Chapter 3

2870 Words
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kubo na bahay ni Nanay Elley kung saan ako nagpalipas ng gabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nakadikit sa may dingding ng kwarto. Alas-sais na ng umaga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Mike. Matapos ang isang ring ay sinagot naman ito ng kabilang linya. "Hello? Syranah? Akala ko ba babalik ka agad?" Napabuntong hininga naman ako. "I have to fix something. By the way, I called because the Dean texted me na walang pasok whole day." "Really? Bakit daw?" "Meeting ngayon ng teachers and after lunch, meeting naman ng lahat ng classroom Officers." "Ah okay, that's better. Naipaliwanag ko na sa dalawa ang lahat... at nag-iisip na sila ng kung ano-ano. I can't handle them long, Syranah." "Okay, I'll be back before lunch. Gotta go." Pinatay ko na ang tawag at muling humiga at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang ay napamulat ako nang makarinig ng kaluskos sa may kusina. Pamilyar na ako sa mga sulok ng bahay kaya alam kong sa kusina nanggaling ang kaluskos na 'yon. Bumangon ako at tinungo ang kusina para tingnan kung sino o ano ang nandoon. Napasandal ako sa pintuan ng kusina habang nakatingin sa isang nilalang na nagluluto. "Are you Nanay Elley's grandson?" tanong dahilan para mapalingon siya sa banda ko. Gulat niya akong tiningnan. "Ahh o-oo... gising ka na pala." Napakunot naman ang noo ko, I saw a tattoo on his hand. It's a form of metal na hugis puso? Napatingin naman siya sa tinitingnan ko. Nang makita niya na ang tattoo niya ang tinitingnan ko ay agad niyang tinago ang kamay niya. "Ako nga ang apo ni Lola Elley, ako nga pala si Jed," pagpapakilala niya. Tinanguan ko lang siya at umupo sa may upuan. "Naghanda ako ng almusal," seryoso niyang sabi. Hinain  niya ang niluluto niya sa harap ko. Sabay kaming kumain. Wala naman sa mukha niya ang manglason kaya kumain na lang ako. "Nakuha ko na ang libro sa kwarto ni Lola Elley. Ikaw si Syranah 'di ba? Palagi kang binabanggit ni Lola sa akin," sabi niya habang sumusubo ng pagkain. Napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya ng seryoso. "Paano mo nakuha ang libro?" "I used my speed ability," sabi niya habang sumusubo ng pagkain. Sa kwarto ako ni Nanay Elley natulog. Kaya pala hindi ko siya nakita agad na pumasok. "I know that you also have an ability, I can sense it," dugtong niya. "Anong balak mo?" pag-iiba ko. Huminto siya sa pagkain at tumahimik sandali. "Pupunta ako sa mundo ng mga werewolf, alam ko na may dahilan kung bakit sila biglang umatake. I need to find it out," seryoso niyang sabi. "Paano mo nalaman na werewolf ang pumatay sa Nanay Elley mo?" nakakunot noong tanong ko. "Sinabi mismo ni Nanay Elley sa akin." I sighed. "You can't do that kid," malamig kong sabi. "What? Ako? Kid?! Hindi na ako bata! And I can do it," galit at may diin niyang saad. Nagagalit siya kapag tinatawag na kid? Napatingin naman ako sa kamay niya nang umilaw ito. Ang tattoo sa kamay niya ay umilaw at biglang naging metal ang mga kamay niya. "B'ouk," bulong ko at biglang nawala ang pagiging metal ng mga kamay niya. Translation: Back. Gulat na gulat niya akong tiningnan. "You can't control it, am I right?" tanong ko. Kaya ba siya hindi nakatira kay Nanay Elley? Dahil baka masaktan niya ang Lola niya? Umiwas naman siya ng tingin. "Ano naman kung ganoon?" pabalik niyang tanong. "How old are you?" seryoso at maawtoridad kong tanong. "Fifthteen." Fifthteen? Bata pa pala siya, but he have to control he's ability. Ang problema lang dito is... kaya ba ng katawan niya? "Fix yourself, I will enroll you in a school. Pero may pupuntahan muna tayo." "Ano?! Pero — " "No buts! Do you want to control your ability right?" Tumango naman siya. "Then, trust me." M I K E KUMATOK ako sa pinto ng kwarto kung nasaan si Kelly at Shandie. "Kelly?" tawag ko sa kanya. Napaatras ako nang may sumipa ng pinto mula sa loob. "Umalis ka!" sigaw niya mula sa loob. Kanina pa siya ayaw magpapasok sa loob, pati na rin si Shandie. Galit talaga sila sa paliwanag  ko kanina. Matapos ko kasi silang