Pt. 017 Takbo kaagad ako sa loob ng kwarto ko. Mabilis na mabilis. Ayaw kong mawala akong kakiligan ng buong katawan ko sa labas ng kwarto ko, gusto kong bitbit ko ang lahat ng kilig moment sa kwarto ko no. Sinarado ko agad ang pinto at sumandal sa likod pinto. Napahawak ako sa puso, at haaaaaaayyyyyyyyy… My gad! ang ganda-ganda ko talaga. Ako na talaga ang pinakamagandang diwata sa balat ibabaw ng lupa. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko, at pakiramdam ko, nasa paligid pa rin ang presensya ng dalawa, hindi pa rin nawawala ang amoy ni Trevor sa kanan, at amoy ni Borg sa kaliwa. Sa kanan ang anghel at kaliwa ang halimaw. Mahal ko na silang dalawa talaga. Ay teka lang! Anong dalawa? Bakit dalawa? Hindi pwedeng dalawa? Mahal ko din si Borg? NO WAAAYYYYYYY! No! No! Hindi ito maari. St

