Noong una, hindi ko alam na may nabuo kami ni Gian kaya inakala kong natural lang na mahilo ako at paminsan-minsang sumama ang sikmura dahil sa pagod at kulang talaga ako sa tulog. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil alam kong madami talaga akong ginagawa. Abala ako sa preparation sa wedding at nagpapakitang-gilas din ako training ko dahil kahit na pumayag na ang board na mapunta kay Tito Rafael ang posisyon ng pagiging CEO ay kinakabahan pa rin ako. Siyempre ay kailangan kong ipakita sa kanila na may paninindigan ako at may kredibilidad. Hindi rin naman kasi madalas ang atake ng pagkahilo ko. Ngunit iba na ngayon dahil mula nang malaman ko na buntis ako, parang nawalan na rin ng pasensya ang morning sickness ko. Halos araw-araw ko nang nararanasan iyon! Pagkagising ko pa lang a