kausapin ay hinatak agad ako ni Shandie palabas ng kwarto at ni-lock ang pinto. Hindi ko rin natapos ang pagpapaliwanag ko kanina. HUMINGA ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto kung nasaan sina Kelly at Shandie. May susi kasi ako. Pagpasok ko ay nakita ko si Kelly na umiiyak habang hinahagod ni Shandie ang likod niya. Napatingin sila sa akin. "What are you doing here?" bungad sa akin ni Shandie. Umupo ako sa kaharap nilang couch. "I'm here to explain everything," seryoso kong sabi. Natahimik naman sila kaya nagsimula na akong magpaliwanag. Sinimulan ko sa pagkatao ko hanggang sa Dempire. Hindi ko rin masisisi si Kelly kung galit siya sa akin dahil almost ten years kong tinago ang pagkatao ko sa kanya. Kelly and I are child hood friends since we are seven years old. Pagkatapos ko magpaliwanag ay hinatak ako ni Shandie palabas ng pinto. "Give her a little time to think." Pagkasabi niya noon ay isinara na niya ang pinto. Narinig kong ni-lock niya ito kaya napabuntong hininga na lang ako. May susi ako sa kwarto na 'to pero ayokong gamitin ulit iyon, baka bugbugin ako ng dalawang iyon. May ability kaya si Shandie, lagot ako kapag nagpumilit pa ako. "I'll handle it," isang tinig ang narinig ko mula sa likod. Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman at dumating na rin siya, kanina ko pa siya hinihintay! "Take care of the kid outside," sabi niya at hinawakan ang door knob, binuksan niya ito at pumasok sa loob. Tumango ako at tumalikod pero teka — p-paano niya nabuksan iyon?! Napatingin ako sa susi ng kwarto na hawak ko. Napasampal ako sa noo ko. Ano ka ba talaga Syranah? Napailing-iling naman ako at tinungo ang sala. May nadatnan akong isang bata na prenteng nakaupo sa couch dahilan para kumunot ang noo ko. "Who are you?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Kasama ako ni Syranah," sagot niya. So siya 'yong sinasabi ni Syranah na bata? "What is your name and how old are you?" sunod-sunod na tanong ko. "I'm Jed, fifteen years old." Tumango na lang ako, mukha siyang twelve years old. "I need to go to school, I'll be back." Biglang sumulpot ni Syranah sa tabi ko at akmang aalis pero pinigilan ko siya. "Teka — " "They are okay now, puwede mo na silang kausapin. Jed, come with me," hinila ni Sy si Jed at umalis na sila. "Bakit ang bilis?" tanong ko sa kawalan. "Mike..." rinig kong boses mula sa likod ko kaya napalingon ako. "K-Kelly?" kinakabahan kong sabi nang makita si Kelly na tumawag sa pangalan ko. S Y R A N A H NASA labas na kami ngayon sa bahay ni Mike. Huminto ako at hinarap si Jed. "What?" may inis niyang sabi. Hindi ko feel na magkakasundo kaming dalawa dahil ayaw niya yata sa akin. 'Bouk He'm,' sabi ko sa isip and in a snap nasa bahay na kami ni Travious. Nasa harap na kami ngayon ng kwarto ko. Translation: Back home. Itinutok ko ang index finger ko sa kabilang pader ng kwarto ko at ilang segundo lang ay nagkaroon na ito ng isang kwarto. Tiningnan ko si Jed na gulat na gulat ang mukha. "I'll give you time to fix yourself and read that book." Tinuro ko ang libro na nakalagay sa bag niya. Iyon ang librong gustong ibigay ni Nanay Elley sa kanya. "We have to burn it after dahil baka may gustong kumuha niyan at sugurin pa tayo," seryoso kong sabi. Bumalik naman siya sa katinuan at tumango. Pinapasok ko na siya sa kabilang kwarto at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis lang ako. Dumeretso agad sa kusina pagkatapos kong ayusin ang sarili para magluto. Almost twelve na, may meeting pa naman mamaya. Medyo mahaba pa naman ang oras saka mabilis naman ako kumilos kaya nagsimula na akong magluto nang makarating ako sa kusina. After twenty minutes ay natapos rin ako at inihanda ko na ang mga pagkain sa mesa.  