Kabanata 1:
Paalala: Gawang piksyon ang mga pangalan, pangyayari, lugar at karakter na mula sa imahinasyon ng author. Ano mang pagkakatulad sa pangyayari o pangalan ng tao ay nagkataon lamang.
Third Person POV:
Amara, pangalang nangangahulugang walang kamatayan katulad ng pagmamahalan ng kaniyang amang Diyos ng mga Diyos at inang Diyosa ng Lupang naging isang Talon ng Pagkalimot matapos ng nakaraang insidente.
Kasabay ng kaniyang pagsilang, ginawa ng kaniyang Ama si Aslan na naging kilala bilang Diyos ng Kidlat mula sa dugo't buhok ng Diyosa ng Hangin at Diyos ng Tubig upang protektahan siya.
Laging naghahanap ng aliw si Amara at kabisado na ang buong parte ng kalangitan kaya nais niyang libotin pati ang mortal na mundo. Lagi siyang lumiliwanag sa kagandahan at kalooban kahit saan man siya pumunta na pati mababangis na nilalang ay kaya niyang paamohin.
Tumalon siya papunta sa mundo ng mg mortal, siya'y sumigaw dahil maaari niyang matamaan ang isang lalaking lumilipad ngunit sinalo siya nito.
Sa una, iniiwasan niyang pansinin ang pagiging tahimik nito ngunit di nagtagal, nag-usap sila habang nakaupo sa hardin ng dandelion. Muntik nang matamaan ng kidlat ang lalaki kaya iniligtas ito ni Amara. Gumulong-gulong sila pababa nang nakapatong si Amara sa kaniya.
Araw-araw silang nagtatagpo at nagkukuwentuhan kaya nahulog ang loob sa isa't isa. Nangakong magsasama kahit ano pa ang mangyari sa mga oras na nabubuhay.
Salungat si Aslan sa pagkakaibigan nila dahil hindi pa nito lubos na kilala at mawawalan nang silbi ang kaniyang pagkabuhay. Nalaman ito ng mga Diyos sa langit.
Isang araw habang bumisita si Amara sa lupa, narinig niya ang mga dugong sumisigaw ng tulong dahil sa takot sinasabayan ng pagkidlat sa langit. Nagiba ang hardin ng mga dandelion at karamihang parte ng kagubatan "demonyo!"
Sa mga oras na iyon, sinalakay ng Diyos ng Digmaan ang kalangitan at maraming taga-langit ang habang buhay nang patay. Nakita ito ni Amara at naluha na lang siya nang makitang ang Diyos ng Digmaan at tao niyang minahal ay iisa lamang. Bumalik sa katinuan ang Diyos ng Digmaan nang masilayan ang mga luha sa mata.
Tumalon si Amara sa Talon ng Pagkalimot na sinundan naman ng Diyos ng Digmaan. Mabubuhay silang muli sa mortal na mundo ng mga tao na walang maalala.
Kaunti lamang ang nakaaalam sa kanilang pagiibigan, naging alamat at nalimutan na ng ilan.
Apoy at lupa nagkaibigan
dahil sa kadiliman
napuno ng dugo ang kalangitan
hindi makapaniwala
ayaw ng kaguluhan
nagmahal sa isang Diyos na kalaban
kaya babagohin ang tadhana
kakalimutan ang nakaraan
Kasalukuyan
(The Willow Maid by Erutan)
Fiesta ng pasasalamat sa kaharian ng Adalia at abot gabi ang kaganapang kasiyahan, sumasayaw ang buong tribu kasabay ng masiglang musika ng drum, plawta, at kawayan. Dumating si Lampara, damit ay kulay pulang may mga aksesorya ang ulo na parang isang maharlika kasama ang kaibigang si Bituin at Leon, nakisabay sila sa kasiyahan. Pinagmasdan siya ng lahat habang napapalibutan ng mga alitaptap dahil sa kaakit-akit nitong kagandahan at mga ngiti.
