Chapter 3

1812 Words
Nang marating ko ang train station na sasakyan ko pabalik sa aming bayan ay saka ko pa lang naramdaman na ligtas na ako. Huminto ako sa tapat ng ticket booth. Nung una ay hawak-hawak ko lang ang aking dibdib at pilit na hinahabol ang aking hininga. Kalaunan ay unti-unti na talaga akong kinapos ng hangin. Naging mahirap na para sa aking baga ang mag-supply ng oxygen sa buo kong katawan. I clutch on my chest and squat slowly. I felt a short but sharp pain in my chest. Hindi lang sa isang parte ng dibdib ko ang atake ng pain na iyon, kumakalat pa iyon sa iba at pakiramdam ko ay napaparalisa na ako. Nagsimulang maging blurred ang aking paningin. Nung una ay parang hindi ko lang iyon ma-i-focus ngunit habang tumatagal ay nandidilim ang aking paningin. Sobrang takot ko dahil sa nangyayari. I closed my eyes and rub it with my fingers. Nang imulat kong muli ang aking mata. Itim na lang talaga ang aking nakita. Tinaas ko ang aking mga kamay at nagsimulang kumapa-kapa sa ere. Ang huli kong naalala ay parang mayroon pa akong grupo ng mga tao na nabangga bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. Nang bumagsak na ang takip ng aking mata ay saka ko pa lang naramdaman na para bang bumabagal na ang t***k ng aking puso na kani-kanina lang ay ang lakas mag-pump. Tila ba nagpapanic iyon at nangangamba dahil sa aking mga nararamdaman. Mamatay na ba ako? Nang bumalik ang aking malay. Naramdaman ko agad na para bang basa ang suot kong damit. Hindi lang iyon, kung nasaan man ako ngayon. Sigurado akong hinahampas iyon ng alon. Nahanap ko ang lakas ng loob na imulat ang aking mga mata. Naalala kong nawalan ako ng malay sa train station at tila nagkaroon ng problema ang aking organ. Ang hindi ko lang maalala ay kung paano ako napunta sa gitna ng karagatan. Hindi ba dapat nasa hospital ako? Akala ba ng mga taong nakakita sa akin kanina roon sa train station ay patay na ako? Basta-basta na lang ba nila akong itinapon sa dagat? Nasa Halycon ba ako? Ako at ako lang din naman ang puwede kong maasahan na makuhaan ng sagot para sa mga tanong na binabato ko. Kahit saan ako lumingon. Dagat lamang ang nakikita. Sa taas ko ay ang abuhing langit. Hindi lang iyon basta-bastang gray kasi masama ang panahon o may paparating na bagyo. The sky looks darker than how it should be when there's a hurricane coming, sa sobrang dilim ng langit. Nangingilabot ako. Mukna na kasi siyang signo na may hindi mangyayari ngayong araw. Everything arounds me now is dark and scary. It was as if the world that I know is ending and I'm being transported to a new world. "Mama! Mama! Lo? Lolo!" Hiyaw ko. Sumubok akong kumay. Sa wakas, pagkatapos nang matagal kong pagpapalutang-lutang lang sa karagatan. May natatanaw na akong isla, sa pangpang ng islang iyon ay mayroong naghihintay sa akin. Mukha namang tao ang tikas at build ng figure na nakikita ko pero kahit papalapit na nang papalapit ang bangka na lulan ako. Hindi ko pa rin matanaw ang mukha ng taong iyon. Isa lamang ang nasisiguro ko ngayon. Kung sino man ang naghihintay sa akin doon sa pangpang. Lalaki iyon. Nang dumaong ang bangka. Napagtanto ko na rin kung bakit hindi ko makita iyong mukha ng lalaki. Napaka-kapal kasi ng haze sa paligid. The haze covers his face. Sadyang itim na itim lang talaga ang kasuotan ng lalaki kaya natatanaw ko siya. "Hinahabol ka na ng iyong tadhana. Ibuwis man ng iyong Ina at ng kaniyang ama ang kanilang buhay. Hindi nila mapipigilan ang nakatakda para