Simoy ng sariwang hanging ang sumalubong sa akin. Humampas ang alon at pumalo ang buhok ko sa aking pisngi. Pinong buhangin na nilalakaran ay nagbibigay kapayapaan sa akin. "Mama look! May starfish!" Sigaw ni Riley na abot ang takbo sa dalampasigan. Lumingon sa akin si Raj at marahan akong inalalayan. "I'm fine, Raj. Nag oovereact ka lang." Natatawang sabi ko. Medyo may umbok na ang akin tyan. Nasa Batangas kami kung nasaan ang resort nila sir Anton. Ikakasal kase si sir Brent sa susunod na araw kay Lakan dito mismo sa tabing dagat. Ang galing talaga ng tadhana noh? Sino mag aakala na ikakasal sila dapat noon pero hindi natuloy sa dami ng pangyayari. Nagkahiwalay at nagkaroon ng sariling buhay. God let them grow first and gave time for themselves. Until dumating ang araw na pinagtagp

