“TIGILAN na nga iyang sisihan na iyan!” Iritang saad ni Angely sa dalawa niyang kasama. “Nandito pa tayo, nagsisihan pa kayo, isa lang naman ang nais nating adhikain dito, kundi makatakas at makalabas sa lugar na ito.” Dagdag pang sabi ni Angely sa dalawa noon, nagkakaroon ito nang matinding bangayan matapos ang pangyayaring pumunta ang pamangkin ni Manuel sa lugar ni Leah. “Isa pa nga, Felicia! Hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nakalalabas rito.” Reklamo niya ulit sa kasama niyang babae. Napatitig na lamang ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Nagtitimpi lang ako sa ugali mo Angely, huwag ka ngang umasta na wala kang kasalanan sa mga nangyayari natin.” Tinuro pa siya noon ni Felicia. Hindi naman siya nagpatalo. “Ikaw ang gumawa ng problema mo, Felicia, hindi ako. I just offer y

