Chapter 19

2188 Words
HINGAL na hingal kong tiningnan si Zandro na nakatayo sa may 'di kalayuan. Kalmado lang siya at hindi iniinda ang mga galos na natatamo niya mula sa akin dahil naghihilom rin naman iyon kaagad. Marami na rin akong galos at hindi iyon naghihilom kaagad dahil limitado lang ang kapangyarihan ko ngayon. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga kasama ko na nakikipaglaban. Gaya ng inaasahan ko ay pinaglalaruan na naman kami ni Zandro. Tinutumbasan niya ang kakayahan at kapangyarihan ng mga kasama ko. Halimbawa ay kay Selene, cherubim siya at ang kalaban niya ay mukhang cherubim din pero kakaiba ang lakas nito kaya natatalo si Selene. May mga galos na si Selene at minsan ay tinutulungan naman siya ni Jed. Alam kong pati si Jed ay nahihirapan na rin sa kalaban niya pero pilit pa rin niya tinutulungan si Selene para hindi ito matalo o mapuruhan ng kalaban. Ang elementalists naman ay katulad rin nila ang kalaban nila kung kaya't medyo nahihirapan sila na talunin ang mga ito. May mga nakahilata na sa lupa at ang iba naman ay may natamo ng mga galos sa katawan. May mga nanghihina na pero lumalaban pa rin. Napakagulo na ng paligid. Nagkalat ang mga katawan, dugo, at mga sugatan na nahihirapan na ng sobra. Kasama namin ang mga werewolves, bampira, witches, wizards, Royalties ng Mystic, at ang Empires. Lumalaban talaga sila para maipanalo ang labanang ito. "Ano na, Syranah? Alam mo, hindi ko pa tinotodo ang kapangyarihan ko. Mukhang humihina ka na talaga ngayon. Sinabi ko na sa'yo dati na wala kang mapapala sa mga tinutulungan mo. Bibigyan pa kita ng pagkakataon, puwede kang tumakbo ngayon at bumalik sa pinanggalingan mo. Umalis ka, iwan mo sila at huwag ka nang manggulo para hindi ka na madamay pa sa mga g**o," seryosong sabi ni Zandro. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Napatingin ako kay Pretty at Vlad na nakikipaglaban rin. Kitang-kita ko sa mukha nila na nahihirapan na sila pero laban pa rin sila ng laban. Naikuyom ko ang dalawa kong kamay at saka hinigpitan ang hawak sa espada ko. Ako? Iiwan sila? Mas mabuti pa na ako ang maiwan kaysa ako ang mang-iwan. Oo, alam kong naging matigas ako noon pero ang mga kasama ko ngayon ang nagpamukha sa akin na kahit ganito ako at kahit Slayer ako ay tinatrato nila ako ng isang normal na nilalang, isang kaibigan, at pamilya. Hindi ko sila iiwan dahil lang sa nakikita kong matatalo na kami, at nahihirapan na ako. Lalaban ako kahit anong mangyari, lalaban ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. "Ako dapat ang magsasabi sayo ng mga salitang iyan, Zandro. Mali ang kinalaban mong hukbo at sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa muli sa kahit saang mundo," seryoso at matigas kong sabi habang tinitigan siya na ngayon ay may ngiti na sa labi. Sinugod ko siya gamit ang espada ko pero nakaiwas lang siya at siya naman ang sumugod. Muntik na akong matamaan pero mabuti na lang at nakaiwas rin ako. Sinugod niya ako gamit ang itim na usok na nagiging mga maliliit na kutsilyo. Sinasalo naman ng espada ko ang mga kutsilyong iyon para hindi iyon dumeretso sa ano mang bahagi ng katawan ko. Sangga at iwas lang ang ginagawa ko dahil habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang kutsilyong paparating sa kinaroroonan ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay isang kutsilyo na lang ang natira. Sinangga ko iyon gamit ang espada ko para hindi tumama deretso sa mukha ko pero nanigas ako ng may maramdamang matulis na bagay na nakabaon sa may bandang tiyan ko. Napatingin ako kay Zandro na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang espada niya na kulay itim na nakasaksak na sa tiyan ko. Nasa harap ko na siya. Hindi ako makagalaw dahil hindi ko inaasahan ang pagsugod na ginawa niya. "Any last word, Syranah?" tanong niya habang nakangisi pa rin. "Baliw ka na..." pabulong na sabi ko. Napaluwa naman ako ng dugo nang ibinaon niya pa sa akin ang espada niya. "Baliw na kung baliw. Wala akong pakialam sa sasabihin mo, ang gusto ko ay mamatay ka na dahil pakialamera ka!" sigaw niya sa akin. "How dare you!" Isang malamig na tinig ang narinig ko sa may likod ni Zandro. Nakita ko ang isang matalim na bagay na bumaon mula sa likod