"Sigurado ka bang okay ka na? Kaya mo nang mag-shoot?" Kian asked. "I'm fine, Key..." Kumindat ako sa kanya bago sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, tumatapang!" bulalas n'ya na ikinatawa ko. Alas tres na ng hapon. Kanina pang alas nueve ng umaga nagsimula ang shoot at nakakailan na kami. Maraming shoot na rin ang natapos namin at wala namang nagrereklamo sa aming tatlo. Sanay na ako sa hectic na schedule ng shoot. Kasama na iyon sa pang-araw-araw na buhay ko noong nasa France pa lang ako. Mas mabuti nga ngayon dahil outfit lang naman ang pinapalitan namin at hindi lugar ng shooting. Nasa isang malaki kaming studio at kompleto naman sa mga kagamitan kaya hindi na namin kailangang magpalipat-lipat ng lugar. Katulad ko ay professional din si Reymond

