Violet's Pov
TAPOS NA nag duty kaya nandito na kami sa apartment ng mga kasamahan ko. Himala yata ang mga kasama ko na umuwi ng maaga kasabay ko kanina. Wala daw kasi silang customer dahil tinaob daw sila ng babaeng dancer sa bar namin.
Napapa iling nalang talaga ako habang pinapakinggan ang sinasabi nila na attitude daw ang babaeng yun at mayabang daw. Hindi nalang ako kumikibo at nakikinig lang sa pinag uusapan nila.
Wala kasi akong pakialam sa sinasabi nila dahil ang iniisip ko ay ang palad ko na nakahawak ng itlog ng lalaki. Piste talaga! Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko kung gaano kalambot ang itlog ng lalaking yun.
Y
Hindi yata ako makakatulog dahil sa ginawa ko. Ang tagal ko kayang lumabas ng banyo dahil hinugasan ko ng mabuti ang palad ko. Sinabunan ko pa talaga ng maayos at nilagyan ng alcohol pero talagang nararamdaman ko pa din ang itlog niya.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil pagod na ako kakaisip sa itlog-itlog na yan. Hindi na nga ako kumain ng yayain ako ni Chim na kumain daw kami dahil nagluto siya ng almusal. Pero ng makita ko ang niluto niyang itlog ay hindi na ako kumain pa.
Hinayaan ko lang ang aking sarili na hilain ng antok hanggang sa namigat na ng tuluyan ang mga talukap ko sa mata.
Nagising nalang ako dahil sa tunog na nag iingay sa tabi ko. Nilagay ko kasi sa tabi ko ang cellphone ko. Kanina kasi habang naglalakad kami pauwi ng mga kasama ko ay may nahanap akong nag bebenta ng bahay. Maliit lang siya at mukhang maaliwas tignan. Sa barrio siya kaya medyo nagustuhan ko. Para naman makapag pahinga ako ng maayos galing sa trabaho ko. Hindi katulad dito sa apartment na tinutuluyan ko na - maingay pa mga kasamahan ko, maingay pa ang tunog ng mga motor na dumadaan dahil nasa mataong lugar. Kaya talagang maingay.
Tinignan ko kasi nag social media account ng nag post kanina para makita kong legit ba na sakanya ba talaga ang pinost niyang bahay. Madami kasing nagkalat na scammer ngayon na nag po-post ng mga bahay pero hindi naman pala sakanila. Tapos manghihingi ng pang down at kapag nabigyan ay saka iba-block. Kakapal talaga ng mga mukha ng mga scammer eh di pa maubos sa mundo.
Nakita ko naman na legit siya kaya chinat ko kanina habang naglalakad pa kami ng mga kasamahan ko. Binigay ko din ang cellphone number ko dahil ang tagal niya mag reply sa inquire ko kanina.
Kinuha ko ang cellphone na nasa kama at saktong namatay ang tunog. Nakita ko naman ang text at chat din sa messenger ng may-ari kaya dali-dali kong nireplayan yun. Nawala ang antok ko dahil mura lang
ang binebenta niyang bahay, pati ang lupa kung saan nakatirik ang bahay ay kasali.
Kulang pa ang pera na naipon ko pero kayang-kaya ko agad mabili ang bahay na yun. Kapag nag straight ako nmg duty ay mabibili ko na yun.
Sinubukan ko kung payag ba ang may-ari sa hiling ko na kung pwede yung kulang ko ay sa susunod na month nalang. Sinend ko yun at nagdarasal na sana pumayag. Gusto ko na kasi talaga lumipat at magkaroon ng sariling bahay. Kahit maliit ay ayos lang basta akin na talaga. Yun lang naman ang hinihiling ko sa buhay eh. Ako lang din naman mag- isa kaya sarili ko lang ang iisipin ko.
Naghintay lang ako sa reply ng may-ari hanggang sa lumipas ang 10 minutes ay nag reply ito at pumayag. Tuwang-tuwa ako at balak kong puntahan ang bahay na yun ngayon. Sakto din na pinapapunta ako ng may-ari para makita ko daw ang itsura ng bahay at baka daw magbago ang isip ko kapag nakita ko na.
Dali-dali akong bumangon sa kama at kinuha ang t'walya ko at agad na dumeritso sa banyo. Bagong gising ako kaya maghihilamos nalang muna ako. Kulang din ang tulog ko kaya nag iinagat lang ako sa sarili ko. Ang mahal pa naman magkasakit sa panahon ngayon.
Mabilis ang ginagawa kong kilos hanggang sa natapos ako. Lumabas na din ako ng banyo at naisipan na dito nalang sa kama ko magbihis dahil tulog naman mga kasama ko. Naghihilik pa nga si Chim kaya dahan-dahan ang kilos na ginagawa ko para hindi sila magising.
Nag pantalon lang ako at simpleng blouse saka ko sinuklay ang buhok ko. Kinuha ko lang ang sling bag ko saka ako lumabas ng apartment at nilock ang pinto.
Habang naglalakad ako ay ka text ko nag may-ari at sinasabihan ako kung anong sasakyan ko papunta dơn. Tricycle pala dapat kaya ng makalabas ako ng apartment ay humanap ako ng masasakyan at sinabi ko ang address. Sinabi din sa 'kin ng may-ari na 20 lang daw ibayad ko dahil hindi naman daw masyadong kalayuan ang barrio sa city. Ito kasi ang unang barrio na madadaanan hanggang sa marami na ang kasunod.
Baka daw kasi lokohin ako ng masakyan kong tricycle at singilin daw ako ng 50 pesos. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng tricycle. Sana talaga ay hindi masyadong sira ang bahay dahil sabi sa 'kin ng may-ari ay aayusin lang ayt pipinturahan.
Dapat daw sana eh parerentahan lang daw sana niya pero wala naman na daw nag re-rent kaya binebenta nalang daw niya. Isang taon na daw kasing bakante simula ng umalis ang anak niya na lumipat na ng Manila kasama ang asawa at mga anak. Kaysa masayang ay ibenta nalang daw niya.
Kaya gusto niyang makita ko ang itsura ng bahay para daw mapag isipan ko ng mabuti. Tama din naman yun dahil baka umo-oo agad ako na hindi ko pa nakikita.
Pero kahit anong mangyari ay ayos lang talaga sa 'kin kahit medyo may sira ng konti. Ipaayos ko nalang sa susunod kapag may pera ako. Mga mura lang talaga ang bahay at lupa dito dahil sa probinsya pero kung sa Manila pa yun ay panigurado na sobrang mahal. Hindi ko kaya do'n at wala naman akong babalikan sa Manila kaya dito nalang ako sa Bicol. Excited na tuloy ako makita ang bahay.