Sinulit niya ang kanyang boung araw sa pakikipaglaro sa anak. Halata ang sigla sa mukha nito habang nakikipaglaro sa kanya, its tiring pero sulit ang pagod na kanyang nadarama. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa sa kanyang puso. Lalo at dama din niya ang suporta at ang pag alalay ng kani kanilang pamilya sa kanya. Medyo nawala na din ang kanyang pagkailang sa mga tao sa loob ng bahay, kahit na tinatawag siyang Ma'am ng mga kasambahay. "Ma'am tumatawag po si Sir Kristan." Sabi ng isang kasambahay na kakapasok palang. Kinabahan naman siya bigla, although di naman nakapatataka na tumatawag ang lalaki sa kanya kasi asawa nga niya. Mahilig talaga itong tumawag sa kanya, pero ngayon kasi ay sa telepono sa bahay tumawag. Palaisipan tuloy sa kanya na baka may sama ng loob ang lalaki kaya sa lan