hanggang sa harap ni Zandro. Gulat niya akong tiningnan at hindi ko rin inaasahan ang nangyari. Nakita ko si Creseal sa may likuran ni Zandro na may hawak sa espada niya na kulay pula at ang kanang kamay niya ay nakita kong umiilaw iyon. Tiningnan ako ni Zandro at ngumisi. Binunot niya ang espada sa tiyan ko at saka lumingon kay Creseal, huli na dahil naisaksak na ni Zandro ang itim niyang espada sa dibdib ni Creseal. Napaupo ako sa lupa dahil sa sugat na natamo ko. Hinigpitan ko ang hawak sa espada ko at naging kutsilyo iyon. Umaagos na ang dugo mula sa sugat ko pero binalewala ko lang iyon dahil mas kailangan ako ng kakambal ko ngayon. Tumayo ako at agad na isinaksak kay Zandro iyon. Humaba ang espada ko at tumagos ito sa puso niya. Napaluhod ako sa lupa at hinahabol ang hininga ko. Ang mga kalaban na gawa sa usok ng kapangyarihan ni Zandro ay naglaho na sa paligid. Si Zandro rin ay unti-unting nagiging abo at naglalaho sa harap ko. Wala siyang kakampi kung ‘di ang sarili lang niya. Ang mga hukbo niya pati na si Demetre ay gawa lang ng kapangyarihan niya. Mapapatay lamang siya kapag natamaan ang puso niya. Maglalaho siya at maglalaho rin ang mga hukbo niya. Kaluluwa na lang si Demetre na nabubuhay dahil sa kapangyarihan ni Jedlon. Matatapos ang lahat kapag natapos din ang buhay ni Jedlon. Napaupo ako sa tabi ni Creseal na nakahiga na ngayon sa lupa. Wala siyang malay dahil sa natamo niyang saksak sa dibdib niya. Kitang-kita ko sina Light at Dark na papunta sa kinaroroonan namin pero ginamit ko ang kapangyarihan ko para hindi sila makagalaw pati na rin ang mga elementalists dahil alam kong pipigilan nila ako. Tumulo ang luha ko at hinawakan ang kamay ni Creseal na may marka, marka na tulad ng akin na ang ibig sabihin ay nagkita na sila ng nakatadhana sa kanya. Alam kong si Dark iyon, may nakita rin akong marka sa kanang palad niya at tama nga ang hinala ko. Pinahid ko ang dugong nasa gilid ng labi ko. Hindi ko ininda ang sugat ko sa tiyan at binunot ko ang espadang nakatarak sa puso ni Creseal. Ang pagsaksak sa puso rin ang magiging kamatayan ng isang Diyosa. Napahikbi naman ako at hinawakan ang sugat niya sa may puso niya. "H-heal..." bulong ko habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Sana umubra ang natitira kong kapangyarihan. Umilaw ang sugat niya at napabitaw ako dahil biglang kumirot ang ulo ko. Hindi ko rin mapigilan ang paglabas ng dugo sa bibig ko. Limitado lang ang kapangyarihan ko pero alam kong magagawa ko ito. Inilagay ko ulit ang kamay ko sa sugat niya. "H-heal..." bulong ko ulit at pilit na tinitiis ang sakit na nararamdaman ko. Makalipas ang ilang segundo ay unti-unting naghilom ang sugat ni Creseal. Nakawala na rin sina Light, Dark, at ang mga elementalists sa ginawa ko sa kanila dahil nanghihina na talaga ako. Tiningnan ko si Light na bakas sa mukha ang pag-aalala at lungkot. Ayokong nakikita siya na nahihirapan. I'm sorry Light, I'm so sorry for being too selfish. Kinuha ko ang espada ko na nasa lupa na. Naging abo na si Zandro kaya nasa lupa na ang espada ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa espada ko at itinutok ito sa puso ko. "By the power of this sword, I command you to heal every creature in this Mystic World. May peace, wisdom, acceptance, happiness, and love will prevail in this world. I sacrifice myself so that... this world will commit the best. Hear my words for I am the Slayer of the Greatest of All." Isinaksak ko ang espada sa puso ko. Nakitang kong umiilaw ang marka sa kamay ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay unti-unting nawawala ang kinang nito kasabay ng pagkawala ng marka sa kamay ko. Napapikit ako at naramdaman kong bumagsak ako sa mga bisig ng isang nilalang. "Please don't leave me, Sy. Huwag mo naman akong iwan ulit, ayoko ng maiwan pa. Hold on to me please, I love you so much," rinig kong sabi niya. Kahit nakapikit ay ramdam kong umiiyak siya. Ayokong nakikitang malungkot si Light. Ginamit ko lahat ng lakas na natitira sa akin at iminulat ko ang mata ko. Lumalalim na ang paghinga ko at mukhang naubusan na talaga ako ng dugo at enerhiya. "Please be happy..." mahina at pabulong kong sabi bago tuluyang nilamon ng kadiliman. IMINULAT ko ang mga mata ko ang mga mata ko at tanging liwanag lang ang bumungad sa akin. "Naging matapang ka sa mga pagsubok na hinarap mo, Syranah. Hindi nga ako nagkamali na pagkatiwalaan ka, nababagay talaga sa iyo ang pagiging Slayer mo." Isang tinig ang narinig ko na nagmumula sa liwanag kaya agad akong napayuko at lumuhod. "Maraming salamat sa iyong papuri nakakaitaas. Masaya ako't nagagalak kayo sa mga nangyari," magalang na sabi ko. "Talagang masaya ako, Syranah. At dahil diyan ay pagbibigyan ko ang anumang kahilingan na nais mo." 