sa iyo. Aking tagapagmana, umuwi ka na sa atin. Hindi ka tunay na karapat dapat sa mundong iyong kinamulatan. Hindi ka para sa mortal," ani ng lalaki gamit ang malalim niyang boses. Nakakatakot ang lahat nang sinabi niya. His words scared me but hot his presence. Ramdam ko na kahit sino pa ang lalaking ito na nasa aking harapan. Hindi niya ako ipapahamak. Things escalated quickly for me when all of a sudden. The man's raven black wings starts spreading themselves. Napaatras ako sa takot dahil sa aking nakita. Paulit-ulit akong humakbang paatras para makalayo ako sa lalaking nagsalita. Bagaman hindi siya kumikilos para lapitan ako. Ang kagustuhan ko na manatiling malayong-malayo sa kaniya ang naging dahilan para mawalan ako ng pag-iingat sa aking kilos. Nadulas ako sa bangka at tumama ang aking ulo sa kanta. Ang lakas-lakas ng impact nang nangyari ngunit nang hawakan ko ang aking ulo ay wala naman akong nakuha maski katiting na dugo. I shut my eyes and curses in my native language. Nang buksan ko ulit ang aking mata ay nakatayo na sa aking tabi iyong lalaki. Nakadukwang ito sa akin at hindi ko pa rin talaga malamang kung bakit hindi ko makita-kita ang mukha nito. "Huwag kang matatakot sa mga susunod na mangyayari sa iyo. Kailangan mong iwan ang buhay na mayroon ka." May kasama yatang magic spell ang mga salitang iyon ng lalaking hindi ko mawari kung fallen angel ba o iba pang nilalang. Ang alam ko lang ay unti-unti akong nilamon nang pakiramdam na inaantok na ako pagkatapos kong marinig ang tila ba ay huling bilin at paalala sa akin ng lalaking iyon. ********* Ang daliri sa aking kanang kamay. Iyon ang una kong naigalaw nang bumalik na ang aking malay. Nararamdaman ko na ang mga tao sa aking paligid. Naririnig ko na nga ang paghagulhol ni Mama ngunit ang aking mga mata. Hindi ko pa iyon agad na nabuksan. Ilang beses ko pa iyong sinubukan bago ko siya tuluyang nagawa. Sumalubong sa akin ang puting kisame ng hospital pati na rin ang puting ilaw na nagbibigay tanglaw sa buong kuwarto. Natanggalan ako ng tinik sa aking dibdib. Mabuti na lang at hindi pa ako bulag. Akala ko kanina ay tuluyan na talaga akong mawawalan ng paningin. "Evanessa, gising na si Elliot. Gising na ang anak mo," nag-aalalang boses iyon ni Lolo. Ito ang naunang lumapit sa akin ngunit nang puntahan ako ni Mama ay agad siyang gumilid. My mother carefully examines my body. Sigurado ako na nasabi na sa kaniya ng Doctor na sumuri sa akin na ayos lang naman ang aking kalagayan. Over-fatigue. Ang layo-layo rin kasi ng community library na tinakbo ko dahil sa sobrang takot ko roon sa weird na librarian. Iyong pagod ko dahil sa ginawa kong iyon ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay. "Elliot!" Pabulyaw na tawag ni Mama sa aking pangalan. Naipikit ko na ang aking mga mata dahil sa gulat. Nakahanda na rin ang aking tainga dahil sigurado ako na kahit nakahiga ako sa hospital bed ngayon ay hindi niya pa rin palalampasin ang ginawa ko. On the spot niya pa rin akong sesermonan. "Elliot," she called my name again, calmer this time pero may bakas na ng pagkabasag ng kaniyang boses. Napamulat tuloy ako at napabangon. Ganoon na lang ang naging pagtataka ko nang maramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Talo ko pa iyong lantang gulay at ilang taon nang nakahiga na lang kaya wala na akong control sa aking katawan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nararamdaman ka na?" putol-putol na tanong sa akin ni Mama. Ilang