RAJAN DUKE ESQUIVEL Wala akong matandaan sa memories ko nung bata pa ako. Ang natatandaan ko lang lumaki ako kay Camille Esquivel at binigay niya sa aking ang lahat ng bagay na pwede ibigay ng isang magulang. "Why are you spoiling him? Let him have what he want the hard way!" Dinig kong nag aaway si mama at papa. Ang tanging natatandaan ko ay walong taon gulang ako noon. Mayroo kasing isang sikat na game console noon na medyo kamahalan kaya nagpabili ako kay mama. Sa ganung edad, mulat na ako na mayaman ang mga magulang ko. Alam kong kaya nilang ibigay ang gusto ko lalo na at nag iisang anak nila ako. But then, papa is so hard on me. Palagi siyang galit o di kaya ay pinagdadamutan ako. Hindi ko siya maintindihan. Sa ganung edad, sinabi ko sa sarili ko na ipapakita ko sa kanya na ang

