Chapter 21 Pagkarating ko sa office ni Ma’am, umupo siya bago, “Sit down Nia,” utos niya. Ginawa ko naman pero puno pa rin ng hiya ang aking mukha. “So, gaano na katagal yan Nia?” tanong ni Ma’am. “Gaano katagal na nakikipagkita ka sa lalaking iyon?” Sa hiya, hindi ako nakaimik agad, pero nanaig pa rin ang respeto ko sa kaharap naming principal kaya sa natitira kong lakas, “Matagal na po Ma’am,” mahina kong sagot. “Specifically kailan Nia?” tanong niya. I paused. “Ever since the start of this school year Ma’am.” “That long?” Ma’am exclaimed. “Isang taon ka nang nagpapakita sa kanya ng patago?” Hindi ako umimik sa tanong niya. “I thought I was clear on our number one rule here: na bawal makipag-usap sa kanila unless it’s an emergency or it’s something very important to talk about.

