PROLOGUE

1201 Words
"UMALIS ka na!" Sigaw sa kanya ni Ryxer. Pero dahil mahalaga ito sa kanya kaya hindi siya umalis sa tabi nito. Nasa loob sila ng opisina nito sa Race Inc. "Gagamutin ko ang sugat mo. Alam kong masakit 'yan." "Hindi ka doctor." "Wala naman akong sinabing doctor ako Ryxer pero kaya ko naman bigyan ng paunang lunas ang sugat mo, ha.” Nabangga kasi sa poste ang isang sports car nito, hindi naman sobrang malala ang pagkakabangga hindi lang agad kumagat ang preno. Mayroon lang itong galos sa noo. She hates blood pero para kay Ryxer ay pipilitin niya na lang na gustuhin ang dugo. "Ang kulit mo Charlton, sinabi ko na ngang umalis ka na at kaya ko ang sarili ko." Alam niyang nababadtrip na ito. Kinuha niya ang alcohol at bulak na nasa gilid ng lamesa. Dahan-dahan niyang idinampi iyon sa noo nito. “Ouch!" Nakangiwing reklamo nito habang hawak ang kamay nya. Gusto niya sanang alisin ang kamay na nakahawak sa kanya dahil nagaground syia, para bang may electricity na bumalot sa katawan niya bigla dahil sa pagdampi ng kanilang mga balat. "Saglit lang ito, tiis-tiis lang." Aniya at iniihip-ihipan ang gasgas. "Betadine na lang ang ilalagay ko Ryxer para hindi ka na masaktan." Pumunta siya sa isang maliit na cabinet doon at kinuha ang iba pang first aid kit na pwede niyang magamit. "Patingin ulit." Sabi nya ng makabalik. Nagtetext kasi ito, inangat naman nito ang mukha at inumpisahan niya nang dampian ng betadine. Napalingon siya sa may pintuan ng opisina ni Ryxer nang biglang bumukas iyon at muntik na siyang matumba nang hawiin siya ng babae at mabilis na yumakap sa binata. "Darling, what happened to you? Masakit ba?" Tanong ng babae habang sinisipat ang noo ni Ryxer. "I'm fine, don't worry." Parang nanikip bigla ang dibdib niya nang makita ang paghahalikan ng dalawa sa harap niya pero wala naman siyang karapatan mag selos kasi girlfriend ito ni Ryxer. Pero bakit parang nasasaktan siya sa nakikita? Nakakandong pa sa lap nito ang babae. Nakayuko na lumabas siya ng silid at dumeretso sa restroom. Tumapat sya sa salamin at tinignan ang itsura niya. Ang sabi sa kanya ng mommy niya ay mas kamukha niya raw ang kanyang daddy pero ang mahinhin na kilos niya ay sa mommy niya nakuha. Ayaw yata ni Ryxer ng mahinhin, gusto nito ay mga wild na babae katulad ng mga nagiging kasintahan nito. Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang labi kapagkuwan. Ano kaya ang feeling kapag hinalikan siya ni Ryxer? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? She's never been kiss, masyadong istrikto ang parents niya pero naiintindihan niya naman ang mga ito. Ni hindi pa nga siya nagkaka boyfriend, ang gusto niya kasi ay si Ryxer ang maging first and last boyfriend niya para ito rin ang mapang-asawa niya balang araw. Isiniksik niya na sa utak niya ang bagay na 'yon. Ewan niya nga kung bakit gustong-gusto niya ang binata. Sabay-sabay silang lumaki kasama pa ang iba pa nilang mga kaibigan kaya lang mas matanda sa kanya si Ryxer ng ilang taon. Graduate na ang mga ito pero siya ay gagraduate pa lang. Malapit na ang graduation nila pati na rin ang debut nya. Sinagot niya ang tawag nang tumunog ang kanyang cellphone. "Hello kuya, bakit?" "Nagpunta ako sa University pero wala ka. Where are you?" "Pauwi na rin ako kuya Cassidy, nandito ako sa RACE." Tukoy niya sa malawak na lugar kung saan nangangarera ang kapatid pati na rin ang iba pa nilang kaibigan. “Okay, drive safely.” "I will, bye." And the line was cut off. Bumalik siya sa office ni Ryxer para