"Are you really sure about this?" Muling bumuntong-hininga si Gian at halos humigpit din ang pagkakahawak n'ya sa mga kamay ko. Hindi ako kaagad na sumagot dahil nakita ko na ang sadya namin, nasa parking lot na nga kami at kapa-park lang ng sasakyan. Gian nodded at our driver. Kaagad namang tumango ang driver at mabilis na lumabas ng sasakyan ganoon din si Gregory na nasa passenger's seat. Nakita ko rin ang pagpa-park ng isa pang sasakyan sa tabi namin, nandoon naman ang mga bodyguard. Tahimik lang kami ni Gian sa backseat. Halata sa mga buntong-hininga n'ya na hindi n'ya gusto ang gagawin ko kahit na nga narito na kami sa lugar na sadya ko para sa araw na ito. Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang ma-discharge s'ya sa ospital at mabuti na lang ay napilit ko s'yang sa amin mun