'Nais kong maging isang normal na nilalang ng Mystic para makasama ko ang mga mahal ko.' Iyan ang gusto kong sabihin pero alam kong malabong mangyari. Malabong mangyari dahil ako na mismo ng kumitil ng buhay ko. "Nais ko sanang mawala na si Zandro sa buong kalawakan at sanay hindi na siya mabubuhay pa muli," sabi ko habang nakayuko pa rin. "Hindi mo na kailangang hilingin ang bagay na iyan dahil mangyayari talaga iyan. Humiling ka ng mula sa puso mo, sundin mo ang puso mo, Syranah," rinig kong sabi ng liwanag. "Nais ko sanang bawiin mo ang mga batas ng mga Diyos at Diyosa lalo na 'yong mga batas na nagpapapigil na umibig sa isa't-isa at tumulong sa mga nangangailangan. Lahat tayo ay may karapatang umibig kaya sana'y bawiin mo ang ibang batas. Lahat tayo ay may karapatang tumulong kaya dapat ay hindi lang pagbabantay ang gawain ng mga Diyos at Diyosa," magalang kong sabi ulit. "Iyan ba talaga ang nais ng puso mo?" tanong niya at hindi naman ako nagdalawang isip na sumagot. "Opo, iyon ang nais ng aking puso at isipan. Ako'y magagalak ng husto kapag ito ay iyong tutuparin." "Noong isinilang ka, Syranah… wala ng batas ang mga Diyos at Diyosa. Walang batas ang pagiging Slayer mo. Pinapaniwala mo lang ang sarili mo sa ganoong bagay dahil iyon ang nakaugalian niyo noon... noong ikaw ay isang Diyosa pa lamang ng Mystic." Kalmado ang boses niya at napakagandang pakinggan sa tenga. "Alam mo, Syranah, ako ay bilib sa iyo dahil inuuna mo ang kapakanan at kagustuhan ng iba kaysa sayo. Ikaw ay tunay na Slayer, naging matapat ka sa akin at ginampanan mo ng maayos ang responsibilidad mo. Pinili mo ang tama, at dapat kahit lumalabag ka na sa batas. Siguro ay oras na para sarili mo muna dapat ang isipin mo, kasiyahan mo muna ang piliin mo dahil kusa ko itong ibibigay sa iyo," dagdag pa niya. Tumingala ako sa liwanag nang marinig ang lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko alam pero sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. "Ayoko ng mabuhay dahil natatakot ako sa naghihintay sa akin. Gusto ko na lang manatili dito nakakaitaas," umiiyak na sabi ko. "Bakit ka natatakot? Huwag kang panghinaan ng loob dahil mga kaibigan at pamilya mo ang naghihintay sayo. Ang Mystic World ay wala ng buhay dahil sa pagkawala mo. Ang mga nilalang doon ay nagluluksa at nalulungkot sa pagkawala mo. May hindi tumanggap ng pagkawala mo at ayaw mo naman sigurong sumunod sila sa pagkawala mo, hindi ba? Hindi ka maaaring manatili dito kung ang puso mo ay nasa kanila at ang isip mo ay nagdadalawang isip na manatili dito. Dapat ay magkasama at magkaisa ang puso't isipan mo, Syranah." Hindi ko tatanggihan ang sinasabi ng nakakaitaas. Gusto kong manatili dito pero tama siya, nandoon nga ang puso ko. "Mabubuhay ba akong muli na hindi sila nakakalimutan? Sa pagkakaalala ko ay sinaksak ko mismo ang puso ko kaya patay na ako." Sa pagkakataong ito ay kalmado na ang boses ko at pinahiran ko na rin ang luha ko. "Your sacrifices are enough, Syranah. Walang imposible sa taong may mabuting kalooban," rinig kong sabi ng Liwanag. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tiningnan ang liwanag. "Bilang nakakaitaas sa lahat, ikaw ay pinapayagan ko ng mamuhay at maranasan ang pagiging isang normal na nilalang. Ikaw ay isang Slayer at mawawala lamang iyon kapag nakahanap na ako ng bagong Slayer. Ang kapangyarihan mo ay mananatili sa iyo habambuhay kahit may papalit sa sa'yo. Naniniwala ako na gagamitin mo sa kabutihan ang kapangyarihan mo, manatili kang matatag, Syranah. Gagabayan ka ng puso't isipan mo." Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay naglaho na siya at napalitan na ng kadiliman ang buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD