Nakaalis na at lahat si Hasmine pero hindi ko pa rin magawang kalmahin ang sarili ko. Abot-abot pa rin ang paghugot ko ng malalim na hininga at kahit nga nakaalis na rin si Reymond ay hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto ko. My hand ached. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko kay Hasmine ay humapdi talaga ang palad ko, bahagya pa nga iyong namanhid. Nagagalit ako. Sobra akong nagagalit at sa sobrang emosyong nararamdaman ko ay hindi ko magawang kumilos o magsalita. Baka magkamali lang ako ng gagawin o sasabihin. Ang lamig na nararamdaman ko ay kaagad na napalitan ng init nang dumampi sa mga nakakuyom kong kamay ang mga kamay ni Gian. Napahugot ako ng hininga nang yakapin n'ya ako at hagudin ang likod ko. She tapped my back softly. Nanatiling ganoon ang ginagawa n'ya, parang kinakalma

