CHAPTER-3

1767 Words
? Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil gusto ko kundi dahil sa ingay na nagmumula sa may labasan. Nayayanig din kase ang hinihigaan ko na animo'y may lindol na nagaganap. "Maawa naman kayo! Kahit ilang araw pang palugit mga Sir!" Dinig kong makaawa ng isang may edad na babae. "Naku! Ilang beses na namin iyan narinig! Halos isang taon na ang ibinigay namin sainyo kaya ngayon umalis na kayo dahil gagamitin na ng may ari ang lupa nya" Sagot naman ng lalake na kausap ng may edad na babae. Napasilip ako sa kahoy na bintana ng magsigawan ang mga tao sa labas. Kita ko ang naglalakihan na baro truck para sa mga gigibahin na bahay maging ang napaka raming mga pulis para tulungan ang mga namamahala sa pag giba ng mga bahay ay nagkaka gulo na. "Bilisan nyo dyan!" Dinig kong sigaw ni Tita Merla sa baba kaya napa baling naman ang tingin ko doon. Bumaba ako ng kwarto at naabutan ko ang magpapamilya na tarantang nagsisi alsabalutan ng mga gamit. Wala naman silang masyadong gamit kaya tingin ko ay mga damit lang ang hahakutin nila. "Ano pong nangyayari Tita?" Tanong ko kay Tita Merla ng mapansin ako nito. "Hala! wag na magtanong at maghilamos kana doon para mahatid kana ni Josh sa dorm mo" Aligaga nitong sagot habang inilalagay ang mga damit sa mga sako. Hindi na ako nagtanong pang muli at sinunod na ang sinabi nito. Naghilamos at nagpalit nalang ako ng damit saka na inilabas ang mga maleta ko ng makita si Josh sa may bungad. "Umalis na kayo bago magkagulo dito" Muli ay pasigaw na sabi ni Tita Merla dahil nag uumpisa na ang pag andar ng mga bako kaya maingay na ang paligid. Tanging pagtango nalang ang nagawa ko at hindi na nakapag pasalamat at nakapag paalam ng maayos dahil hindi mo na makausap ng maayos si Tita dahil sa taranta. Sa daan ay madami ng mga tao. Kanya kanya sa paghahakot ng mga gamit sa mga bahay nila na para bang nasusunugan sila. Takbo dito takbo doon. Sigaw dito sigaw doon. Iyak dito iyak doon ang makikita at maririnih sa paligid. Tumungo nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko maatim ang senaryong nakikita ko sa paligid. Siguro'y bago sakin ang ganitong ganap dahil sa mga penikula ko lang nakikita ang mga ganito. Hindi ko aakalain na masasaksihan mismo ng dalawa kong mga mata ang nakakalungkot na sernaryong ito. Malaki ang pasasalamat ko sa diyos dahil kahit hindi kami mayaman ay hindi naman kami kinakapos sa buhay. Sakto lang kami na nakakakain ng tatlo o apat na beses sa isang araw. Siguro'y ito ang dahilan kaya hindi na ako sinundan nila Mama at Papa. Iniisip din siguro nila ang magiging buhay ng mga anak nila kung maraming ang ginawa nila. Kahit ako lang kase ang anak nila ay kita ko parin ang paghihirap nila, Paano pa kaya ang gaya ni Tita Merla na pito ang anak? Wala nga akong nakitang asawa nito maliban sa mga batang kasama lang nya sa bahay. Hindi na ako nagtanong at nag usisa dahil baka ma offend ko siya at masamahin pa ang tanong ko. Nagmamasid ako sa paligid ko pero tahimik lang ako at hindi na isasatinig kahit na nalilito at naguguluhan ako sa mga nakikita sa paligid. "Ano ang sasakyan natin?" Tanong ko kay Josh ng makarating na kami sa may kalsada. "Taxi sana para hindi kana mahirapan sa byahe kaso ay wala akong pera" Sagot nito sabay kamot sa