"Si Lampara ba yan?"
"Dalaga na siya, lumiliwanag pa!"
Siya'y lumayo ng makakita siya ng isang usang nagmamasid mula sa gubat,palagi niya itong nakikita kahit sa panaginip. Sinundan niya ito , hindi naabotan pa nina Bituin at Leon.
Nakita niya ang kapatagang nasusunog, niligtas niya ang mga hayop kabilang na ang tupa, unggoy at kunehong natatakot. Niyakap niyang isang lalaking nakahiga mismo hawak-hawak ang apoy na siyang dahilan ng sunog. Tinapon niya ito sa ilog at nabuhay kaya lumangoy si Lampara upang bigyan siya ng hangin. (Insert Dandelions ni Ruth B. instrumental )
Sila'y nakahiga sa grasa at binalikan ni Lampara ang iba pang mga hayop. Sinabihan siya ng lalaki na siya'y baliw para iligtas siya sa apoy at itapon sa ilog. Nagalit si Lampara kaya iniwan siya nito at sinabing mas baliw ang taong nandadamay ng ibang nilalang habang nagpapakamatay. Hindi na niya nilingon ulit ang lalaki.
Naroroon ang lalaki upang sanayin ang kaniyang apoy na kapangyarihan. Sinundan siya nito para kilalanin, tumakbo si Lampara sa sobrang inis. Napunta siya tuloy sa madilim na yungib. Natabunan ang lagusan ng malaking bato dahil lumindol ng madalian.
"Buti nandito ang liwanag mo" pasurpresang sabi ni Devo habang sinindihan ang kahoy ng apoy mula sa kaniyang kamay.
"Pa-paano mo yan nagawa?" bulong ng namanghang Lampara sabay tingin kay Devo at sa apoy.
"Biyaya raw sabi ni ama" nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Tinawag ni Lampara ang mga alitaptap para gabayan siyang makalabas sa yungib. Para itong taong nakaiintindi sa kaniya.
"Sino ka pala?"tanong ni Devo kaya nagsimula silang magpakilala sa isa't isa.
"Lampara, mula sa Adalia (mga magsasaka't mangangaso) ikaw?"
Dagdag pa niya na ito'y munting tribong may simpleng kaharian at pamumuhay.
"Devo mula sa Nobel Empire, isang Nobelo. Medyo malapit yon dito."
"Matagal ko nang nais pumunta doon, tunay nga bang tuyo ang lupa at madisyerto sa lugar niyo?" pananabik na sambit ni Lamparang iniisip kung ano talaga sa Nobel.
"Tama ka, tuyo na ang lupa na siyang dahilan ng pagkamatay ang mga halaman kaya nga nandito ako para humingi ng tulong. Sama ka saken?"pag-aalok ni Devo sa kaniya.
"Sige ba kapag makalabas tayo ng-" hindi nagdalawang-isip na pumayag dahil gusto talaga niyang maglakbay sa mga lugar na hindi pa napupuntahan.
"Huwag kang gumalaw" mahinang sumenyales si Devo.dahil sa isang bantang nakita.
Higanteng puting tigreng ginising ng kanilang dala-dalang liwanag. Sinubukang umatake ni Devo subalit pinigilan siya ni Lampara.
Nakita ng mabangis na tigre ang markang nasa noo ni Lamparang sumisimbolo sa Diyosa ng Lupa kaya naging maamo at yumuko ito sa kaniya. Hinawakan ang kaniyang ulo ng palakaibigang Lampara.
"Paano?" nagtatakang tanong ni Devo sabay tingin sa dalawa.
"Lahat ng nabubuhay ay may puso't kaluluwa kahit hindi ito nakikita. Kapag nahahawakan ko sila, nalalaman ko ang kanilang mga ala-ala."
Sa tulong ng tigre, ligtas silang nakalabas sa yungib at binigyan ito ni Lampara ng malambot na tinapay bilang pasalamat.
Pumunta sila sa Adalia at sinalubong ni Leon.
