NASA mansion siya ng Gonzalez ngayon, nandito siya nagpalipas nang gabi dahil din makukuha na niya ang DNA test bukas. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang pinsan niyang matagal na nawalay sa pamilyang Gonzalez. What should I react? Napatanong na lamang sa isipan ni Justine. Kailangan na muna niyang mapag – isa, naghahanap din naman siya ng mga patunay na magagamit niya sa Santiago. Ang pinagtatakahan din niya ay kung bakit kumilos ito nang patago ngayon. Ano kayang pinaplano ng lalaking iyon? Napatanong na lamang niya sa kanyang isip. Napailing – iling na lamang siya, tinungga na niya ang mild wine na nasa baso, maaga pa siyang aalis bukas, saka, magkikita sila ni Lawrence para pag – usapan uli ang next move nila. Maaga siyang pumunta sa hospital para kunin ang result na kany

