"THIS is the day, Charlton. Be brave and show the world who you really are." Usal niya habang nakatitig sa harap ng malaking salamin. Kung kahapon sobrang lakas ng ulan ngayon naman ay sobrang ganda ng sikat ng araw. "Ipakita mo sa kanya na kaya mo ng mabuhay mag-isa, na hindi na ikaw 'yung babaeng walang alam sa mundo at mahina. Fight Charlton, fight!” Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago lumabas ng kanyang silid. Six in the morning pa lang pero kailangan niyang agahan ang pagpunta sa airport para mas maisagawa nila ang plano. "How do I look?" Tanong niya kay McLaren na busy sa harap ng halos limang flat screen TV sa harap nito. "You look perfect, feeling ko nga bumalik na ang dating Charlton pero alam naman natin pareho na hindi talaga." "Yeah, I need to act like this para

