Chapter V

1030 Words
Jaxon's POV One word to describe my day? Nakakairita! Daig ko pa ang bata dahil lagi akong may bantay! Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung pumasok na ulit siya sa R.U at isang linggo na din akong bantay sarado ng babaeng yun! Daig niya pa ang isang nanay kung manermon eh kahit may pagka-childish meron din pala siyang side na seryoso pero madalas talag ang pagka-childish niya eh. Simula pagkabata gustong-gusto niya talaga ang mga nilalang na sumasakay sa rocket,mga hayop na tumutulong,yung pandak na babaeng naka-full bangs na walang ginawa kung hindi maglayas kasama yung unggoy na kulay purple buti nga hindi niya trip yung Johnny Bravo at Peppa Pig eh. "Alam mo? kung ayaw mong bumuntot ako sayo na para tayong si Dora at boots,magtino ka na agad para naman hindi na kita kailangang bantayan!"sabi ni Jel. Siya nga pala,bata pa lang kami hindi na talaga kami magkasundo,tapos kaya Jel ang tawag ko sa kaniya ay dahil nung bata ako hindi ko kayang banggitin ang pangalan niyang Carlizle kaya sabi ni Tita Gizel ay Jel na lang ang itawag ko para daw maiba naman. Pero pede namang CJ hindi ba? Flashback "Caryizel!"tawag ko. "Car.li.zle. Okay?"sabi niya ng naka-pout. "Caryizel." "Bahala ka nga diyan!"nagtatakbo na siya papasok sa loob. "Jaxon,just call her CJ 'kay?"sabi ni mommy and I just nod. "CJ!!! Ilipat mo nga yung channel! Ang pangit naman niyang pandak na maitim na yan eh." "Don't call me CJ nga! Hindi tayo close okay?" "Mamamatay yang pandak na yan sa ending niyan!"sabi ko at nagtatakbo papunta kila mommy. "Mom,Caryizel don't want me to call her CJ.."sabi ko habang salubong na salubong ang kilay ko. Sila naman nila Tita ay nagtawanan. "Just call her Jel na lang Jaxon!"suggest ni tita Gizel. End of Flashback Simula noon ay Jel na ang tawag ko sa kaniya.Back to reality tayo,kasalukuyang nagtatawanan sila Dash dahil nga hindi ako makapalag kay Jel. Kasi ang panakot niya ay isusumbong niya ako kila Mom and Dad. "Madaming homework at may long tests din bukas kaya pagdating mo sa bahay niyo gawin mo na lahat ng homeworks tapos mag-ar—— "Mag-aral sa mga subjects kung saan may tests,you don't need to tell me every single detail that I need to do. Alam ko naman so please?"I said then I saw how her emotion changed. Tinatanong nuyo ba kung bakit alam niya yung mga gagawin kahit ahead ako sa kaniya ng one year? Sinasabi lang naman nila Gray ang mga gawain at mga gagawin namin sa school. "Don't be too harsh on her dude!"——Gray. "Tch!"singhal ko at sumakay na sa sasakyan ko. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Jaexah na nag-aaral kasama si Geon,kapatid ni Jel. "Iba talaga si ate CJ! seven days na deredretsong maaga umuwi si kuya!"bungad ni Jaexah sakin. "Nasaan si Dad?" "Kasama si kuya Jameson sa backyard,nagba-basketball."sagot niya. Tsss... "Oh Jaxon,you should join your brother and Dad sa backyard."sabi ni Mom na galing sa kitchen. "No thanks,I have lots of homework to do and I also have so many tests to take tomorrow so I need to review." O______O ——-Mom and Jaexah's reaction. "Is that you kuya? May sakit ka ba??"Jaexah curiously asked. "I like that...you're improving son."biglang singit ni Dad na naka basketball jersey at may hawak na bola. Tumango lang ako at umakyat na ng hagdan. Pagdating ko sa kwarto ko ay nagbihis lang ako ng shorts at nag topless lang,nagsimula na akong mag-gawa ng mga homeworks ko para pagkatapos ay magre-review na lang ako. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na ako sa lahat ng homeworks ko maliban na lang sa Values Edu. sabi nila yun ang pinakamadali pero bakit hindi ko masagutan yung mga tanong? *Eecckkk...* Napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Jel. Kaya napataas ang kilay ko. She's wearing a simple black printed shirt na may naka lagay na 'She's Broken' tapos naka cotton pants siya na kulay puti at naka tsinelas na itim. "What are you doin' here?"tanong ko. "Tinawagan ako ni Tita at sinabing tulungan daw kita dahil narinig ka daw ni Jaexah na inis na inis sa Values Edu. Kaya ayun nandito ako nagpahatid pa nga ako kila little einsteins eh!" "Paano mo naman masasagutan 'to eh fourth year Highschool ka pa lang at ahead ako sayo ng one year??" "Alam mo? Yang Values madali lang yan dahil pagiging mabuting tao lang naman ang itinuturo diyan at kung ano-ano pa kaya madali lang yan."sabi niya at lumapit sa akin. Kaya ako naman ay bumangon sa pagkakadapa sa kama at umupo,nanlaki naman ang mata niya at biglang pumikit. "Usong magd-damit!"sabi niya habang nakapikit. So cute. "Okay,okay."naiiling akong kumuha ng sando na kulay grey at isinuot ito tsaka bumalik sa pagkakaupo sa kama. "Dito nga tayo sa desk mo,hindi ka ba nahihirapan magsulat diyan?"sabi niya habang nakapikit pa din. "Usong imulat ang mata,ok na may damit na."sabi ko. Nagsimula na niyang basahin ang mga tanong at isinulat ang kaniyang mga sagot sa isang scratch,tinuro niya rin sakin kung paano iyon masagutan at pakalipas ng halos kalahating oras ay natapos na ang mala nobela niyang pagpapaliwanag kung bakit at paano naging ganoon ang sagot. *Tok!Tok!Tok* "Let's eat dinner! hija,dito ka na rin kumain ng dinner. Don't worry I called your kuya Eion for permission."sabi ni mom kay Jel. ^________^ ——Jel's reaction. "Sige po tita!" "Oh Jaxon,call your brother in his room para kumain."magsasalita pa sana ako para humindi ng lumabas na si mom ng kwarto ko at isinara na ang pinto. I sighed at lumabas na rin ng kwarto,ramdam ko naman na nakasunod lang si Jel sakin. Pagdating ko sa harap ng pinto ni Jameson ay kumatok na ako at binuksan ang pinto tsaka sumilip. Nadatnan ko siyang madaming ginagawa at madaming nakakalat na reviewers mapakama at mapa-desk niya. "Kakain na daw sabi ni mom,anyways Jel is here."sabi ko. "Ahh ok,ang bilis naman matapos ni Carlizle sa mga homeworks at sa mga kailangang review-hin?"sagot niya tapos pabulong na yung iba. Madami pala siyang mga gagawin rin tapos pumayag pa siya kay mom na pumunta dito para lang tulungan ako sa Values Edu? Tch! _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD