NAKABALIK na rin ang kanyang kapatid na si Sharlene, tahimik lang siyang nakatingin rito. “Naitanong mo ba ang gusto mong itanong sa kanya?” tanong naman ni Tashia. Napatango ito. “May lead na ako kung saan ako maghahanap, Tashia.” Nabigla na lamang ito sa kanyang sinabi. “Anong ibig mong sabihin, ate?” tanong naman niya rito. “Pinsan niya si Leah Martinez.” Hindi naman kaagad nakasagot si Tashia sa kanya. Nag – antay na lamang siya na may sasabihin pa ang kanyang kaharap ngayon. “Alam ba niya ang nangyari rito?” tanong naman niya. Umiling – iling ito sa kanya. “Hindi niya alam kung paan namatay si Leah, ipinalabas din yata na sumama sa ibang lalaki si Leah.” “W--- What?” tanong niya rito, naguluhan naman siya, hindi niya alam kung kaya pa bang iproseso ng kanyang utak ang nang

