HYACINTH'S POV Pagkatapos nang nangyare kahapon hindi na ako pinayagan nung iba na sumama pa sa kweba. Kasi dun yung punta nila ngayon at third day namin ngayon sa field trip. Mamayang bandang hapon ang balik namin. Ang boring nga eh. Kasi ako lang mag-isa yung naiwan dito. Eh hindi pala. Kasama ko pala si Mr. Tss. Edi sino pa ba?! Edi si Yexel. Hindi rin kasi siya pinayagang sumama kasi may sakit siya. Guilty tuloy ako. Pero hindi ko namang sinabeng ibigay niya saken yung coat diba? Kaya wala na dapat akong ipag-alala. "Ang boring naman" sabi ko tapos lumabas ako ng tent nang makita ko si Yexel. Nakaupo siya sa ibaba ng puno habang nakatingin sa malayo. Ang lalim ng iniisip niya. Minsan tuloy naiisip ko and weird niyang tao,promise! Umupo nalang ako sa labas ng tent. Tapos nilabas ko yu

