[Paris' pov] Wala akong sinabihan. Bumalik ako sa orphanage na pinagkuhanan sa akin ng mag-asawang Fujiwara. Matagal ko rin pinag-isipan ito. Wala naman siguro mawawala kung susubukan kong alamin di ba? Naalala ko ang mga araw na nandito ako. "Miss? May kailangan po kayo?" tanong ng isang madre "uhm..." alanganin kong sabi Napabugtong hininga ako "m-m-may records ba kayo ng mga magulang ng mga dinadala rito?" tanong ko Napatingin siya sa akin "depende hija" sabi niya "saka hindi namin agad nilalabas ang information doon" "g-g-ganoon po ba?" bigo kong sabi "titignan ko" nakangiting sabi niya Pumunta kami sa isang kwarto ng mga records. "kaninong record?" tanong niya "uhmm...Paris Valmonte...inampon ng mag-asawang Fujiwara" sabi ko Napangiti siya "bakit ang dami yata nagtatanong

