TINAWAGAN ni Sheila si Martin ngayon, gusto niya lang makasiguro kung hindi ito dadalaw sa kanya. Nakikinig lang si Justine sa kanya na nakangisi sa kanya, panay ring pa rin ang phone nito. “Hindi pa ba sinasagot?” tanong naman ng kanyang kasama. Umling – iling na lamang siya. Inulit niya ang pag – dial ng number ni Martin. Nag -ring na naman ito, pero ilang segundo’y sumagot ito kaagad. Sinenyasan niya si Justine na huwag maingay. “Nasaan ka ngayon, hon?” ginamit niya ang matamis niyang tinig. “Oh, I’m sorry, hon, abala lang ako sa trabaho ngayon, at hindi ako nakadalaw, I’m sorry about it.” Pagpapasensya naman nito. “I understand, hon, pero, magtatampo na talaga ako kapag hindi mo ako dinalaw rito.” Sabi naman niya. Pinipigilang huwag matawa ni Justine noon. “Magpagaling ka na m

