Mabilis na lumipas ang mga araw, ilang araw nalang ang binibilang bago ang kanyang due date. At syempre nandiyan na yung mas malalang kaba, pero mas lamang ang excitement lalo at first baby ang kanilang anak. Nakaalis ang ate niya, pero tatlong araw lang sa Australia at bitbit na pauwe ni Tristan. Kaya nasa Pilipinas na ito uli, madalas ito na nasa bahay nila kasama ng kanyang Mama. "Napaano kana naman?" Untag nito ng makitang iika ika siyang naglalakad papasok ng komedor. Isang linggo na nag work at home ang asawa, si Tristan ang madalas na humaharap sa mga board meetings at sa mga affairs na need ang presence ng asawa. Batid niya na kung kinakabahan siya sa kanyang sitwasyon ngayon ay mas lamang ang kaba nito. Madalas na nahuhuli niya itong hinahaplos ang kanyang mukha habang natutu