magpaalam baka kasi hanapin na siya dahil bigla na lang siyang nawala. Kahit naman masungit sa kanya ang kababata ay alam niyang nag-aalala pa rin ito sa kanya. "Ahhh, Ryxerrrr!" Narinig niyang sigaw ng babae, sigaw ba iyon o ungol? Kahit nasa tapat pa lang siya ng pintuan ay rinig na rinig niya na ang iba't-ibang klaseng tinig mula rito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para malaman kung ano ang nangyayari sa loob baka kasi nag-aaway na ang dalawa. She opened the door and was welcome by a very heart melting scene, 'yung nakakatunaw ng puso sa sakit hindi sa saya. She felt her heart torn in to pieces upon watching Ryxer pleasuring his woman. Ang kaninang may damit na babae, ngayon ay hubad na, nakababa na sa bewang nito ang tube dress na suot kanina. Kung hindi lang ito nakapatong sa ibabaw ni Ryxer ay baka nakita niya na rin ang itinatago-tago ng childhood sweetheart niya. Nakaupo ang binata habang gumigiling sa kandungan nito ang kasintahan. Mabilis na isinara niya ang pinto at sumandal doon. Sapo-sapo ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib. Umiling-iling din siya para mawala sa imahe ang eksenang iyon. Sana pala hindi na lang siya nagpaalam kay Ryxer, sana umalis na lang siya bigla. Nadungisan pa tuloy ang inosente niyang mga mata, hindi na virgin ang mata niya! Taas noo na nilisan niya ang lugar. Nginingitian niya rin ang mga empleyado na bumabati sa kanya. Iba't-ibang klaseng sasakyan din ang nakahelera at ang iba ay ginagawa naman. They named their company as RACE Inc. At isa ang kumpanya na 'yon sa pinaka sikat pagdating sa pagbebenta ng mga sasakyan especially sports car at pag-aari rin ng mga ito ang malawak na racing field kung saan ginaganap every year ang karera ng mga sasakyan. RACE stands with R for Ryxer Wilson. The other remaining letters stands for the other owner of the said company. Apat na tao ang nagmamay-ari ng company na iyon. They are the person behind the RACE Inc. but people didn't know about that. Tanging silang magkakaibigan lang ang nakakaalam at ang mga magulang nila. The four person doesn't want to be a popular just because they are the owner of the said company, but because they are the best car racer in the Country. Yes they are the best, kaya kapag sinabing the best, expect that they are really deserve to be called 'The Best'. Naglakad siya papunta kung saan naka-park ang kanyang red Mazda MX5 ND sports car. A gift from her brother, Cassidy. Magaling na siya magdrive but she still know her limits. Habang nagmamaneho siya ay bumabalik-balik sa ala-ala nyia ang nakita kanina. First time niya kasi masaksihan ang ganoon. Ayaw niya sa nararamdaman niya, ayaw tanggapin ng puso niya na iba-iba ang babae ang nakakasama ni Ryxer tapos gumagawa ng kababalaghan. Pilit niya na lang ipinapasok sa isip niya na it’s a men's needs, may pangangailangan ang mga ito pero paano naman silang mga babae? Ano ba ang pangangailangan nila? Pagmamahal at pagpapakita na espesyal ka sa isang tao. Her family loves her so much kaya nga nagtataka siya minsan sa kanyang sarili kung bakit parang may hinahanap pa siya? Hinahanap niya ang importansya na ibinibigay sa kanya ng pamilya at mga kabigan niya na hindi naman maibigay sa kanya ng kababata. Kahit noong mga bata pa sila ay ayaw na talaga sa kanya ni Ryxer, mabait naman siya, maalaga at di hamak naman na mas maganda siya sa mga nagiging girlfriends nito. Pero bakit ganon? Bakit ayaw sa kanya ni Ryxer??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD