When everything changed, you have no choice left but to accept it. Even if it kills you.
"Hi Ms. Sexytary, you're mine again." Naglalakad ako papunta sa room namin ng bigla akong akbayan ni Carl. Bagong dating din siya.
"Oh hi Carl, anong mine again ka diyan?" Siniko ko siya.
"Let's see. Wag kang masasaktan ha." Sabi niya sabay pasok namin sa room. Di ko siya agad nagets pero nang makaupo na kami, dun ko pa nalaman ang gusto niyang ipahiwatig.
Its been 2 weeks since the incident happened. Yung kumanta si Arc. After nun di na kami nagpansinan. Mostly, nasa kabilang row na siya umuupo, bumabalik lang sa upuan niya pag may teacher na. And today, bag niya na lang din ang nandito sa upuan niya, and siya? Nasa kabilang row. Kinukulit si Jane.
"Ano ba Arc, bumalik ka na nga sa upuan mo." Pagtataray ni Jane.
"Eh sa mas gusto ko dito eh. Bawal ba?" Saad ni Arc na nakatalikod sa banda namin ni Carl. "Ang boring dun."
Ouch, something breaks within me.
"Let's go outside." Bulong ni Carl sa akin.
"Huh? Why?" Painosente kong saad. Ayaw kong malaman nila na nasasaktan ako. Ba't naman ako masasaktan diba? Yes, it's been 2 weeks and since then, I admitted to myself that I have feelings for him.
"Don't lie to me Ann, hindi yan tatalab sa akin." I know that I can't lie to Carl but I won't let others see the pain I'm feeling inside.
"Carl, kung magwawalking down the corridor ka na naman, spare me please. May gagawin pa ako at pag di ko to natapos, ikaw talaga ang ipapakatay ko kay Tina." Pananakot ko sa kanya.
"Oh my Tina? Wag uy, magpapakabait na lang ako dito kaysa sa masermonan na naman ako ng dragon lady na yun." Sabi ni Carl sabay upo ng maayos. Humalukipkip pa ang gago.
"What did you say Carl Ybañez?!" Oh oh, war na naman.
"Oh hi Tina. May narinig ka ba? Wala naman akong sinasabi, pinagsasabihan ko lang tung si Ann na sana, wag niyang saktan sarili niya. Alam mo na, lab na lab ko kayo eh." Sabay kindat pa nito kay Tina. Nakatanggap naman siya ng sapak mula dito na ikinatawa ng mga kaklase namin.
"Dude, may pangtext ka?" Napalingon kami sa nagsalitang si Arc sa likod ko. Nakabaling na kasi ako kay Carl kaya nakatalikod ako sa upuan niya.
"Wala eh. Si Ann, meron." Walanghiya talaga tong si Carl. Hindi na nga ako pinapansin, gumagawa pa ng paraan para pansinin ako.
"Ah wag na lang." Saad ni Arc at naglaro na lang sa CP niya.
"Ewan ko sa inyo, pagpatuloy niyo yan." Saad ni Carl saka nagdabog paalis.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Senenyasan naman ako ni Tina kung ano ang nangyari, nagkibit balikat lang ako.
Patayo na ako ng biglang nagsalita si Arc.
"May number ka ni Jane?" Tanong niya. Luminga ako sa paligid at baka iba ang kinakausap niya.
"Uhm, meron." Tiningnan ko muna siya saglit, sinisigurado kung ako ba ang kinakausap. Parang nabasa niya naman ang nasa isip ko.
"Sino pa bang iba ang kinakausap ko? Pahingi naman." Saad niya sabay tingin sa akin at ngiti. After 2 weeks, kinausap niya ako. Kinausap niya ako para manghingi siya ng number ni Jane.
"Ah okay." Kinuha ko ang CP sa bulsa ng palda ko at binigyan ko siya ng number ni Jane.
"Salamat Ann." Where did 'Anny' go? Where did 'Thank you My Anny, you're the best.' go? Nasan na ba ang Lady Arc na nakilala ko?
Hindi na ako sumagot pa dahil tinalikuran niya naman na ako agad at naging busy na siya sa phone niya. Lumabas na lang ako at nagpunta sa court kung saan busy ang halos lahat ng studyante para sa Intramurals namin. Lumapit ako sa mga Student Body officers na nagkukumpulan sa gitna at nagpaplano.
"Oh, san ka galing Ann?" Tanong ni Lucy sa akin.
"Sa room lang. Ba't dito kayo nagpaplano? Si Tina nasa room ah." Saad ko.
"Tapos mo na bang gawin ang mga Programs? Si Tina gagawa yun ng sketch plan para sa design ng stage." Saad naman ni Fely.
"Ah for printing na yung mga programs. Mamaya ko na ipiprint, may gumagamit pa ng printer eh." Saad ko. "Balik lang ako sa room, tulungan ko si Tina. Di ka pupunta dun Lus?"
"Tara, sabay na tayo. Balik lang kami mamaya guys." Saad nito at naglakad na kami papunta sa room.
Pagdating namin sa room, nag-uusap sina Carl at Arc sa isang sulok. Pareho silang napatingin ng lumapit sa akin si Jane.
"Annybabe! Samahan mo muna ako sa powder room please." Close kami ni Jane kasi magkakapitbahay lang kami. Nasa iisang circle of friends din kami.
"Sure, tara. Samahan ko muna si Jane sa powder room Lus. Balik agad kami." Saad ko.
"Okay." Pumasok naman ng tuluyan na si Lucy sa loob.
Pabalik na kami sa room ng biglang nagsalita si Jane tungkol kay Arc.
"Ann, what do you think of Arc?" Tanong niya. Kinabahan ako sa tanong niyang ito.
"Arc? Mabait siya. Why?"
"Crush ko siya Ann. Totoo bang walang namamagitan sa inyo? Kasi, you know. I don't want to cause rift between us. And honestly, we're texting already." Kinikilig na saad nito. Texting? Since when? Kanina pa siya nanghingi ng number ni Jane sa akin ah. "Since last week pa kami nagtetext Ann and I think I'm falling for him."
Since last week? Ang tagal na pala pero parang inuto niya ako kanina. Para saan pala yon?
"Ahh, mabait naman si Arc. And yeah, walang namamagitan samin Jane." I smiled at her.
"Oh my, so tutulungan mo kami?"
"Tutulungan? Yeah, no problem. But Jane, wag pa dalos dalos ha. Just a friendly advice. I don't want you to get hurt."
That's me, ganyan ako pag naging kaibigan mo ako. I will do everything just to make my friends happy kahit pa masaktan ako. I know that if they will be together, di na ako mapapansin ni Arc, or worst, pati ni Jane. Pero ayaw kong humadlang sa kanila. And bakit naman ako hahadlang? Wala namang namamagitan sa amin ni Arc.
"Good afternoon everyone. Are you all present here today?" Pambungad na salita ng adviser namin na kakapasok pa lang. Nagsiayos naman kami ng upo sa kanya kanya naming mga upuan. Naramdaman kong tumabi sa akin sina Arc at Carl.
"San kayo galing ni Jane?" Tanong ni Carl na humilig palapit sa akin.
"Powder room." Tipid kong sagot.
"Shut the f**k up." Mariing saad ni Arc na nakatingin lang sa harap. Nagulat ako sa pagmumura niya kaya hindi ako agad nakasagot.
"Is there any problem Mr. Ybañez, Ms. Cruz and Mr. Fuentabella?" Tanong ni Ms. Feliciano sa amin.
"None Miss." Ako ang sumagot. Nagpatuloy naman na siya sa mga sasabihin niya at pinayagan na kaming umuwi pagkatapos. Nagliligpit ako ng mga gamit ko ng biglang tumulong si Arc. Napatigil ako at napatingin sa iba pa naming mga kaklase. Nakita kong nakatingin si Jane sa amin.
"Arc, kaya ko na. Naghihintay yata si Jane sayo oh. You can go." I said, hindi ako tumingin sa kanya.
"Where's Lady Arc and Anny? Nasan na sila? Ba't hindi ko na sila mahagilap?" Bulong ni Arc na tama lang para marinig ko. Nagsilabasan na ang mga kaklase namin, kami na lang ang natira. Sina Jane naman at ang iba kong kabarkada, nasa labas ng room.
"Arc, Jane is waiting for you. You should go." Hindi ko siya masagot sa mga tanong niya.
"You really want me to go?" He asked.
"Yes please."
"Fine. But just so you know, hindi ako aso na ipinamimigay lang. Sa ginagawa mong 'to, para akong aso na itinali mo sa gitna ng napakaraming tao. Hindi ko alam kung paano makakakalas sa pagkakatali, pano makakakain, makakainom. Iniwan mo ako sa ere Anny. At ipinamimigay mo ako sa iba." With that, he left me. Narinig ko pa ang tawanan nila sa labas ng bumati siya. Tinawag ako nila pero di ako lumingon. Senenyasan ko lang silang mauna na dahil may gagawin pa ako.
Did I do the right thing? Ba't ang sakit? Wala namang kami eh. Di ba pwedeng dumagdag na lang si Jane at panatilihin namin ang friendship namin?
Maybe ganito lang talaga kasi di kami sanay na may karelasyon siya. Maybe, nasabi niya lang yun kasi nasanay na siya na ako ang kasama niya. Di ko naman siya pinamimigay eh, alam ko lang na mas sasaya siya pag naging sila.
Masakit, yes. Alam din niya sana na hindi lang siya ang naiwan sa ere. Hindi niya naman kasi pinaliwanag kung anong meron kami eh. Maybe if he did, alam ko kung anong gagawin ko, kung saan ako lulugar, pero tapos na, all I have to do is to accept the fact that everything has changed.