Mga 20 minutes lang din siguro ay nakarating na kami rito sa sinasabi niyang park.
Ramdam na ramdam ko agad sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin. Lagi ba siyang nagpupunta rito? Sabagay, sa ugali ni Leigh ay mukhang tambayan niya ito. Malalaking puno, mga bulaklak, sariwang hangin.
Hindi ako madalas sa mga park dahil hindi ko namang nakasanayan ang pagpunta sa mga ganitong lugar. Though, minsan ay dinadala kami rito ni Mommy pero bihira lang din, actually, ang 10th birthday ko ay ginawang sa isang park.
Hinubad ko na ang helmet at binigay sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at hilahin ulit. Trip niya ba ang kamay ko? Pumunta kami roon sa may swing at umupo, roon ako sa isa at siya naman sa isa.
Semiplayground ba ang park na ito? Para rin siyang playground. May ilang mga structure kasi rito na ginagamit para gawing laruan ng bata. May ilang mga bata rin dito pero ang iba naman ay mga namamasyal lang na nag-iikot-ikot.
"Oy, bata, bakit mag-isa ka lang diyan?" Napatingin ako sa batang lalaki na tumawag sa akin. Tiningnan ko siya ng masama hindi dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kundi hindi ko gusto ang pagmumukha niya.
"E, ano naman sa'yo! Do'n ka na nga!" Sigaw ko sa mukha nito. Bakit niya ba ako pinapakialaman? Nagagandahan siguro siya sa akin!
Tiningnan niya rin ako ng masama dahilan para magulat ako. Hindi niya rin ba gusto ang mukha ko? Sabi kaya ni Mommy ay ang cute-cute ko! "Sungit!" Singhal nito sa akin.
Humangin nang malakas at agad na nilipad nito ang ilang hibla ng buhok ko. Inipon ko 'to at inipit sa likod ng tainga ko.
Napangiti ako nang maalala ko iyon. Bata pa lang ako, masungit na ako sa iba kaya wala akong nakakaclose. Kahit no'ng una nga ay inaway ko rin si Elise pero lagi niya akong kinukulit tapos kinukuha niya pa 'yong mga manika ko ng walang paalam.
Habang matagal din naman, naging mas mature ako – well, sabihin nating mas mature sa kung ano ako rati – mas nakilala ko si Elise at naisip ko rin na hindi naman sigurong masama na magkaroon ng kaibigan.
Iyong batang lalaki na naalala ko kanina, hindi ko na siya maalala kung sino siya. Siya iyong kauna-unahang batang lumapit sa akin sa pagkakaalala ko. Pati pangalan niya, hindi ko na rin matandaan. Basta ang alam ko, umalis na siya. Malay ko ba kung namatay na 'yon pero sana ay hindi na ganoon ang pagmumukha niya kung nasaan man siya ngayon.
Nakarinig ako ng bell ng ice cream. Ito na siguro iyong sinasabing ice cream ni Leigh. Napansin kong tumayo si Leigh mula sa swing at lumapit doon sa may nagtitinda ng ice cream. Maya-maya lang, bumalik na siya na may dalang dalawang chocolate ice cream na may malalaking cone, binigay niya sa akin iyong isa.
Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba pero ang sama ko naman siguro kung itu-turn down ko siya, 'di ba? Saka, to think of it... hindi ba parang nagde-date kami? Shems. Go back to your mind, Coleen! Hindi ito ang oras para roon. Mukhang nandito lang naman kami para ipatikim niya sa akin iyong ice cream.
"Thank you," bahagya akong ngumiti nang kinuha ko ito sa kamay niya.
See? As my tutor lang din kaya niya 'to ginagawa. Siguro, price sa pakikinig ko ng mabuti.
May girlfriend na rin naman siya.
"Welcome." Biglang umihip nang malakas 'yong hangin kaya napapikit ako. Pagkadilat ko, nakita ko si Leigh na nakatingin– nakatitig sa akin pero agad niya ring iniwas no'ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Anong iniisip niya?
Kinain lang namin iyong ice cream hanggang sa maubos. Tiningnan ko iyong relo ko, 5:20pm na pala, palubog na rin ang araw. Ang swerte ko lang na nakita ko 'tong magandang sunset na 'to kasama si Leigh. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ito.
Kung hindi ko lang siguro nalaman na sila na ni Mae, tiyak ngayon pa lang ay gumawa na ako ng moves para magkalapit kami. Tamang timing 'to dahil wala kaming ibang kakikala rito na pwedeng umepal.
"Coleen." Aaminin ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama ko ng ganito si Leigh. Parang kahapon lang, nakatingin lang ako sa kanya. Pero iba na rin naman ngayon, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako titingin ulit sa kanya tulad ng dati.
Humarap ako sa kanya. "Ano iyon?" Nagulat ako sa unti-unti niyang pag-ngiti. s**t. Ang tagal ko nang hindi nakita iyang ngiti na iyan. 'Yong isa sa mga dahilan kung bakit ko siya mas nagustuhan.
"Thank you," his gratitude was evident on his face but the voice was cold.
"For what?" Takang tanong ko. Totoo bang nagte-thank you siya sa akin? How come?
"Sa pagsama sa akin dito." E? Seryoso siya? Kahit naman yata sino sasama sa kanya para pumunta rito, lalo na't nanlibre pa siya ng ice cream.
"Iyon lang ba? Wala 'yon, 'to naman." Sabi ko at tumawa. Muntanga lang, e, 'no? Bigla siyang tumayo sa may swing at dire-diretsong lumapit sa akin, natulala ako nang bigla niya akong yakapin.