ulo. "Magkano ba ang bayad?" Tanong kong muli kaya napa isip ito. "Malayo layo ang Samson University kaya tingin ko ay aabot ng tatlong daan" Sagot nito na kina tango ko. May pera naman akong dala na bigay nila Mama para daw ipang gastos ko. Meron din akong ipon at malaki laki iyon kaya kahit tatlong buwan pa akong hindi padalhan ay kakasya pa. "Sige magtaxt nalang tayo ako na ang bahala" Sagot ko dito. Hindi na kami nahirapan na maghanap ng taxi dahil may naharang agad si Josh. Sinuri pa nya muna ang driver bago kami sumakay. Ayon dito ay maraming driver na kawatan kaya kailangan na kilatisin muna ito at wag basta basta sasakay para hindi manakawan o mapag samantalahan. Sanay na sanay na sila sa mga ganoong gawain dahil siguro yun ang kinalakihan nila. Nagugulat man sa mga natutuklasan ay hindi ko nalang pinahalata dahil sabi ni Papa ay mas madali daw akong maloko kapag ipinakita ko ang takot ko. Ilang oras din ang naging byahe namin dahil sa traffic. Pag dating namin sa building kung saan ang dorm na tutuluyan ko ay nagpaalam na si Josh. Binigyan ko ito ng isang libo pamasahe at pang gastos na din nila. Alam ko kahiy hindi nila sabihin ay wala pa silang kain. Ako nga ay wala pang almusal at pananghalian kumakalam na ang sikmura ko sila pa kaya na halatang walang sustansya ang mga kinakain dahil sa mga katawan nila lalo na ang mga kapatid nito na maliliit. Sinamaan ako ng landlady sa tutuluyan ko. Ayon dito ay apat kami sa isang kwarto. May sarili namang banyo ang kwarto kaya hindi na namin kailangan na lumabas para maligo o gumamit ng banyo sa labas. "Girls!" Tawag pansin ng landlady sa mga magiging kasama ko sa kwarto. May dalawang double deck na kama. Ang isa ay puno na habang ang isa naman ay bakante ang itaas kaya alam kong doon ako pupwesto. "Siya na ba yon Ate Fey?" Tanong ng isang babae na may kaliitan at katabaan ngunit mukhang kaedaran ko lang. "Oo! Siya si Queeny ang bago nyong dorm mate. Be nice to her!" Sagot nito sa nagtanong saka pinakilala ako. May tono pa ng pagbabanta ang huling sinabi nito na nginitian lang ng dalawa habang yung isa ay busy lang sa pagbabasa at parang walang pakialam sa paligid. Ginaya na ako ni Ate Fey sa pwesto ko, Sinabi ang ilang bilin at dapat na gawin bago ito nagpaalam na aalis na. Tanging pagtango at pasasalamat ang nasabi ko dito bago ito tuluyang umalis. "Hello Queeny! Nice to meet you" Bati ng isang babae na puno ng kolorete sa mukha na kasama nung maliit na babae sa kama. "Me too" Tipid na sagot ko dito saka na nagtungo sa higaan ko para ayusin ang mga gamit ko. May cabinet na itinuro si Ate Fey sakin. Sabi nito ay yun ang gagamitin ko para sa mga gamit ko. Bibili nalang daw ako ng padlock para hindi daw mawala ang mga mahahalagang gamit ko. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay nagpasya akong lumabas para maghanap ng makakainan. Hapon na din at wala pa akong kain simula kaninang umaga. Kumakalam na tuloy ang mga bulate ko dahil napapabayahan ko na sila. May isang karinderya akong nakita sa may tapat lang ng gusali ng dorm. Hindi na ako nagdalawang isip at nagtungi na doon para makakain. Pagkabayad sa nga inorder kong pagkain ay naupo ako sa isang mesa na malapit sa may bintana kaya tanaw ang kalsada. Nagawi ang paningin ko sa katabi ng gusaling pinanggalingan