CJ's POV Kasalukuyan akong nagsusuklay dahil natapos ko na ang aking morning routines nang may tumawag. *Cellphone Rings* 0945******* "Hello??" [Hurry up,I'm waiting..] "Ha?! Sino ka ba?? Isa ka ba sa mga Wonder Pets na pinadala para tulung—— *toot toot toot* Pagkasuklay ko ay sinuot ko na ang aking high socks at black shoes tapos isinakbit ko na ang aking herschel bag na pastel purple and dark purple. Pagbaba ko ng hagdan ay tahimik na ang ground floor meaning wala na si Kuya at Geon! Nagtatakbo ako palabas ng bahay at nadatnan ko ang isang dark violet na sports car sa harap ko. Ganito yung itsura nung kotse... "Tch! Are you going to stand there all day?"sabi niya ng ibinaba niya ang window. "Bakit sa'yo ako sasabay??"tanong ko. "It's my mom's order.."he answered. "Ooookkkeeeyyy.."sabi ko at tamad na sumakay sa front seat. Pagdating namin sa Regal's Parking Lot ay dumiretso na ako sa NR1,yung building kung nasaan ang Science Laboratory,yun kasi ang first subject namin. Pagdating ko sa Science Lab ay halos nag-aaral ang lahat dahil may long test. Kaya naman umupo na ako sa tabi nila Ella at nag-aral din gamit ang aking notes. Alam niyo namang hindi ako nakapag-aral kahit isa dahil pagkagawa ko ng mga homeworks ay tinawag ako ni tita Xiah,pero sana naman kayanin sa stock knowledge ang iba,nag-aadvance reading naman kasi ako pag walang masyadong gagawin. "Okay,Good Morning 10 Honesty! I'll give you thirty seconds to remove the things on your desks and you'll take your long test."sabi ng prof. We put our things inside our bag and after that,our professor distributes the test papers. Mga Little Einsteins!! Tulungan niyo naman ako..wala pa sa one fourth ng lessons ang naaaral ko!! Paganahin niyo ang aking brainnn.. TToTT "Through God's words we gain an understanding that God is the one who gives the gift of knowledge- that is an understanding or awareness of something. The Lord however, grants knowledge to those who have an honest relationship with him. This collection of bible verses give insights to the value of knowledge and the path to gain it. Proverbs 2:6"bulong ko bago ako magsimulang magsagot sa test. Name: ???,???????? ??????? ?. Section: ??????? After almost one hour ng pagsasagot ay natapos ko din,sila Jen kasi ay naunang natapos at halos pagpawisan na ako nung nagsunod sunod ang nagpasa ng paper kay Miss. 85 items 'lang' naman yung long test namin tapos karamihan sa pahuli ay yung puro may mga formulas rin sa pauna naman puro identification,enumeration at problems applying science. "Okay since we still have one hour left let's check your papers,do not check your own.."sabi ni ma'am at ipinamigay ulit ang papers na ni-random. After 1234567891011 milli-seconds ay natapos na ang pagche-check at recording na. Lub dub! Lub dub! Lub dub! "Huy CJ! Namumutla ka! Ayos ka lang?"——Ella. "Huy! Anong nangyayari sayo?"——Jen. "H-huh?? Okay lang ako..hehe.." ^_____^" "Rutherford,Jameson?" "74."score yan hindi percentage ha? Ang taas naman!! Ano kayang akin?? "Okay Girls,Almardi,Quencess?" "80." "Good." Blah Blah Blah "Holdago,Crishia?" "83." Si Leana ata ang highesttttt tapos ako na siguro yung lowessstttt!! "Okay good." Blah Blah Blah Blah "Laurette,Jenna Micaella?" "81." Blah Blah Blah Blah "Yap,Carlizle??" LUB DUB!!! LUB DUB!! LUB DUB!! LUB DUB!!! "Carlizle? Carlizle?? Carlizle??"nage-echo ang mga boses nila sa pandinig ko. Nahihilo ako. All went Black. "CJ!!" Jaxon's POV "Mr.Rutherford,I must say that...."pabitin na sabi ni Miss Salazar,teacher namin sa Values Education. >>____<< "You're improving.." O_____O "Miss!! Miss!! Can I excuse Bench,Kuya Gray and Dashiel??"hinihingal na sabi ni Leana. "Why?"napalingon si Miss. "Emergency po Miss!"sabi ni Leana at lahat kami ay nakatingin sa kaniya lalo na sila Dash na nakatayo na. "Okay go.."kaya naman sumenyas si Leana na bilisan at hinila naman ako ni Bench kaya napasama ako. "Bakit Leana?"—-Gray. "Si CJ kasi kuya nahi—- "Ano???! Anong nangyare??"—-sabay-sabay na tanong nila Gray,Bench at Dash. "Patapusin kasi ako eh no? Nahimatay si CJ at dinala sa Clinic!!"sabi ni Leana at nagtatakbo naman si Gray palayo,papunta ata sa clinic kaya aumunod na lang kami. Nadatnan namin si CJ na nakahiga at tulog habang nagne-nebulizer at si Jameson naman na nakatitig sa kaniya na nasa gilid ng kama at nakaupo sa isang silya. She looks pale. Bigla namang pumasok ang Clinic Nurse kaya si Gray naman ay agad lumapit pati si Jameson at sila Bench pati sila Ella. "She collapsed due to nervousness and too much pressure,maybe it's because of the situation before she collapsed and she has an asthma kaya hindi kinaya at nag-collapsed siya." "Do we need to take her to the hospital?"—-Jameson. "No need naman,I suggest na iuwi na siya pagka gising niya. So maiwan ko na kayo.." "Salamat po."sabi namin in chorus bago lumabas ng pinto yung nurse. "Kinabahan siguro si Carlizle kung ano ang score niya sa long test natin sa Science,I'm sure hindi siya nakapag-aral kagabi."sabi ni Jameson at tumingin pa sa akin nung sinabi niya yung pahuling salita. "Maybe..pero she got a perfect score naman.."—-Leana. "Yeah."——Ella. "She's indeed smart."—-Jameson at Gray. Nagkatinginan pa ang dalawa at napatingin naman kami sa kanila. Nawala ang atensyon namin sa kanila makalipas ang ilang minuto nang nagising na si Jel. "CJ!!!" "Carlizle!!!" Ayon,dinumog na siya ng lahat maliban sakin na nakatingin lang sa kaniya. "Anong nangyari kay Liz?!"napalingon kaming lahat sa humahangos na tao na nasa may pinto.