin sa akin.
"Still you didn't try hard enough to find me." Sabi niya. Tunog nanunumbat. Kumuyom ang kamao ko naalala lahat ng hirap na dinanas.
"Bakit ka nawala? Why do I need to find you when you left in the first place?" Sumbat ko. Hindi na makatingin sa akin si Raj. You want realtalk ha? I will give you realtalk.
" I was young back then. Nawala ka. Nawala ang kaibigan ko. Nawala si tita Salve. My parents didn't care about me even at the slightest. Nalaman ko na buntis ako. I'm all alone. Nasaan ka noon mga panahon na iyon?" Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Ang mga luha ko ay nagsimula ng magtuluan.
"Gotica.." nanghihinang sabi niya. Umiling ako at pinalis ang luha na tumulo.
"Kailangan kita ng mga panahon na iyon. Walang wala ako noon. Wala akong masandalan. Wala akong lakas at takot na takot. You know the reason why I kept myself alive and kept going? Dahil sa bata sa tyan ko na naisip ko na magiging pamilya ko. Yung bata na mamahalin ako at alam kong hinding hindi ako iiwan." Salita ko.
Tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
"Alice and Raffy were the only people who cared for me. They helped me in all ways. They helped me and I owe them my life and Riley's. Kung wala sila. Baka wala din kami ni Riley dito sa mundo ngaun."
"You should have told me." Ulit ni Raj.
"Hindi ka dapat umalis at nawala." Sagot kong nanghihina.
"Sinama ako ni Alice sa Australia to start my life. Nabuhay ako doon. Nalaman ko na kayo ni Bree at nasa San Francisco kayo. You chose her. So what made you think na ipipilit ko ang sarili ko sa taong hindi ako gusto?" Pinalis ko ulit ang luha ko. Pagod na ako sa ganun. Even my own parents doesn't want me.
"Kahit ganun ang nangyare ay naging masaya ako kase akala ko nasa tamang tao kana, Raj. I just want you to be happy. Ganoon kita kamahal. But then, fate played us again. Palagi kong tanong noon. Binigay ko naman ang lahat sayo, pero bakit hindi pa din ako ang naging tamang tao para sayo? Bakit hindi pa din ako ang pinili mo?" Panunumbat ko sa kanya.
Tumitig ako kay Raj. His bloodshot eyes is showing too many emotions. Sa dami noon at sa nararamdaman ko ay hindi ko na maipaliwanag ang lahat.
"I have reasons why I left. Pero kung alam kong buntis ka. Ilalaban kita noon." Sagot niya. Umiling ako sa kanya at ngumiti pa din ng mapait.
"Whatever your reasons, everything is done already. Nakita mo naman na napalaki ko ng maayos si Riley. I'm okay now, Raj." Sagot ko. Tumango si Raj ng paulit ulit.
"I can see that. And believe me or not. Words are not enough to tell you how proud I am to you." Salita niya. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko at lalo akong napaiyak.
"We will fix this. I will fix this. Just please, wag mo akong ilayo sa kanya this time. Wag mo akong sukuan this time." Tumayo si Raj at lumapit sa akin. He bent down to face me equally.
"I'm sorry for all the hurt and pain I've caused you. For not fighting for who I really love back then. I'm sorry Gotica." Paulit ulit na salita niya habang hinahalikan ang noo ko.
Ngaun ko nalaman ang sagot sa buong buhay kong kinatakutan. He loves and accept Riley without any hesitations. Doon palang.. okay na ako . Yung malaman na tanggap at mahal ni Raj si Riley ay nakampante ako.
"Lets go out tomorrow. Sama ko kayo ni Riley." He said. Marahan niya pang pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"Huh? Where?" I asked him.
"I will introduced you and our son to mama."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ang kaninang takot na naglaho ay bumalik na naman. "No." Sagot ko. Alam na alam ko na nanginginig ako. Gulat si Raj sa naging reaksyon ko.
" 6 years ago. Hinanap kita Raj. I went to your home and no one believed that we know each other coz' I was your secret. Nakita ko ang mama mo. Alam niya ang totoo but still, hindi siya naniwala. Pinagtabuyan niya ako noon kahit alam niyang buntis ako sa anak mo." Diresto kong sabi. Kumawala ng yakap sa akin si Raj. He was looking at me.
Gulat at galit ang naramdaman ko sa sunod sunod na pag igitng ng panga niya.
"I know the feeling of being rejected. Please Raj. Hindi ko pagkakait si Riley sayo pero sana... Wag na natin iparamdam sa kanya yung pakiramdam na inaayawan. Masyado kong mahal si Riley para lang saktan ng iba."
Huminga ng malalim si Raj pero hidi pa din nawawala ang galit sa kanya.
"Naiintindihan ko. Lets make it up. I'm sorry for everything. I loveyou, Icai." Salita niya at saka ako marahan hinalikan sa labi.