[Paris' pov] Nahuli ako nagising kaya nagmamadali ako umalis ng condo. Pagbukas ko ng pinto ay may nabangga ako. "sorry!" paumanhin ko saka tumakbo palayo Pagdating ko sa venue ay agad ako sinermunan nina Tyra. Napanguso ako. Ngayon lang naman ako nalate eh sila kaya itong laging late. "bikini ba ngayon?" sabi ko ng abutan ako ng iba't ibang bikini Geez! Alam nila na ayoko ng ganito eh! "huwag ng choosy Paris!" sabi ni Velvet "bakit may tinatago ka bang taba?" "wala no!" sabi ko "ayoko lang ng ganito!" As if may choice pa ako kaya sa huli ay sinuot ko rin ang bikini. Pero nakaramdam ako ng nakatitig sa akin kaya agad ako napalingon. May nakita akong pigura na nakatayo sa madilim na parte ng venue. Brrrr! May multo ba rito? Nang mapalingat ako ay nawala ang pigura. "Miss Paris! U

