"What?" Huminga nang malalim si Tito Rafael at nilingon ang asawa bago muling tumingin sa akin. "You heard me, Hija. Nagplano ng isang family dinner si Ate Odette at gusto nilang isama mo si Gian para makilala ng buong angkan ng mga Ricaforte." Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang makabalik ako mula sa Mindanao. Kagigising ko lang at ipinatawag ako ni Tito Rafael para sumabay sa pag-aalmusal sa kanila rito sa veranda. Kompleto sila rito, si Tito at Tita, si Reymond at ang nakababata nitong kapatid na si Zijan. Sa lahat ng mga kapatid ni Papa, ang pamilya lang ni Tito Rafael ang nakakatagal na tumira rito sa mansyon maliban sa akin. Iyong iba kong mga tiyahin at tiyuhin ay mas gustong manirahan malayo rito. May mga pinsan naman ako na paminsan-minsan ay dito tumitira pero min