May narinig akong mga hakbang na papalapit sa kusina. "Natapos ko nang basahin," rinig kong sabi ni Jed. Nilingon ko siya at nakaabot ang kamay niya sa akin habang hawak-hawak ang libro. Kinuha ko naman iyon at inilagay sa mesa. "Sit down," tinuro ko ang upuan sa harap ko. Umupo naman siya sa may harap, umupo rin ako at huminga ng malalim. "Si Jedlon ba ang papa mo?" seryoso kong tanong sa kanya. "P-Paano mo nalaman?" gulat at pabalik niyang tanong sa akin. So, it's really him. Kaya pala sabi ni Nanay Elley na makakatulong siya sa akin. "Look, Lola mo ba talaga si Nanay Elley?" tanong ko ulit. "Hindi," malungkot niyang sabi. "Nakita lang daw niya ako at kinupkop. Noong nalaman ko ang ability ko ay lumayo ako kasi baka masaktan ko siya at makasakit ako," dugtong pa niya. "Did you know that you are not the one living on earth that having an ability?" tanong ko. Tumango naman siya. Kinuha ko ang libro at iniharap sa kanya. "Ano ang nalaman mo?" "Isinulat diyan ni Lola Elley lahat, mula noong ako ay sanggol pa lang at nalaman ko na may kamag-anak pa ako. Nag-iisang kamag-anak... si Jedlon," saad niya. Hinigpitan ko ng hawak ang libro at bigla na lang itong nawala. "Kumain ka na, may pupuntahan pa tayo," malamig kong sabi. J E D TAHIMIK kami na kumakain sa kusina. Hindi ko siya kilala pero alam kong iba siya, ibang-iba. Malakas siya at natatakot ako. Natatakot ako, kasi parang... parang alam niya na lahat-lahat. Matagal akong nabuhay sa mundong ito saka marami rin akong alam tungkol sa mundong ito. Dati, akala ko nag-iisa lang ako na may ganitong ability. Noong sinabi sa akin ni Nanay Elley na kapag may mangyayaring hindi maganda sa kanya ay may nilalang na isasama ako, nalungkot ako pero sinabi niya na huwag akong matakot dahil marami pa ang mga kagaya ko na hindi ordinaryo. Kailangang makontrol ko ang ability ko para makaganti sa mga werewolf dahil sa ginawa nila sa Nanay Elley ko. "That will never be a good solution," seryosong sabi ng kaharap ko habang sumusubo ng pagkain. Teka — n-nababasa niya ang isip ko? Imposible! Sarado ang isip ko at hindi ko ito binubuksan! "I will enroll you today sa school ng mga tao para marunong kang makihalubilo, act normal, then make sure na hindi ka magpupuyat," malamig niyang sabi. Ewan ko pero biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Kakaiba talaga siya at mukhang masama kung hindi ko siya susundin. "I will train you... and I promise..." Huminto siya at tumingin sa akin ng seryoso. "After a few training, makokontrol mo na ang ability mo," seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko dahil makokontrol ko na ang ability ko dahil may parte sa akin na mas umapaw ang takot at kilabot dahil sa kakaibang aura na nararamdaman ko sa kanya. Napakurap naman ako. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero alam ko at kitang-kita ko mismo na naging pula ang mata niya. Pula talaga, hindi maroon o light red. It's pure red. Bigla rin naman itong nawala nang kumurap siya ng ilang beses. "Iligpit mo na ang pinagkainan natin, then mag-ayos ka," tumayo siya at tinungo ang kwarto niya. Napabuga naman ako ng hangin. Sana hindi maging imperno ang buhay ko kasama siya. Tumayo ako at iniligpit ang mga pinagkain namin. Marunong ako sa mga ganitong bagay. Nakita ko naman siyang umalis sa kusina. Napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang ginawa ko. Pagkatapos kong magligpit ay dumeretso na rin agad sa kwarto na ginawa niya para sa akin. S Y R A N A H "WHAT now?" Nandito ako ngayon sa venue ng meeting ng mga officers. Kanina pa kami dito at kakatapos ko lang rin e-enroll si Jed. Iniwan ko siya sa labas para makapag-ikot sa buong campus. "Paano na 'yan? Ayaw nina Shandie at Selene na sumali sa contest?" may pag-alalang sabi ni Joanna (2-A class President). Selene and Shandie Bouria are the daughters of the owner of this school. Si Selene ay nasa class 3-A samantalang kaklase ko naman si Shandie. Napahinto ako sa pag-iisip dahil nakatingin silang lahat sa akin. "What?" kalmado kong tanong sa kanila. "This contest is by year level, kung sino man ang manalo sa botohan ay siyang magiging contestant para sa by campus," seryosong sabi ni Tyron (3-B class President.) "What if ikaw na lang kaya, Syranah?!" suhestiyon ni Jiro (2-B class President). Tiningnan ko lang sila. Nanatiling kalmado ang aura ko. "Seriously? Ano naman ang mapapala ko riyan? Besides, kung sa year level pa lang, panigurado bagsak na ako ano pa kaya kung by campus na?" walang gana kong sabi. Isa lang akong nerd at anong laban ko sa mga contest-contest na 'yan? "Prepare all things that we needed in that event, we have a final representative," utos ni Joanna at tumingin sa akin. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Wala na akong magagawa, matigas rin ang ulo ng mga tao.  They planned to make me as their representative. Kahit ilang beses pa akong umangal, talo pa rin ako dahil marami sila. Natapos rin ang meeting namin ng mga classroom officers at wala namang masyadong nangyari o napag-usapan. Tungkol lang lahat sa gaganaping event weeks fron now. Matapos ang meeting ay nagpaalam na rin sila sa isa't-isa. Umalis na silang lahat. Matapos maubos ang mga tao sa paligid ko ay nagligpit na rin ako para umalis. Sinigurado ko rin na maayos kong naisara ang office ng Dean kung saan kami nag-meeting. Nang matapos ako sa lahat ng kailangan kong gawin sa Dean's office ay nagsimula na akong maglakad. Naglakad-lakad ako sa hallway at nagpalinga-linga. Where the heck is he? I’m reffering to Jed. Na-enroll ko na siya at puwede na siyang pumasok anytime kapag may pasok na syempre. J E D KANINA pa ako ikot-ikot sa buong paaralan. Hinayaan kasi ako ni Syranah na mag-ikot para hindi na ako maligaw kapag mag-aaral na ako dito. Mas komportable ako kung Syranah ang itatawag ko sa kanya kaysa 'Ate'... hindi naman kami gaanong magkakilala. Tahimik ang buong paaralan dahil wala ngang pasok ngayon. Mga ilang minuto rin ang lumipas ay nagpagdesisyunan kong pumunta sa likod ng paaralan. Nag-aaral ako noon pero huminto rin noong nasa ikalimang baitang na ako kung kailan ko nalaman ang abilidad ko. Bumungad sa akin ang preskong hangin, maraming d**o at puno sa likuran ng paaralan. Humiga ako sa isang malinis na damuhan. Hindi naman mainit ngayon dahil makulimlim ang kalangitan. Sakto lang ang klima at liwanag ng kalangitan. Ilang sandali lang ay napakunot ang noo ko nang makarinig ng parang hikbi ng kung sino.  Tumayo ako at hinanap kung saan nangagaling ang tunog. Dinala ako ng mga paa ko sa isang puno. Parang kinakabahan ako sa kung ano ang makikita ko sa likuran ng puno. Akmang sisilip na sana ako nang biglang — "Kid." Napalingon ako sa nagsalita. Sinamaan ko siya ng tingin. Kid na naman! Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang pagsilip sa likod ng puno. "Ahhhhh!" Napatakip ako sa tenga dahil sa sigaw na bumungad sa akin. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod. Nanlaki ang mga mata ko dahil may lumalabas sa likod niya na kung ano dahilan para dumugo iyon. Nakita ko si Syranah na lumapit sa babae. T-Teka, bakit parang hindi niya naririnig ang sigaw ng babae? Ang sakit sa tenga. Napakalakas niyang sumigaw, nakakabingi. Napaupo pa ako habang nakatakip ang dalawang palad ko sa tenga ko. Nakita kong hinawakan niya sa balikat ang babae. "B'ouk." Pagkabigkas niya ng salitang iyon ay biglang nawalan ng malay ang babae. Translation: Back. "Carry her," utos ni Syranah. Wala na akong nagawa kung 'di buhatin ang babae. May magagawa pa ba ako?  Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Binuhat ko ang babae, hindi naman ganoon ka bigat kaya nabuhat ko agad siya. "Saan tayo — " Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Syranah ang balikat ko at ilang sandali lang ay nasa bahay na kami. Bahay ng kaibigan niya. "Sy! What happened?" tanong ng lalaki na may pangalang Mike. Sinabi sa akin ni Syranah ang pangalan ng mga nilalang dito. Hindi rin daw sila tao kagaya ko. "Prepare a room for her," utos ni Syranah at tiningnan ang babaeng karga ko. Tumango naman si Mike. Sumunod ako sa kanya nang itinuro niya ang kwarto. Pumasok ako sa loob at dahan-dahan kong ibinaba ang babae sa kama. "Selene!" Isang babae ang pumasok sa kwarto at niyakap ang babae na tinawag niyang 'Selene' na kinarga ko kanina. "Jed, Mike, iwan niyo muna kami," seryosong sabi ni Syranah. Ayoko sanang umalis kaso hinila ako ni Mike palabas ng kwarto at isinara ito. "Halika, ituturo ko ang magiging kwarto mo," sabi ni Mike. Hindi na ako umangal pa at sumunod na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD