MAY KUMULBIT kay Leah, kaya naman napatingin naman siya sa batang nakatingin sa kanya, napabuntong – hininga na lamang siya. Kailangang makalabas na siya rito. Napasabi sa kanyang isipan. Kinuha niya ang bata sa kulungan. Ngunit, ibinalik niya ito kaagad nang may maramdaman siyang hindi maganda. Not now. Napasabi sa kanyang isipan. “Ashley.”tawag niya rito. Napalingon naman ang bata sa kanya. “Kaya mo bang maglakbay?” biglang natanong niya sa bata. “Maglakbay?” tanong naman nitong nalilito sa kanya. Napabuntong – hininga siya kung paano niya ipaliliwanag sa bata ang nais niyang iparating. May matang nakatingin sa kanya, kaya naman napalingon siya. Ang isa pala niyang katauhan. “Kaya kong ibigay sa kanya iyon.” Napasabi na lamang nito sa kanya. Hindi siya sumagot nito. Nag – iisip

