Naglakad si Nayette... pupunta siya kay Borg.
"Hoy teh? saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kay Pogi." <--Nayette.
"at kelan pa naging Koi ang pangalan mo ha? tsaka-- tska, anu kaba teh, kung sino ang may kailangan siya ang lumapit no. Hampaslupang halimaw na iyan, hindi niya tayo alipin para palapitin niya tayo sa kaniya." Maarting sabi ko kay Nayette.
"Kung ayaw mong lumapit neng' ako nalang, tutal sabi mo naman, sa akin nalang siya diba??? o sige maiwan na kita diyan." Tumakbo si nayette papalapit kay Borg.
naku ha! ang landi ha, tinalo pa ako sa kalandian, sure talaga ako na mga babae ang mas malalandi kesa sa mga bakla. Likas na sa kanila ang pagiging malandi, at sa aming mga bakla, Likas papaya ang gamit namin.
ano ba yun? walang kakonek konek.
landi ni nayette. kinikilig ampoota! pero natuwa naman ako kasi ang saya saya niya sa bago niyang boylet.
natatandaan ko noong unang pasok ko dito, walang kumakausap sa kaniya, at wala ring nakausap sa akin kasi maldita ako, kaya ayun kaming dalawa ang nagsama.
kumakaway sa akin si Nayette na lumapit daw ako.
HMFT! makalapit na nga...
* lakad with posture sa ilalim na mainit na araw. Nakasun protect lotion naman ako eh.
"Nong' problema mo at tinatawag mo ako?" tanong ko kay Borg.
"I would like to thank you for lending me your pen yesterday." sabi ni Borg, nakupo siya sa batong upuan katabi niya si Nayette ako naman nakatayo lang.
"Iyon lang? sana tinext mo nalang ako diba?"
"hindi ko alam number mo eh..." sabi niya.
so, bet nya palang makuha ang number ko, ganun ganun? naku ha! di ako nakikipagtextmate sa mga halimaw... baka maging dahilan pa iyon ng pagseselos ni Trevor.
ow Trevor .. haaayyy @__@
tapos--- umusod siya. nagbigay space siya sa gitna. "...have a sit."
napatingin ako sa space, kitid lang. Compressed kaming tatlo? at nasa gitna pa ako? yuko nga gumitna no, kasi nasa gitna ang namamatay.
"teh, umusod ka nga, ayaw kong gumitna no." sabi ko.
malanding umusod si Nayette sa tabi ni Borg. Kung makangiti abot hanggang langit.
May kinuha si Borg sa bag niya... isang papel. Parang assignment.
ano magpapaturo siya sa akin? kung Filipino o panitikan yan, papatusin ko--- other than that.
Im sorry no.
"...ako pinakamataas na score sa Chemistry. Kung hindi mo ako pinahiram ng pen yesterday, i'll be devastated. Sobra akong manghihinayang sa scores ko." sabi ni Borg.
pagtingin ko sa papel.
letche totoo ba iyo? puro checks ang nakikita ko?
up to 25? 24 siya isa lang mali niya.
tapos-- eh ilang sandali niyalang ito ginawa ah? my Gad.
si Nayette, tulala din.. pasimple lang si Nayette, kasi kagaya ko bogaks din siya sa Chemistry, mas malala lang ako ng mga 40 %.
napatingin ako kay Borg. Nakangiti siya sa akin.
"galing mo manghula ah." sabi ko.
"hehe-- hindi naman." sagot niya, pahumble.
wala akong maramdaman na halong pagkayabang, ewan ko--- basta kalma lang, iyong pagpapakita niya ng paper niya, siguro gusto niya lang ipaalam ng dahil sa aking kabutihan at kabaitan ay nakapasa siya. ^__^
"oh edi paburger ka naman, taas ng score mo eh." sabi ko.
"sure!" sabi niya. "tara sa cafeteria."
"Oy teh? anune? stuck-up kana sa papel ni Borg? galaw galaw din bka maging maniquine ka." sabi ko.
ayun natauhan siya.
binalik na namin kay Borg nag papel.
tumayo na kami.
unang naglalakad si Borg. sa gilid kami nadaan kasi mainit ang araw, nakakaloka. nakakaitim. nakakatuyo. nakakalusaw. nakakabwisit.
"neng' hindi lang siya pogi, matalino pa, mukhang mayaman din, siya na talaga ang hinahanap ko." mahinang tsu tsu sa akin ni Nayette.
"kaya nga go kana teh, at sa tingin ko din-- may maipagmamalaki pa iyan kapag naghubad yan sa harapan mo." sabi ko.
"ihhh! anuba!" kinilikig ampoota kong kaibigan. Nag-ayos pa ng hair niya. "..ayaw mo talaga sa kaniya?" tanong ni nayette.
"edi sana di na tayo pumunta sa gym knina kung hindi ko na mahal si Trevor. Oo, pogi siya teh, pero-- wala talagang sparks eh, alam mo iyon? tsaka ano kaba teh, hindi porque mabait ang isang tao, maiinlove kana kaagad agad, malay mo may jowa na pala iyan."
"eh bakit ikaw nainlove ka ng husto kay Trevor, sa itsura kalang bumase eh, hindi mo nga alam kong mabait talaga iyon o hindi eh."
"ano kaba! matagal ko ng crush si Trevor, eh yang halimaw na iyan, ngayon lang natin nakilala yan, teka nga, ikaw ba kilala ka na niya?" Tanong ko.
"Oo, pagkalapit ko nagpakilala kaagad ako no. natandaan naman niya ako, kaya nga kinilig ako eh." nakakapit si Nayette sa braso ko.
para kaming magsyota.
tomboy siya, bakla ako.
oh diba? perfect combination? kaloka.
wahaha ^^,)
* sa cafeteria
meron kaming 3 softdrinks, tig-isa kami ng macaroni in plate, wala kasing burger eh. lack of budget na daw ang canteen, lack of budget? ang dami daming students dito? hindi sila kumikita eh, ginto ang benta nila sa mga paninda nila.
naku ha!
"bakit nga pala, ngayon lang kita nakita dito sa school?" tanong ko kay Borg.
"hindi ko alam sa iyo, pero ako lagi ko kayo nakikitang dalawa." sabi ni Borg habang nahigop ng softdrinks.
"neng' naka nakalimutan mong bulag ka sa iisang tao, asa kapa na matatandaan mo lahat ng students dito." satsat ni Nayette.
kung sabagay may punto si Nayette, napatingin ako sa paligid. ang dami ngang students na mga ngayon ko lang nakita. sigurado bang ang lahat ng ito ay dito nag-aaral?
oh mga halimaw din sila kagaya ni Borg na pagala gala lang sa school.
eh sa sobrang lawak din ng university, 10,000+ students ang nag-aaral dito, goodluck kong matandaan ko silang lahat no.
"sino naman iyong iisang tao na iyon?" tanong ni Borg.
"ah-- iyon ang ultimate crush ni Koi dito sa school." <--nayette.
"pwede ba teh, wag mo ng itsismis kay Borg iyon no." sabi ko.
"wow, kaya pala kanina ayaw mo akong isabay sa paglalakad baka makita ka ng crush mo." Nakangiting sabi ni Borg, pati mata niya nangiti din.
"Nagkasabay kayo?" tanong ni Nayette.
"oo, sa FX lang, pero pagdating dito sa school, sabi niya, humiwalay na daw ako at baka mapagkamalang boyfriend niya daw ako. Hahaha!" <--halimaw na borg.
"Grabe ka naman makatawa..." sabi ko.
"ay sorry, wala lang." Tumikom siya ng bibig.
"eh basta, kapag hindi ko kasama si Nayette, huwag kang lalapit sa akin okay? o ano kaya kay nayette ka nalang lumapit, mukhang bagay naman kayong dalawa eh." sabi ko.
nagkatinginan silang dalawa.
letche! namula bigla si Nayette. pa-halata naman kaagad si ateh! dapat nag pa-demure muna siya eh. waley din to eh, mabubuntis kaagad to pag nagkataon. =______=
tapos-- napatingin si Nayette sa pinto ng cafeteria.
kaya napatingin na din ako.
