DALAWANG araw lang ang pahinga ni Sharlene, saka, umuwi na rin ang magaling niyang asawa, isa pa, wala namang pagbabago kung kasama niya si Martin sa kanilang bahay. Saka, kanya – kanya silang lakad at alis kapag pumunta sila sa trabaho. Wala namang pinagbago. Napapailing na lamang siya sa kanyang sarili noon. Isa pa, iniiwasan niyang magiging stress siya, dahil kailangan pa niyang bumawi, at alam niyang kailangan na rin siyang bumalik sa paaralan na tinuturuan siya. Kasama pa rin niya si Ashley sa pagpasok niya, nakakaramdam pa rin siya ng kilabot kapag naalala niya na nakasoot si Ashley ng pandamit na ospital. Sharlene, kailangan mong iwasan ang ikapapahamak sa anak mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Inihatid na rin niya ito sa classroom at binilinan ang bata. Papaalis na san