What? What?!
Anong mayroon? Siya ba talaga si Leigh na cold at laging masungit? Nakulam ba 'to?
Napalunok ako, s**t. Para akong natuod dito na uod. Ano bang nangyayari?
Kumalas sa pagkakayakap si Leigh at humarap sa akin. "Thank you for making me happy today." Woah, woah. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari pero isa lang ang alam ko – masaya ako dahil napasaya ko siya.
"May problema ka ba?" Nag-aalala kong tanong.
Tanginis. Bakit naman ngayon pa siya naging ganito kung kailan may girlfriend na siya at kailangan ko na siyang kalimutan? It's unfair! I hate it.
"Wala." Sabi niya at ngumiti ng tipid. Alanganing tumango na lang ako.
Seriously, naco-conscious na ako kung paano siya ngumiti. It's just that he's so adorable and s**t, I can't help it but to stare at him.
Ilang minuto pa at inaya niya na ako na umuwi na, sinabi niya rin na ihahatid niya na ako. Sumakay na ulit kami sa motor niya at ilang minuto lang ay nasa bahay na kami.
Hinubad ko iyong helmet at binigay sa kanya. Ngumiti ako. "Thank you, Leigh." I'm so happy, truly happy.
"Always welcome." Tinabi niya iyong helmet at tumingin sa akin. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong, hindi pa kasi ako umaalis.
"Can I ask you?" Pansin kong nagtataka siya pero tumango na lang siya. Huminga ako ng malalim.
Wala naman sigurong masama kung tatanungin ko siya about kay Mae, 'di ba? Hindi naman sa chismosa ako pero... argh! Nalilito na kasi ako.
"Girlfriend mo ba talaga si Mae?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Hindi naman sa hindi ako naniniwala kay Mae pero mainam na rin na sigurado.
"Nope." Nanlaki iyong mata ko sa sinabi niya. Hindi niya girlfriend? Bakit siya nakaakbay sa picture? Pinagloloko yata ako nitong si Leigh, e. "Mae is my sister. See you tomorrow," he leaned forward and kissed me on my forehead.
What the heck! Tuloy-tuloy ang pagkabog ng dibdib ko at halos maubusan ako ng oxygen sa katawan. Ano... ano bang nangyayari, ha? Totoo ba 'to at hindi ako nananaginip?
Umalis na si Leigh. Samantalang ako ay naiwang tulala.
It's just too good to be true.
Nagulat ako nang may bumatok sa akin. "Aray!" Ang sakit mambatok, ah. Hinimas-himas ko iyong ulo ko.
Ang sakit.
Hinarap ko ang nambatok sa akin at nakita ko si Daen. Sinamaan ko siya ng tingin. Epal talaga 'tong lalaking 'to. Sisipain ko talaga ito kung hindi ko lang kapatid 'to, e. Hinihintay ko na lang talaga ang confirmation ni Mommy na ampon 'tong si Daen, e.
"Makabatok ka, ha!" Inis na singhal ko sa kanya.
"Tss. May pahalik-halik pa sa noo. Mae is my sister. See you tomorrow," he said, mimicking Leigh. Inirapan ko siya at iniwanan mag-isa roon.
Ang ganda-ganda ng mood tapos sisirain niya na naman.
Pagdating ko sa living room, nakita ko sila Mom at Dad. Nagmano agad ako at humalik sa pisngi nila.
"Hey, baby." Mukhang bati sila ni Mom ngayon, ah.
"Hey, dad." I winked as usual. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa.
"Kamusta ang date niyo ni Leigh?" Mom asked, teasing me. Gulat kong tiningnan si Mom. Paano niya nalaman? Sinabi siguro ng bwisit na Daen na 'yon.
"Mom, hindi kami nagdate. It's just..." I trailed off. Ano nga ba? A friendly date?
"Just?" Tumaas ang kilay ni Dad.
"Just flirting at each other?" Napanguso ako ng biglang dumating si Daen, napakapakialamero talaga.
"Daen, shut up!" Sita sa kanya ni Mom. Tiningnan ko si kuya ng nang-aasar na tingin at pasimpleng dinilaan. He just rolled his eyes.
"So, ano ng nangyari, baby?" Ngumiti ako kay Mom.
"Uh... ano po, kanina, niyakap niya ako at hinalikan sa may noo." Nahihiya kong saad, biglang humagikgik si Mom na parang kinikilig. Expected na 'yang reaction ni Mom.
"Baby?!" Tiningnan ko si dad. Syempre expected na rin ang reaction ni Dad.
"Why po?" Kunyari ay hindi ko alam kung bakit siya sumigaw.
"Bakit ka agad nagpahalik sa noo?" Pinalo ni Mom si Dad nang mahina sa braso.
"Sweet gesture lang iyon!" Pagtatanggol sa akin ni Mom.
"Tss. Dapat nagpakipot ka pa!" Singit ni Daen na sinang-ayunan naman ni Dad. Nakipagtalo naman si Mom sa kanila, napailing na lang ako sa kanila.
"Leigh iyong pangalan noon, 'di ba?" Tanong ni Dad na tinanguan ko.
"Ipakita mo iyon rito bukas." Seryosong dagdag ni dad. Hindi maiwasang lumaki ng mata ko dahil sa sinabi na iyon ni Dad.
"Dad?" Tiningnan ko si Dad at bahagyang itinagilid ang ulo ko para i-confirm kung seryoso ba siya.
"I'm serious, baby." Napapikit na lang ako ng madiin.
It's a mess again!