O.M.G.
si Trevor!!!
pero! letchugas oh! nakadikit sa kaniya ang tukong si Betty O Yuno. At bet na bet niya talagang ipamukha sa lahat na siya na ang bagong syota ni Trevor. Magpasalamat siya at wala si Yolanda dito kung hindi, baka nagkagulo na sa pagpasok palang nila sa pinto.
ang lahat ng taong nasa loob ng cafeteria sa kanila lahat ang tingin. Para silang mga sikat na artista sa isang teleserye.
mga letcheng estudyante ng paaralang ito, mga kinikilig--- kung kinikilig sila ako naman naginginig sa gigil sa babaeng haliparot na umaagaw sa mahal kong si Trevor.
mahigpit ang hawak ko sa tinidor, subukan lang na lumapit dito ng betty o yuno na yan at di ako magkakamaling itusok sa ngala-ngala niya ito.
GRRR!!
"Koi? okay kalang?" <---Boses ni Borg. Napatingin ako kaagad sa kaniya.
"Huh? ah uo naman. kailangan ko ng umalis." sabi ko. Kinuha ko ang bag ko at akmang tatayo.
"Pero, neng' hindi mo pa ubos ang kinakain mo?" <--nayette.
"Iyo na iyan teh, baka makapatay ako ng di oras--- nabuburaot ako!" nanginginig kong sabi.
"ah-- si Betty ba ang ultimate crush mo Koi?" <----BORG!!!
seriously?? may pagkahalimaw talaga tong si Borgy eh.
"bakla nga ako diba? paano ako magkakagusto sa isang halimaw na babae?" Inayos ko ang bag ko, pero nakatanaw parin ako kanila Betty at Trevor.
Gusto kong makita ay si Trevor lang, hindi ang may kasama siyang babae! masakit sa puso. nadudurog ang puso ko!
urrrrghes!
"ah iyong lalaking kasama ni Betty..Sino ba iyon?" Napatingin si Borg kay Trevor.
hindi niya kilala si Trevor? sigurado ba talagang dito nag-aaral itong si Borg? eh buong university, mapaloob at labas kilala siya uh?
"Hindi mo kilala si Trevor?" tanong ni Nayette.
Umiling lang si Borg.
"..kung sabagay nga gwapo siya, eh--- wala kasi akong pakialam sa mga tao dito sa school, maliban sa mga kaklase ko, kayo palang ang mga nakausap ko dito." sabi ni Borg.
"ay naku kang lalaki ka, o siya aalis na ako." sabi ko. Inayos ko na ang upuan.
eh ang kaso--- hindi ko namalayan na papalapit sila Betty O yuno at si My Gad.. si Trevor.
ang lapit lapit na niya sa akin. sobrang lapit...
at ang gwapo niya sa malapitan.
hindi ko na napapansin ang iba pa.
"excuse me, pwede bang lumipat nalang kayo ng ibang upuan?" <---Betty.
ANO DAW??? palilipatin kame? napatingin ako, ang dame nila.
"okay." <---Borg!!!! akmang tatayo siya.
"EXCUSE ME DIN!!! alam mo namang nakain pa kami diba?" <--ako.
"akala ko ba ayaw mo na kumain?? kaya okay lang, lilipat nalang kami ni Nayette, madame kasi sila o." <--Borg.
ano ba naman tong lalaking to oh! tss!
"Ayun naman pala, tapos kanang kumain, kaya kung pwede lang, give chairs to others." <--betty, naka-crossed arms siya. Nakahawak sa balikat niya si Trevor.
"Hindi mo ba nakikita ang plate ko na puno pa ng pagkain? No Borg, bumalik ka kinauupuan mo at hindi tayo aalis sa pwesto natin." sabi ko.
umupo ako ulit.
"eh talaga palang maldita kang bakla ka eh. kaya tama lang din na hindi ka namin sinali sa grupo. kung ayaw mong umalis then fine. Pwede kaming humanap ng mauupuan, malayo sa iyo, baka mamaya may sakit kapa at mahawaan mo pa kami." taas kilay na sabi ni Betty.
"Tigil tigilan mo ako Betty, baka nakakalimutan mong alam kong meron kang buni sa likod na mas nakakahawa." pagmamaldita ko.
hindi ko na napapansin ang iba
ano ba to! bakit ako naiinis, baka maTO sa akin si Trevor sa ginagawa ko. Naiinis kasi ako, nanginginig ang adrenaline ko.
