"Class dismissed." Lumabas na iyong mga kaklase ko sa room namin, samantalang ako ay nandito pa rin at nakaupo. Lunch na. Tama, lunch na. Gosh... ayos pa ba ako? Madiin akong pumikit at huminga nang malalim. Dalawang beses kong pinisil ang pisngi ko at saka iminulat ang mata ko. Alanganin pa akong ngumiti sa katabi ko dahil parang natakot siya bigla sa kinikilos ko. Ayos pa naman ako pero... mag-uusap si Leigh at Zen ngayong lunch sa rooftop. It made me curious so I wasn't able to focus on the lessons that my professors have discussed. Ano kayang pag-uusapan nila? Tungkol ba sa'kin? Argh! Ang assuming ko naman. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit ako iniwan, e. But back to my curiosity, sobrang-sobrang curious talaga ako sa pag-uusapan nila... I have a feeling na tungkol sa akin 'yon

