Pt. 024.5 Nako ha! Nagdala pa ng Avenger si Aida. At ano raw? Honey? My gad! Saan naman kaya niya nakuha ‘yang bouncher niyang boylet. Pero as if naman na I am so afraid. Woy… Hindi naman siya multo para katakutan! “Is that so true that you hurted my baby?” ---HULK! TAMA BA YUNG NARINIG KO? Ako? Natalsikan lang ng tubig? Nasaktan ko na? Ano to joke? My gad! “Excuse me! You must be mistakin' the wrong person. Hindi ko nga kayo kilala eh.” Sabi ko. Pero kinapitan ako agad ni Borg sa balikat ko. Kasi nga sobrang laki talaga ng makakalaban namin. At pagtumalon siya sa pool. Malamang magkakarun ng tsunami! “He's lying! Don't believe him, only believe to me! He hurted me. It’s so painful.” ---Aida! Nakakainis na ang english niya pati siya. Hindi tumutugma! Urghes, “…look oh? I have bruises