"Anong pinagsasabi mong buni? I never had it, and will never ever have it." sabi niya.
"babes, tama na iyan... pumunta tayo dito para kumain hindi para makipag-away." sabi ni Trevor.
urgh! ngayon ko lang nadinig ng malapitan ang boses niya, kinikilig tuloy ako na ewan, na letche lang. ang lamig ng boses niya, ang sarap ulit ulitin sa taenga.
"Hindi kasi babes eh, nakikiusap naman ako na kung pwede lumipat sila diba? kasi madame tayo." sabi ni Betty.
"Sa iba nalang tayo, nakain naman kasi sila... " sabi ni Trevor. Buti pa ang mahal ko nakakaunawa, itong palakang betty na to ang hina umintindi.
tapos. urgh! naglabing labing pa si Betty kay Trevor, ang arte! payakap yakap pa.
nakakainis talaga oh! =__=#!
"Sorry sa pang-aabala namin sa pagkain ninyo." <--Trevor.
"Wala iyon pre'" <--Borg.
"You say sorry to them? My God! Sa baklang yan, it's not worth to say sorry."
abay ako talaga'y binabadtrip nitong babaeng ito eh. ay masasampulan ko talaga ito eh.
kinapitan ako ni Nayette sa kamay ko, alam niya kasing nanggigil na ako eh.
MAS LALO PA AKONG NAINIS SA KANIYA NG MALAMAN KONG SYOTA SIYA NI TREVOR. </3
maarte! tsseee!
walk out si Betty, at humanap na mas malayo sa pwesto namin.
Si, Trevor... naiwang nakatayo sa gilid ko.
"pagpasensyahan niyo na Girlfriend ko ha? mali din naman kasing palipatin niya kayo. Pasensya sa pang-aabala." tapos, patapik na nilapat ni Trevor ang palad niya sa balikat ko.
eeeeeeeeeeekkkk! para akong nakaramdam ng kuryente na dumaloy buong katawan ko na gusto kong sumigaw bigla ng..
DARNA!!!
urghes!
hindi ko napansin na nkalayo na sila at pinuntahan ang jowa niyang mahadera.
"Pagpasensiyahan mo na iyang si Koilan, Borg. Mabait naman iyan, naiinggit lang siya kay Betty kasi super crush niya talaga si Trevor kaya ayun... minalditahan niya."
"ah okay. kaya pala. akala ko magkakaroon ng Civil War kanina eh. Napansin niyo ba iyong ibang kasama nila, anymoment, susugurin na ka na nila Koi. Pero, wag kang mag-alala, haharang kaagad ako para di ka nila masaktan." Sabi ni Borg, tapos higop ng softdrinks.
Hindi ko na napansin ang expression ng iba kanina eh, tsaka, it sounds like na ipagtatanggol ako ng halimaw na ito sa mga kampon ni Betty.
bakit parang napangiti naman ako sa sinabi niya.
ano bayan! *_____*)
"sige na tapusin na natin ang pagkain para makaalis na tayo dito, ang sama ng tingin sa iyo ng mga kasama ni Betty oh." pasimpleng tingin lang si Borg sa gawi nila Betty.
napatingin ako.
oo nga, ang sama ng mga tingin nila sa akin.
Inirapan ko nga.
letche sila.
* after namin kumain. lumabas na kami ng Cafeteria.
kung ano man ang nangyari kanina, masaya ako ng dahil sa tatlong dahilan.
* nadinig ko ng malapitan si Trevor.
* tumapik sa likod ko si Trevor at---
Ipantatanggol ako ni Borg...
ay anu ba yun, bakit ba nakasama iyon.
humiwalay na si Nayette sa amin.
Tapos, si Borg.. lalayo din.
"oh saan ka pupunta?"
"lalayo, kasi diba sabi mo wag ako lalapit sa iyo kapag wala si Nayette?"
"tssee!!! kalimutan mo na iyon, sabay tayo kanina sa FX kaya malamang parehas padin tayo ng way pauwi, kaya wag ka ng umarte no." sabi ko.
"okay.. sige." sabi niya. tapos, sabay kaming naghintay ng FX pauwi.