Chapter 2

2035 Words
Habang pauwi na kami sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang ngumiti mag-isa na parang ewan. Mukhang nagtataka na nga si Manong sa akin pero wala muna akong paki, basta para sa akin, itong araw na 'to ay ginawa para sa'kin. Sobrang saya lang na wala nang makakasira ng araw na 'to. Sana lang ay 'wag kong makita ang Kuya ko. Paglabas ko ng kotse ay dama ko agad ang sariwang hangin sa bakuran namin. Well, lagi namang ganito pero ngayon ko mas na-appreciate. Mas gumanda ang ambiance ng araw ko dahil dito. What a day nga naman. Pagpasok ko sa bahay ay hinanap agad ng dalawa kong mata si Mom at Dad. Nakita ko naman sila sa living room na nanonood ng movie. Nakangiti akong lumapit sa kanila at nagmano. "Hi, Mommy. Hi, Daddy." Masigla ang pagkakabati ko sa kanila, mukhang nahalata na rin nila na maganda ang araw ko dahil sa positibong awra na bumabalot sa akin. Ikaw ba naman ang pansinin ng crush mo? Hindi na rin ako naging malungkot na bumaba ang grades ko. Actually, ito ang naging daan para makasama at makatabi ko ng ganoon malapit si Leigh kaya naman hindi ko ramdam na bumaba ang grades ko. Well, sabi nga nila ay everything happens for a reason – wait, tama pa ba ang sinasabi ko?  "Hey, baby, how was school?" Binaba ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa may kusina para kumuha ng meryenda. Gumawa ako ng sandwich at kumuha ng juice sa ref. This day is so refreshing. I guess, today isn't really my unlucky day. Hindi na rin ako nagtanim ng sama ng loob kay Prof at in fairness, parang tinulungan pa ako nito na mapalapit kay Leigh. I wonder kung alam nito na crush ko ang favorite niyang student? "Okay lang Dad. Like the old times, you know," isang pader lang ang pagitan ng living room at kitchen kaya kaunting sigawan lang at nagkakarinigan kami. Si Dad ay parang isang newscaster. Malaki na ako pero hindi niya pa ring maiwasan na tanungin ako sa mga nangyari sa buong araw ko. Nang masiyahan na ako sa kinuha ko, bumalik na ulit ako sa may living room at tumabi sa sofa kila Mom. Inalok ko sila pero tumanggi naman sila. "Like the old times? You sure? I heard you have a tutor." Mom said as she turned her eyes to me. Nakaakbay si Dad kay Mom kaya pati si Dad ay tumingin din sa akin. Parang dito na mag-uumpisa ang interview. Well, hindi naman newscaster si Mom pero minsan ay talagang nakikichismis din si Mom sa buhay ko. "Mom, ngayon lang naman iyon at saka para rin madagdagan iyong knowledge ko." Palusot ko at sumubo ng sandwich. Tiningnan ko sila Mom at Dad habang nginunguya ang sandwich. Sana naman hindi na sila magtanong. Napansin ko ring wala pa rito si Kuya, buti naman. Wala pang bahid na masisira ang araw ko. "Okay, if that's what you want then fine. But make sure na may matututunan ka talaga." I smirked as I nodded. Syempre, sisiguraduhin ko na may matututunan ako kay Leigh dahil kung wala ay nakakahiya naman 'yon, 'di ba? Saka mas madaling makinig kapag gusto mo 'yong nagtuturo sa'yo, medyo nakakadistract ang gwapo niyang mukha at hot na boses pero dahil dito ay mas namomotivate akong matuto. Isa pa, kailangan ko talagang makinig dahil kung sakaling bigyan ako ng test ni Prof at ibagsak ko na naman iyon, baka maturn off pa sa akin si Leigh. Maganda ako pero naniniwala rin ako na hindi lang ganda dapat ang laging pinapairal. "Of course, Mom. Magaling yata ang tutor ko." I said, wearing my beautiful smile. The best tutor ever. Hindi na rin pala masama ang maging bobo. "Who's that? Girl or boy?" Dad curiously asked. Nahinto ako sa pagkain ng sandwich at ibinaba ito sa pinggan. Dapat ko bang sabihin sa kanila? Dapat naman nilang malaman pero knowing Dad, tiyak na aangal siya kapag nalaman na lalaki ang tutor ko. Si Mom, sure ako na support 'yon. Strict kasi si Dad pagdating sa ganitong love life kahit na maaga rin namang lumandi si Dad. Kaso mukhang hinihintay talaga nila ang sagot ko. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko, 'di ba? "Hmm... boy. Si Leigh po." Humarap agad sa akin si mommy. Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin. "Leigh? 'Yong crush mo since grade 3 ka?" Nakalimutan kong alam nga pala lahat ni Mom ng crushes ko. Open kasi ako pagdating sa ganito pero hindi kay Dad. Aware naman ako sa study ko at kailangan kong unahin 'yon pero kahit ipaliwanag ko kay Dad iyon, hindi pa rin siya pumapayag na magboyfriend ako, though, wala naman talaga akong balak magboyfriend dahil si Leigh lang naman ang hinihintay ko. Kung hindi lang din naman si Leigh ang makakatuluyan ko, mabuti na lang din na 'wag na. Alam kong sa ngayon ay hindi pa siya in love sa akin pero darating ang panahon na hahabulin niya rin ako – syempre, hihintayin ko siya. Marupok ako sa kanya, e. Dahan-dahan akong tumango sa sinabi ni Mom. "Opo," mahina kong tugon. "Wow! Ang galing naman. Mukhang meant to be talaga kayo, ah." Komento ni Mom habang magkadikit ang dalawa niyang palad. Expected ko na 'yang reaction ni Mom at expected na rin naman ang kay Dad. Masama ang tingin nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Si Dad talaga, kailangan niya kaya babawasan ang pagkastrict niya sa amin – I mean, sa akin. Hindi naman kasi siya strict kay Daen dahil lalaki raw ito. That's unfair, right? "Are you sure na may matututunan ka? Baka magboyfriend ka agad?" Pang-uusig ni Dad at tinaasan ako ng kilay. Napakamot na lang ako sa batok ko at hindi malaman kung paano ko idedepensa ang sarili ko. "Ano ka ba, Sean! E, no'ng tayo nga grade 10, may punishment ka pang nalalaman." Saway ni Mom kay Dad. Mukhang nakakuha ako ng magandang lawyer at walang panlaban si Dad dito. "Pero, Dainty ko, iba iyong–" bago pa matapos ni Dad ang sasabihin niya ay pinukol na siya ni Mom ng masamang tingin nito. "Nako, Sean! Malaki na iyong baby natin kaya hayaan mo na siyang magdesisyon para sa sarili niya," mahinahon pero halatang may threat sa salita ni Mom. Wala, e, under talaga ni Mom si Dad lalo na kapag nagalit ito. "But Dainty ko–!" "Sean!" Ayan na, sumigaw na si Mom. First warning na iyan bago magsimula ang war. "Fine." Finally, Dad already gave up. Mahina na lang akong natawa at hinawakan ang strap ng bag ko. Kailangan ko na sigurong umakyat at magpahinga bago pa ako madamay rito. "Mom, aakyat na po ako sa kwarto ko." Paalam ko sa kanila na tinanguan ni Mom. "Okay, baby. Ako na ang bahala sa Daddy mo." I chuckled as I looked at Dad. "Bye, Dad. Good luck!" Kinindatan ko si Dad bago tuluyang tumakbo pataas. "Baby! Tulungan mo ako sa Mom mo!" Rinig kong pakiusap ni Dad pero napangiti na lang ako. Sorry, Dad pero kailangan muna kitang ipaubaya kay Mom. Sabi nga ni Post Malone, there's no way I can save you 'cause I need to be saved, too. Mamaya naman ay tiyak na bati na sila. "Sean!" Natawa na lang ako. Pero bago ako tuluyang makaakyat ay humakbang ako paatras ng hagdan at ipinihit ang ulo ko sa gawi nila. "Mom, nasaan nga pala si Kuya?" Tumingin sa akin si Mom at umiling. "Hindi pa dumarating, baka naghahanap pa ng babae!" Sigaw ni Mom na tinanguan ko na lang. Buti at wala pa si Kuya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinarado ko rin agad pagpasok ko. Nagpalit ako ng damit at pabagsak na humiga sa kama. Nakakapagod din ang araw na 'to. May mga hindi magagandang nangyari pero over all ay okay naman. Si Kuya, wala pa. I wonder kung nasaan na naman ang playboy na iyon. Hindi lang basta playboy iyon kundi certified talaga. Kung pwede niya lang jowain lahat ng babae sa mundo ay gagawin niya. Pero kahit papaano naman ay may taste pa rin siya, hindi naman basta-basta nagdadala ng babae iyon dito na kung saan lang mapupulot. Good luck na lang sa kanya kapag nakarma siya dahil ganoon daw 'yon, 'di ba? 'Wag lang sana sa akin mapunta ang karma niya kung hindi tatanggalan ko talaga siya ng dalawang paa para hindi siya makaalis dito sa bahay. Pero, pero, pero... mukha namang hindi sa akin napunta ang karma dahil kanina lang ay napansin na ako ni Leigh. Tingin ko rito na magsisimula ang love story namin. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Siguro kailangan ko munang matulog para hindi mastress ang beauty ko. Yeah, that's right. "Hoy, Coleen!" Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya unti-unti akong dumilat, hindi pa man ako tuluyang nakakakita ay naaaninag ko na ang panget na mukha ni Daen. "Ano ba? Natutulog pa kaya ako!" Reklamo ko kasabay ng paghikab. Tumayo ito at lumayo sa akin. "Kakain na raw sabi ni Mom! Pasalamat ka nga at ginising pa kita," sabi nito at umalis na. Anong ibig niyang sabihin? Na may utang na loob ako sa kanya? Pero, teka. Kakain na raw? Tama ba ang rinig ko? Bumaba agad ako ng kwarto para i-confirm kung nagsasabi ba ng totoo 'yong tuko na iyon. Nang makita kong nakahanda na ang mga pagkain sa mesa ay agad na nagningning ang mga mata ko. Well, alam ko namang may natitira pa talagang kabutihan sa puso ni Daen. Hobby ko ang pagkain at specialty ko 'to. Dito nga lang yata ako magaling pero at least, may talent, 'di ba? At isa pa, hindi ako tumataba kahit na marami ako kumain dahil mabilis ang metabolism ko kaya enjoy na enjoy talaga. "Hinay-hinay nga sa pagkain, baboy. Nakakawalang gana ka tingnan, e." Tiningnan ko ng masama si Daen "Tanggalin mo 'yang mata mo kung ayaw mo akong makita, duh!" Mataray na sabi ko rito at tumawa. "Oh, tama na iyan. Daen at Coleen, tumahimik na kayo. Kumakain tayo." Inirapan ko lang si kuya at bumalik na ulit sa pagkain. Ang Kuya ko talaga ang mortal enemy ko. Kahit anong gawin namin, sadyang hindi talaga kami maging close. Palibhasa, lahat ng bagay na gusto ko ay ayaw niya at lahat naman ng ayaw ko ay gusto niya. Hindi talaga kami compatible na magsama. Sasabog lang 'yong bahay sa'min. Pagkatapos kumain nagpaalam na ako kay Dad at Mom na aakyat na ako sa kwarto ko, naggood night na rin ako sa kanila. Hindi pa naman ako matutulog, naggood night lang ako para mamaya hindi na ako pupunta sa kwarto nila. Mamaya nito ay may makita pa akong rated 18. Mabuti ng safe. Nilock ko ang kwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko ang laptop at naglog in sa f*******:. Tiningnan ko muna kung may important messages ba pero katulad ng dati, mga makukulit na lalaki lang na nanliligaw. Hindi naman pwede dahil bukod sa kay Leigh lang ako, ayaw talaga ni Dad. As in. Dati may ilang mga naglakas loob na subukan kaso pinahabol ni Dad sa aso. Nagpunta na lang ako sa news feed ko at nagscroll down para magreact sa mga post ng friends ko. Iyong iba ay nilalagpasan ko lang kapag hindi ko close. Puro pagkain naman ang nakikita ko dahil marami akong page na nila-like na tungkol sa food o kaya ay mga restaurant. Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong mahalagang post na nalagpasan ko kaya bumalik ako. Si Mae 'to. Nagpalit siya ng profile picture. Hindi kami masyadong close ni Mae pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Teka, may kasama si Mae dito sa picture. Napakagat ako sa labi ko nang makita si Leigh na nakaakbay. Edit? Is this edited? Shit, calm down. Kailangan pa niya nakasama ang soon to be fiancée ko? Wala akong natatandaan na nagpaalam siya sa akin para magpapicture kay Leigh! Ikinalma ko ang sarili ko at binasa ang caption na mas lalong nagpakunot ng noo ko. "Picture with my boyfriend, I love you, hubby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD