BINIGYAN ni Leah ng pagkakataon ang batang si Ashley na marinig at makita nito ang nangyayari, ngunit, hindi niya ipinakita ang malalaswang nasaksihan niya, dahil bata pa ang isipan nito. Napabuntong – hininga lang ang bata, matapos masaksihan nito ang inang si Sharlene. Sinaktan ba ni Papa si Mama? Malungkot nitong tanong sa kanya. Binalingan niya ito, at hindi siya sumagot sa katanungan ng bata. Narinig niya ang bawat buntong – hininga nito. Siya lang ang nakaririnig sa boses ni Ashley. Nalaman na rin niyang unti - unting inalam nito ang buong pangyayari sa buhay niya at bakit nadamay ang lola nito. Pinagmasdan niya ang kulungan ng tatlo, tahimik itong nakamasid sa kawalan, tiningnan niya ito na walang buhay sa kanyang mga mata. Nag – iisip siya kung ano na naman ba ang gagawin niy

