"Lolo, darating si Gray maya-maya lang. Gusto ka raw niyang makilala." pagbibigay alam ko kay Lolo matapos naming mananghalian. Sandali siyang natahimik bago tumango. "Huling kita ko sa kaniya ay noong araw pa ng libing ni Henry. Mula noon ay nagkaroon na ng lamat sa pagitan ng aming pamilya kaya hindi na ako nagkaroon pa ng ugnayan sa kanina. Tanging ang Tita na lamang ni Gray ang nakakausap ko." "Lo, handa ba kayong makita siya?" nag-aalala kong tanong. Baka hindi niya kayanin kapag makita niya ang mukha ng dati niyang katipan. Marahang ngumiti si Lolo bago ako binatukan. "Ang tagal na noon, Apo. Matagal na akong naka-move on sa nangyari sa amin ni Henry. Gaya nga ng sabi ko, maituturing kong unang pag-ibig si Henry ngunit ang iyong Lola, siya ang aking huling iibigin hanggang sa ak

