CHAPTER 3

2186 Words
“CHARLTON!" Nagmulat siya ng mata nang marinig ang matinis na boses na tumawag sa pangalan niya. Napahaba yata ang tulog niya, hindi niya tuloy na-enjoy ang road trip pero she will make sure na maeenjoy niya ang nagkikislapan na buhangin at asul na asul na dagat na natatanaw niya. “Saleen, ang ingay mo naman." Reklamo niya habang pupungas-pungas. Hihikab pa sana siya kaya lang parang nakaramdam siya ng hiya nang makita niyang nakatitig sa kanya si Ryxer. Ito kasi ang kasama nila ni Saleen sa sasakyan, ito ang driver nila at kasalukuyan siyang nakaupo sa backseat. Gusto niya sana ang kuya Cassidy niya ang kasama niya sa sasakyan kaso nagpalabunutan sila at ang pangalan nilang tatlo ang nabunot nila kaya sila ang magkakasama ngayon. So wala siyang choice kundi makasama ang maingay na si Saleen at ang lalaking sana ay balak niyang iwasan kaya lang hindi nangyari, pinaglapit pa talaga sila. "May problema ba, Ryxer? Kanina ka pa nakatingin sa’kin hindi naman ako 'yung maingay." Umiling lang ito at lumabas na ng sasakyan, maya-maya lang ay may nagbukas na rin ng pinto sa gilid niya. "Thanks, pakidala na lang 'yung mga gamit ko sa loob ha?” Tumango lang ito. Siya naman ay nagtatakbo na kasabay ng mga kaibigan niya. "Charlton tara dito." Tawag sa kanya ni Liberty na nasa dalampasigan at kinakanaw ang tubig doon. Nakabihis na ito ng panligo samantalang siya ay hindi pa. She’s still wearing a floral dress above her knees and flat beige sandals. "Bakit ang bilis mo naman magbihis? Kararating lang natin ah,” "Kanina pa kaya tayo dito, kagigising mo lang kasi kaya akala mo kararating lang natin." "Ibig sabihin hindi nila ako ginising?" "Ayaw kang ipagising ni kuya Ryxer kanina kasi baka napagod ka raw sa byahe, kaya lang hindi na napigilan ni Saleen ang sarili niya kaya ginising ka na.” Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy na sa paglalaro ng tubig sa paa nito. "O-okay magbibihis lang ako." "Sa second floor ang room natin Charlton nandoon na rin ang mga gamit mo, dinala ni kuya kanina pagdating natin.” Napaisip lang siya saglit tapos ay pumasok na sa isang bahay bakasyunan. Tinakpan niya ang kanyang mata ng makitang naka-topless ang kuya Cassidy niya, si Aeon at Ether pati na rin si Ryxer. Makakasalubong niya ito sa pinto, palabas na ang mga ito. “Kuya, bilis alis na kayo! Magkakasala ang mata ko sa inyo.” Nanatili lang siyang nakapikit at nakatakip ang dalawang palad sa mata niya. "Hindi ka ba nagagandahan sa katawan namin Charlton? Hindi mo ba alam na madami na ang naglaway sa mga abs at…” "Shut up Ether." Putol ng isang boses sa sinasabi ni Von Ether. "Alis na kayo." Sabi nya na lang. Hanggang sa naramdaman niya na may dumadaan na sa magkabilang gilid niya at ingat na ingat na hindi siya masagi. Tinanggal niya ang dalawang palad sa mata niya nang masiguradong hindi na magkakasala ang mata. Ilalabas niya na sana ang hangin na kanina niya pa pinipigil sa loob ng katawan niya nang makakita na naman ng tatlong babae na pababa sa hagdan. Agad siyang nagtakip ulit ng mata dahil naka two piece ang mga ito. "Charlton nakakainsulto ka na ha! Hindi mo man lang ba susulyapan ang sexy body namin?" Kay Stella ang boses na iyon. Umiling-iling siya bilang sagot. "Ayoko ate Stella, labas na kayo kasi sila kuya nasa labas na, nakahubad din." "Talaga nakahubad ang kuya mo?" Tila namamanghang tanong sa kanya nito. Charlton nod her head. "Sige lalabas na rin ako, gusto ko na rin kasing magswimming." "Ang sabihin mo gusto mo lang pagpantasyahan si Cassidy." Boses naman iyon ni Lexus. "Grabe ka naman sakin Lexy, gano'n na ba talaga ako ka-obvious?” "May crush ka ba sa kuya ko, ate Stella? Sige sasabihin ko sa kanya para alam niya." Bigla na lang siya nitong niyakap at pilit tinatanggal ang kamay niya sa mukha niya kaya tuloy napilitan siyang alisin iyon pero sa ibang dereksyon tumingin. "Listen baby Charlton, huwag mong sasabihin sa kuya mo na crush ko siya, okay?" "Bakit?" "Kasi baka ligawan niya ako, hindi pa ako pwede mag boyfriend sabi ng daddy ko.” Ang daddy ni Stella ay isang gwapong doctor. "Wow ha, do you really think na liligawan ka ni Cassidy?" Maagap na kontra ni Lexus na inirapan lang ni Stella Venisse. "Okay behave lang ako." Aniya. "Saleen let's go." Aya ni Stella kay Saleen na kaya pala tahimik dahil nagseselfie ito. "Wait a minute bago tayo lumabas,” Lumapit ito sa kanila at itinaas ang iPhone nito sa tapat nila. Pilit lang siyang ngumiti dahil feeling niya naiipit siya ng tatlong magandang babae na kasama niya. Lumabas na ang mga ito at siya naman ay hinanap na ang silid nila ni Liberty para makapagpalit na siya ng pang swimming, hindi two piece ang susuotin niya kasi hindi naman siya nagsusuot ng mga revealing na damit. Hindi naman sa hindi maganda ang katawan niya, nahihiya lang talaga siyang ilantad ang katawan. ‘Yung mga kababata niya ay sanay magsuot ng mga sexy na damit pero sila ni Liberty ay hindi dahil mahigpit ang mga kuya nila. Binuksan niya ang bag niya at kumuha ng isusuo. Gusto niya sanang spagetti strap sando ang ipapampalit kaya lang puro blouse ang nasa bag niya. She picked a color yellow blouse and summer shorts at nagpalit na. Itinali niya rin ang buhok at naglagay ng sunblock sa buo niyang katawan bago lumabas. Umupo muna siya sa cottage habang tinatanaw ang mga kaibigan na nagbabasaan ng tubig samantalang basang-basa naman ang mga ito dahil mga nakalublob na sa dagat. “Eat,” Napapitlag siya nang biglang sumulpot sa gilid niya si Ryxer, he's wearing a printed sando and summer shorts. Hindi na ito naka topless kaya hindi na siya magtatakip ng mata. Tinignan niya ang pagkain na inilapag nito sa lamesa. "Sabayan mo ako Ryxer, I don't eat alone.” Umupo naman ito at nagsalo sila sa dinala nitong pagkain. "Bakit hindi ka pa naliligo?" "Sabay na lang tayo, Charlton.” "Ha? Ayoko!” Niyakap niya ang kanyang sarili. "Si Liberty na lang ang kasabay ko.” Puro girls lang dapat ang kasabay niyang maligo. “Okay,” Tinitigan niya muna ito. Napapansin niya kasi na kanina pa ito tahimik, hindi niya naman alam kung bakit. "Pupuntahan ko lang si Liberty.” Tumayo siya at iniwan na ito do'n. Naglakad siya sa gawi ng mga kaibigan kaya nang makita siya ay agad siyang binasa ng mga ito. "Charlton, dito na lang tayo gumagawa ako ng castle!” Tawag sa kanya ng bff niya sa lahat. Nakaupo na ito sa buhanginan at naghuhukay na ng buhangin. Lumangoy muna siya ng ilan beses para tuluyan ng mabasa ang buo niyang katawan bago muling umahon. "Gagawa ako ng sariling castle ko." Aniya at sumalampak na rin sa tabi ni Liberty. Hindi pa nila nabubuo ang castle nang tamaan ng bola ang ginagawa niya kaya naman gumuho iyon. Inis na nag-angat siya ng tingin at hinanap kung saan galing ang bola na ‘yon! "Sorry miss,” Hingi ng paumanhin sa kanya ng lalaking halos kaedaran lang rin ng kuya niya. "It's okay, pwede naman akong gumawa ulit.” Ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kanya. "I'll help you build a castle." The boy said, there’s a cute smile on his lips. "That's great!” Bulalas niya at muling humawak ng mga buhangin habang ang lalaki ay nakaupo na rin hindi kalapitan sa kanya. Napapansin niyang pasulyap-sulyap ito sa kanya at binalewala niya lang iyon dahil naka focus siya sa ginagawa. “Ano'ng pangalan mo?" Maya-maya ay tanong nito. “Charl—Charee." She bit her tongue for telling lies. Ang sabi kasi sa kanya ng magulang niya ay huwag sasabihin ang pangalan niya sa mga taong hindi niya kilala, for her safety. Tumango-tango lang ito at mamaya-maya pa ay may humila na sa kanya patayo at nang tignan niya ang salarin ay ang madilim na mukha ni Ryxer ang sumalubong sa kanya. Ang liwaliwanag ng sikat ng araw pero hindi no'n tinalo ang dilim ng mukha ng binata. Mahigpit ang hawak sa palapulsuhan niya ni Ryxer habang masama ang pagkakatingin sa lalaki. "Bakit ba? Tapos na akong kumain, Ryxer.” Iniisip niyang baka nagagalit ito kasi hindi naman niya inubos 'yung binigay nitong pagkain at nilayasan niya ito bigla kanina. Naguguluhan na tuloy siya sa bipolar na lalaking ito! Hinubad nito ang suot na sando at walang sabi-sabi na isinuot sa kanya. Kumibot-kibot naman ang labi niya nang hindi pa rin ito nagsasalita at ang matindi pa do'n ay hinatak siya palayo sa lalaki. "Ano bang problema mo, Ry?” He's getting in to her nerves! Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya mukhang maiinis kay Ryxer. "Change your clothes Charlton, masyadong manipis ang damit mo at kanina ka pa tinitignan ng lalaking ‘yon." Sinilip niya ang kanyang damit sa nakapatong na sando ni Ryxer. Napapalatak siya nang makitang bakat na pala ang suot niyang brassier. Kaya ba ito naiinis? Okay naiintindihan niya na. Kaya lang bakit siya lang ang pinagpapalit nito ng damit? Samantalang ang mga kaibigan nilang kapwa niya babae ay naka two piece pero tila wala naman pakialam si Ryxer sa mga ito. Hinanap ng mata niya si Liberty, naka long sleeve na ito na mukhang long sleeve pa ni Ryxer dahil lagpas sa tuhod nito ang damit na iyon. Kanina kasi naka spaghetti strap sando ito at maiksing shorts. Siguro ay pinagpalit din ni Ryxer ng damit. Sigurado! “Okay, hindi ko naman kasi napansin.” She heard him muttered something and its hard for her to understand it. Nilayasan niya ulit ito at pumasok sa bahay bakasyunan. Naligo muna siya at nagsuot ng damit na medyo presentable na tignan. Palabas na siya ng kwarto ng saktong nasa tapat ng pinto si Ryxer at marahan siyang itinulak papasok. Nakatitig lang ito sa kanya, hindi niya mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito. "Ryxer, may sasabihin ka ba? Lalabas na kasi ako at hindi dapat tayo nagsasama sa isang kwarto." Lumapit nang lumapit ito sa kanya. "B-bakit?" Now she's stuttering. "Give me a kiss.” Iyon lang pala. She tiptoed and give him a kiss on the cheek. "Okay na? Let's go.” Hinawakan niya ang kamay nito at hinatak palabas kaya lang ay pinigilan siya nito at hinapit ang bewang niya palapit. Sana hindi naririnig ng binata ang biglang paglakas ng t***k ng puso niya sa paglalapit ng katawan at mukha nila. "I already kiss you." Pagpapaalala niya. "There are different kind of kiss, sweetie." "Really? What is it?" She asked innocently. “This." Dinampi nito ang labi sa labi niya dahilan kung bakit bahagya niyang nailayo ang ulo rito. Nabigla siya kasi iyon ang first kiss niya. Iyon din ang unang beses na hinalikan siya ni Ryxer sa labi. "We call it smack kiss.” Tumango-tango siya na parang nahipnotismo ng kaharap. Muli nitong inangkin ang labi niya, this time ay matagal na at gumagalaw ang labi nito. "Open up sweetie." He demanded. "Hmn?" Tanging nasambit niya lang habang magkadikit ang mga labi nila. Bakit ba hinahayaan nyang halikan siya nito? Hindi niya rin ito maitulak. Mali ang ginagawa nila, hindi dapat sila nagkikiss! Umalpas ang isang tinig mula sa kanya nang kagatin ni Ryxer ang pang-ibabang labi niya dahilan para maipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. Hindi niya inaasahan na gagawin sa kanya ni Ryxer ang bagay na iyon. Napapikit siya at napakapit sa dibdib nito nang maramdaman niya na iba na ang halik ang ginagawa nito sa kanya. His lips and his tongue were exploring inside her mouth. She doesn't know how to answer kiss. He stopped and look at her. Nakatingin lang rin siya dito, lutang pa ang utak nya sa nangyayari. "I will teach you how to kiss, sabayan mo ako.” He said, staring at her. She nod her head absentmindedly as her answer. Ryxer cupped her face and started kissing her. Ginaya niya lang ang bawat galaw ng labi nito at sinabayan. "That's it baby." He whispered between the kiss. Lalong humigpit ang kapit niya sa dibdib nito ng tila mauubusan na siya ng hangin dahil sa ginagawa nila. Ito naman ay nakahawak sa likod ng ulo niya at ang isang kamay nito ay nasa bewang niya. Siya na mismo ang nagtigil ng halikan nila dahil sa kakulangan ng hangin. "And that's a torrid kiss." His husky voice sounds so sexy. Napayuko na lang siya at kinagat ang pang-ibabang labi niya. Wala dapat makaalam na nagkiss sila ni Ryxer. Secret lang dapat iyon. Inangat nito ang mukha niya gamit ang isang daliri para magtama ang mga mata nila. She’s speechless. Ano ba ang sasabihin niya? She's embarrassing herself in front of him. "W-why did you do that?" Nalilitong tanong nya. Imbes na sagutin ay hinalikan lang siya nito sa noo at iginaya siya palabas ng silid. He always makes things difficult for her to understand. Why did he kiss me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD