NAGBIHIS si Vivianne para makapunta sa huling lamay ngayon sa kanyang lola, hindi siya pumunta noong nakaraang araw dahil masama ang pakiramdam niya at hindi niya maintindihan ang bawat bangungot na kanyang nakikita kapag pinipikit niya ang kanyang mata. Napabuntong – hininga rin siya dahil palaging nagkwento ang kapatid niyang si Tashia, ayaw niyang makialam sa relasyong napasukan ni Sharlene. Pero, ayaw niyang bitbitin ang konsensya kung palaging nakatikom ang bibig niya sa kanyang napapansin sa asawa nito pati na sa itinuring nitong kaibigan na si Shiela. Nauna na ang kanyang kapatid dahil tutulong pa ito sa bahay, saka, hindi rin ito nakauwi kagabi dahil doon na rin ito nagpahinga. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin, nakasoot lamang siya ng white shirt and naka – pants lang

