"Sweetheart, you look like an idiot. Why are you smiling like that?" Grabe maka-idiot 'tong si Leigh! Porket lamang siya sa'kin ng kaunting basa sa History? Pero teka, nakangiti ba ako? Kinapa ko ang labi ko at napagtantong nakangiti nga ako. Humarap ako sa kanya at mas nilakihan ang ngiti ko. Kumunot ang noo nito na tinawanan ko lang. "Sino bang hindi sasaya, e, sembreak na." Nakangising aniko. "At bukas, pupunta na tayong resort namin!" Tinaas ko iyong kamay ko na parang nasa roller coaster lang. Sumayaw-sayaw pa ako at pumalakpak. Sa wakas, makakatakas din ng isang linggo sa Math! Ito talaga ang munting kasiyahan naming mga tamad. June pa lang hinihintay ko na 'to. Syempre, bukod kay Leigh. Pero sabi nga nila, the long wait is over! Malakas akong tumawa dahilan para mapaismid na lan

