Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil sa nalaman. How could papa do that? Bakit sa akin lahat? Bakit hindi niya binigyan ng credit ang mga taong nakasama most specially si Raj. Dahil doon, naliwanagan ako kung bakit galit na galit sa akin ang mommy ni Raj. "Okay ka lang?" Raj asked me. Hindi ko alam na nakatunganga na pala ako dahil sa sobrang gulat. Sino naman ang magiging okay doon? Instant billionaire ako if ever na tanggapin ko iyon. Imbes na tuwa ang maramdaman ko ay matinding takot. Sino ang hindi matatakot. How could I run his businesses and his main source of income? Yung Esquivel airlines? I don't have the knowledge to that? "Bakit tahimik ka?" Tanong ni Raj. Pagod akong ngumiti at umiling sa kanya. Tumayo ako at tinawag si Riley. Pinunasan ko pa ang likod nya na basa