"Nag-aalala na si pinuno sayo Lampara, kilala niyo angisa't isa?"bumuntong hininga si Leon dahil sa pagtatakbo sa paghahanap kay Lampara
"Kaibigang nagmula sa Nobel"
"Halina kayo't kumain na tayo"anyaya ni Bituin.
Nagsama lahat ng tao sa mahabang hapag, kumain kasabay ng malayang musika. Lumabas si Haring Daklan dala ang anunsiyong.
"Si Lampara ang pangalawang prinsesa ng Adalia, nag-iisang tagapagmana" sigaw ng Hari hawak-hawak ang kaniyang gintong baso.
" Mabuhay ang prinsesa! mabuhay ang Adalia! mabuhay ka Lampara!"Nagsiyuko lahat at binati si Lampara.
"Kalma, ako lang ito, sana'y walang magbago sa inyong pakikitungo."
"Hindi na kailangan pang sakupin ang Adalia" bulong ni Devo sa sarili.
Natulog sina Lampara at Devo sa punuan ng makupa, nagsiliwanag ang mga kulay rosas nitong bulaklak.
"Devo, masaya akong magkasama tayo." Napahawak sa pisngi ang dalawang kamay ni Lampara.
"Papakasalan kita, suotin mo itong perlas na kuwentas. Kuha ko yan sa dakong silangan" binigay ni Devo ang hawak niya at isinuot kay Lampara.
"Pag papayag si ama, at kapag alam mo kung bakit Lampara ang aking ngalan" kondisyon ni Lampara sa kaniya.
Bago pa man bumisita si Devo sa Adalia, kilala na niya ang ngalang Lampara dahil maraming taga-Nobel ang naglalakbay patungong Adalia pagmasdan lamang siya. Nalaman din niyang
"Nagsilapit ang mga alitaptap sa inyong tahayan at ginabayan ang mga nawawalang tupa ng Adalia ng ika'y isilang kaya Lampara ang iyong pangalan"
Lumuha bigla ang mga mata ni Lampara nang maalalang niyang namatay ang kaniyang inang nang siya'y isinilang. Ang ate niyang si Dawani ang unang kumarga sa kaniya pero namatay ito paglipas ng ilang taon dahil sa digmaan ng pag-ibig.
"Devo, alam mo ba sa bundok na iyan, nilibing ang ate kong si Dawani? Mayon ang tawag diyan pinangalan kay ate." wika ni Lampara sabay tinuro ang bundok.
"Matulog na tayo" dugtong pa niya.
"Normal lang yan, may karapatang maging masaya at umiyak ang tao. Patinging nga ng mukhang nalulungkot." Pagbibiro pa ni Devo para pagaanin ang kaniyang loob.
Nagulat siyang makitang nakatulog agad si Lampara, nahuhulog ang maliwanag na bulaklak ng makupa habang pinagmamasdan niya itong may luha sa mata.
"Mahiwaga."
Hindi namalayang nakatulog din siya.
Kinaumagahan pinuntahan agad ni Devo si Haring Daklan.
"Hayaan mong pakasalan ko si Lampara!"Nakayukong sambit ni Devo
"At ikaw ay?"
"Devo, mandirigma ng Nobel"
"Sige kung kaya mong pasukuin si Haring Barnabas dahil marami siyang dinakip at ginawang aliping mula sa aming tribu. Sakim siya sa kanyiang mga tao." Bilin ni Hari Daklan sabay tango sa ulo.
"Masusunod kamahalan"
"Sasamahan kita" biglang pumasok si Lampara
"Mahal na prinsesa baka--"kawal
"Kung makakaya niyang palayain ang mga tao mula kay Barnabas at panatilihin akong ligtas, magiging komportable akong pakasalan siya."Tindig ni Lamparang nakikita ang tiwala sa mga mata.
Sila'y tumakbo't naglakbay na magkahawak ang kamay.
"Hayaan natin kung sila bay tinadhang magsama"