segundo lamang ay lumala ang paghagulhol niya. Kinuha ni Mama ang kamay ko. I winced in pain at her soft touch in my hand. Kita ko na magaan lamang ang pagkakapulupot ng mga daliri ni Mama sa aking kamay kaya hindi ko maintindihan kung bakit tila ang sakit na nakuha ko mula roon ay talo pa ang pinipiga niya ang kamay ko gamit ang isang bato o kung ano pang mabigat na bagay. Nang makita ko ang aking braso. Punong-puno na ang mga iyon ng pasa. Pasa na hindi ko alam kung saan o paano ko nakuha. Dahil nung naligo at nagbihis ako kaninang umaga ay wala pa naman ang mga iyon. Did I get those bruishes from the train station earlier? Nung nawalan ako ng malay? Gaano ba kalala ang naging pagbagsak ko kanina para makakuha ako nang ganitong mga pasa. "Kailan pa ito? Kailan ka pa nagkaroon ng mga ganitong pasa?" Masuyong tanong sa akin ni Mama. Umiling ako sa kaniya. Mariin na lamang siyang napapikit. "Elliot, magsabi ka na sa akin ng totoo. Dalawang araw kang walang malay. Sinabihan na ako ng Doctor na baka hindi ka na magising... mayroon ka raw stage four na leukemia," she murmured. Kung si Mama nga ay parang hindi naniniwala sa sinasabi niya sa akin. Ako pa kaya? Paano naman kasi ako magkakaroon ng leukemia. Okay na okay pa ako kaninang umaga. Nakailang takbo pa nga ako. Kung may leukemia ako at malala na pala. Impossible naman na biglaan na lang lalabas ang lahat ng simtomas. It doesn't make sense. Kahit na paanong isip pa ang gawin ko. Isang malaking kalokohan ang mga nangyayari ngayon. Sinubukan kong iangat ang aking kamay. Nanginginig ang mga iyon at hinang-hina. Halos hindi ko nga maalis ang mga luha sa pisnge ni Mama. "Nagkamali lang ang mga Doctor, Ma. Baka naman ibang test at laboratory result ang nabasa nila. Possible naman iyon hindi ba? Na mayroong pagkakamali." Wala pa akong isang minutong nagsasalita. Ramdam ko na agad na parang nanunuyo na ang aking lalamunan. I lick my lower lips to moisten them. Sandali pa akong natigilan nang maramdaman ko kung gaano ka-dry ang aking labi. Its like I haven't had water or any kinds of fluids for the past months. "Wala lang ito. Napagod lang ako. Kanina kasing umaga. Galing ako sa community library." "Anong ginawa mo roon?" Maagap at pagalit na tanong ni Mama. Parang napaka-laking kasalanan ang pumunta ako sa community library. Hindi ko naman masabi kay Mama na pumunta ako roon kasi gusto kong mag-aral. Dahil nabanggit ko na ang library. Mapipilitan na rin akong umamin sa kaniya. "I was looking for that book. Tale of Tenebrose. Sinearch ko siya sa google pero wala naman kasing lumalabas. Naisip ko na baka myth iyon dito sa bayan natin at baka iyong libro non ay nasa library lang kaya naman---" "Pumunta ka ng community library. Nakita ka ng matandang librarian? Anong ginagawa niya sa iyo? M-May pinainom ba siya? May pinakain kaya ka nagkasakit?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama. Inilingan ko lang ang lahat ng tanong niya sa akin. "Walang nangyaring ganoon. Pero may sinabi siya sa akin. Masasagot niya raw ang lahat ng tanong sa isip ko. Kailangan ko na raw makilala kung sino ba ang totoong ako bago sumapit ang araw ng aking Alate." Kitang-kita ko sa mga mata ni Mama kung paanong unti-unting gumuho ang kaniyang mundo pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga bagay na naalala ko galing sa matandang librarian. Pinunasan ni Mama ang luha sa kaniyang mga mata saka lumabas ng hospital room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD