[Paris' pov] Tumambay ako sa garden dito sa palasyo. Maraming bisita ngayon ang palasyo dahil sa nalalapit na pagpapakilala sa akin. Nandito pa rin naman sina Carl at Scarlet pero nagtatampo pa rin ako sa huli naming pag-uusap ni Carl. Hinanap ko ang sarili ko para kapag dumating ang panahon na alukin ako ni Carl na magpakasal ay buo ako na matatanggap niya. Walang kulang. Pero mukhang I messed it up again. Minsan naisip ko na baka hindi talaga kami para sa isa't isa ni Carl. Minsan parang gusto ko na rin sumuko pero kahit naisip ko ang mga bagay na iyon ay patuloy pa rin ako umaasa na kami rin sa huli. Masyadong marami na kami pinagdaanan ni Carl. Pero nakakalungkot dahil gusto niyang balewalain ang mga iyon dahil sa isa na literal akong prinsesa at tingin niya ay may masa karapat da