ko. Malaking gate ang nakita ko na sa tingin ko ay yun ang unibersidad na papasukan ko. "Hello Mama!" Bungad ko kay Mama ng sagutin nito ang tawag ko. Video call iyon "Oh anak! Bakit ngayon kalang naka tawag kagabi pa namin hinihintay ng Papa mo ang tawag mo. Kumusta kana?" Mabilis na bungad nito ng makita aki nito sa screen ng cellphone. "Ayos lang po ako. Sa bahay nila Tita Merla ako nagpalipas ng gabi dahil malalim na po ang gabi ng makarating ako kahapon" Sagot ko dito na kinan laki ng nga mata nya. "Sa tondo ka natulog?" Gulat nitong tanong na mabilis kong tinanguan ngunit kunot noo. Nawala bigla si Mama sa camera. Si Papa ang pumalit na may pag aalala ang itsura. "Ayos kalang ba? Wala bang nanakit sayo doon? Hindi kaba nila sinaktan?" Sunud sunod na bungad na tanong ni Papa sakin kaya lalo akong na wirduhan. "Hey! Relax! Ayos lang po ako at walang nanakit sakin. Bakit po ba?" Takang tanong ko dito. Nakatawa man dahil sa itura nila ay hindi parin maalis ang guhit sa noo ko dahil sa pagtataka. "Sigurado kaba? Naku! Kapag nalaman ko na may nanakit sayo doon ay luluwas kami ngayon dyan" Imbis na sagutin ang tanong ko ay yun ang sinabi ni Papa. Natawa at nailing nalang ako sa sinabi nito. Kahit na ganap na dalaga na ako ay bine-baby parin niya ako. Habang kumakain ay nakikipag kwentuhan ako sakanila. Ang makulit na si Suzie ay pumunta pa sa bahay namin ng malaman na tumawag ako sa mga magulang ko. Nakita ko din itong nakikain at nagbalot pa ng ulam para daw sa dalawang nakakababatang kapatid na inilingan ko nalang dahil sanay na ako sa ganoong gawain nya. Mas okay naman ang manghingi kesa sa magnakaw diba kaya bukal sa loob namin na tumulong kahit sa maliit at simpleng bagay lang. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kina Mama't Papa. Sabi ko dito ay magpapahinga na ako dahil lunes na bukas at kailangan ko ng pumunta sa unibersidad para makapag enroll at maipasa ang mga requirements ko. Pagbalik ko sa dorm ay may tatlong lalake na nasa loob kasama ng dalawang dorm mate ko. Yung isa na nagbabasa ng libro kanina ay mukhang tulog na dahil naka kumot ito at nakatalikod na. "Hi beautiful!" Bati ng isang lalake sakin na mukhang manyakis at adik base sa dami ng tattoo at porma nito. Mangitim ngitim din ang ilalim ng mga mata nito, hindi ko lang alam kung eye-liner iyon o ano. Ngunitian ko lang ito ng tipid saka na sumampa sa higaan ko. Gaya ng nasa ibaba ko ay nagkumot nalang din ako at tumalikod para makatulog. Ngunit ilang oras na ay hindi parin ako makatulog dahil sa ingay ng nga lalake at dalawang babae na ka dorm mate ko. "Maganda yung bago nyong ka dorm ah? Pwedeng ibigay kay Boss" Dinig kong usal ng isang lalake na kinan laki ng mga mata ko. "Naku! Mukhang wala pang experience dahil mahinhin. Ma bobord lang ang boss nyo dyan" Sagot naman ng ka dorm ko na kina pikit ko ng mariin. Pinilit na makatulog kahit maiingay ang mga kasama may kakaiba pa akong naririnig at kahit hindi ko tignan ay alam kong kahalayan ang gianagawa nila. Ano ba naman ito! Naglagay ako ng earphone sa tenga para hindi ko marinig ang mga kalaswaan na ginagawa nila. Naging effective naman dahil unti unti ay nakukuha ko na ang tulog ko hanggang sa lamunin ako ng dilim at makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD