SINAMAHAN ni Justine si Sheila sa hospital, nabigla na lamang siya kung bakit nandito sila ngayon. Nangako ito sa kanya na ipakikilala niya ito sa nagiging parent guardian simula nang mawala ang kapatid nitong babae. Parent guardian? Napatanong na lamang sa kanyang isipan na papalihim na napangisi. Kilala naman niya talaga kung sinong parent guardian ang tinutukoy nito. “We’re here!” iyon na lamang ang narinig niya kay Sheila. Nasa private room sila ngayon, mabigat ang mga nagbabantay rito, ngunit, pinapasok na lamang ito ng nagbabantay. “Kasama ko siya.” agad sabi ni Sheila, nang sisitahin sana ito na sumama si Justine. Tanging tango na lamang ang ibinigay nito at pinaraan din siya. Bumungad kaagad sa kanya ang isang matandang lalaking nakaratay sa hospital bed nito, may mga nakakabit

