“Iyan din ang inisip ko noong una. Kaya ngayon ko lang ito sinabi sa iyo. After all, I don’t think he will be a good father. He’s not born to be one. He’s an artist who values his freedom. Pero isipin mo rin, Jay, kung ikaw halimbawa ay may anak pala na hindi mo alam, ano ang mararamdaman mo? Hindi mo ba maiisip na makilala at makita man lang ang anak mong iyon kahit isang beses lang? Kahit ganoong klase ng tao si Joseph, sigurado ako na kahit paano ay naiisip niya ang tungkol sa iyo. You can just meet him once if you are really not comfortable with it. Besides, ngayon kahit umaalis siya ay tinatawagan na niya ako para sabihin kung nasaan siya. Hindi katulad noon na talagang pinutol niya ang koneksiyon namin. He’s much better than before,” seryosong sabi pa ni Francis. Napabuntong-hininga

