"Oh, sige na, Sabina, malapit na kami. Ito kasing si Ric, nag-insist maging driver pero ang bagal naman," Letticia hissed. Natatawang umiling na lang ako habang pinapakinggan ang pang-aasar ni Letti kay Ric sa kabilang linya. Miyerkules na at gusto nilang bumisita rito sa mansyon. Silang dalawa lang naman ni Gabriella ang bibisita sa akin ngunit mukhang sumabit si Ric. Iba rin kasing manligaw si Ric. Siya lang yata 'yong kilala kong manliligaw na ubod ng demanding. "Who's that?" Kaagad na tanong ni Reymond pagkababa ko pa lang sa cell phone. I glanced at him. Pababa pa lang ako sa grand staircase at hindi ko napansin na narito pala s'ya sa mansyon. "Napapadalas yata ang punta mo rito," punta ko sa pinsan. "Si Letticia ba iyong kausap mo? Pupunta sila rito?" Iyon ang itinanong n'y

