Masaya ako para kay Brent at Lakan pero hindi ko alam bakit hindi ko makuha maging lubusan masaya. Simula ng sumagot kanina si Raj kay ate Reese ay nawala ako sa mood. Sumasagot ako kapag tinatanong at ngumingiti ng tipid kapag may bumabati. Nagsisimula ang kasiyahan ang araw ay sikat na sikat na at ang iba naman ay nakasuot na ng kanilang two piece para magsaya sa dagat. Pinanuod ko si Riley na masayang masaya na nagtatampisaw sa dagat kasama si ate Reese. Si Raj naman ay may kausap na iba tungkol sa negosyo at ano pa man. "Are you okay?" Halos mapalundag ako ng lumitaw si Bree sa gilid ko. Hindi ko pa maiwasan mamangha sa suot niyang itim na pares na two piece. Kitang kita ang hubog ng katawan niya at kumikinang ang mala porcelana niyang balat. Ang buhok niya din ay sumasayaw sa ba

